Linggo iyon ng umaga at sabay pa na umiiyak ang kambal. Mabuti na lamang at meron yaya ang mga anak niya na nakakatulong niya, kung hindi ay baka nabaliw na siya kung sino ang uunahin sa dalawa. Kinuha niya si Marcus at pinadede gamit ang bote nito. Hindi kasi nakapagpa-breastfeed dahil maliit ang butas ng n****e niya, nahihiya naman siyang ipasipsip ito noon kay Marco dahil baka isipin nito ay siya lang ang may gusto niyon. Bigla naman itong tumahimik at seryoso siyang tinitigan habang umiinom ng gatas. Para tuloy siyang tumitingin sa little version ni Marco. Nang bumukas ang pintuan ay pumasok si Marco, wala kasi itong pasok sa opisina. Habang ang daddy naman niya ay nasa may garden at tinitignan ang mga bago nitong halaman. "Hello, my baby" Baling ni Marco kay Marcus. Kita nama

