Ilang minuto lang ay may dumating ng ambulansiya. Halos hindi na siya makangiti sa sobrang sakit ng nararamdaman. Halos makapasok lang siya ng ER nang maramdaman niya ang pagsabog ng tubig at pakiramdam na parang matatae siya na hindi niya alam. Mabilis siyang ipinasok sa may operating room. Humahangos din na pumasok doon si Marco at mabilis na hinawakan ang kamay niya. "You can do it, Mikah" At marahang pinisil ang kamay niya. "Hayop ka, Marco! Ang sakit-sakit manganak!" Ngiwing sigaw niya. "Just relax, Mikah" Kinakabahang sabi rin ni Marco. "How can I be relax? Palit kaya tayo! Ikaw ang umiri ritong hayop ka!" Galit na sigaw niya sabay ire. Nakaka-tatlong ire pa lamang siya nang marinig ang pag-iyak ng isang sanggol. Nang sumunod ay medyo nahirapan siya. Pero pagkaraan ng s

