"What are you doing here?" Gulat na gulat na tanong niya rito.
"Why? Am I not allowed to go here?" Taas kilay na tanong nito.
"I didn't say that, but please Mikah. Not now pagod--"
"Pagod saan? Sa kakabantay, kakahatid at pakikipag-date riyan sa bagong transferee sa school?!"
"No, Mikah wala kaming ginagawang masama okay? Nagiging mabait lang ako sa kan'ya just because bago palang siya rito at wala pang kakilala" Mahinahong paliwanag niya rito.
"Oh really? Pero parang hindi gano'n ang nakita ko kanina, pasalamat ka ay hindi ko sinugod---"
"Leave her alone, Mikah! I'm telling you!" Biglang sabi niya sa pagkabigla.
Kita niya ang gulat sa mga mata ng babae. "Really? Marco?! Sinisigawan mo ako nang dahil lang sa babaeng iyon?!"
Bigla siyang napatayo at hinawakan ito sa magkabilang braso. "Look, Mikah I didn't mean to shout at you but please, nakikiusap ako sa'yo. Pwede bang tigilan mo iyang pakikipag-away mo sa school? For goodness sake hindi na tayo mga bata" Seryosong sabi niya rito habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.
Saglit lang itong natigilan pero kaagad ding nakahuma. "I will leave that b***h girl basta ipangako mong hinding-hindi mo na siya lalapitan"
"Sorry but I can't do that, once and for all Mikah hindi mo ako alipin na basta nalang susunod sa lahat ng gustuhin mo. Hindi na kita ihahatid, I'm tired at gusto ko ng magpahinga" At mabilis na niya itong iniwan sa sala at mabilis na pumasok sa kwarto niya at ni-lock iyon. He knows that he is being rude pero anong magagawa niya? Napapagod din siya.
Pero nagulat siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok ito.
"What are you doing here? Paano ka nakapasok? I already locked my--"
Bago pa niya natapos ang sasabihin ay nakangisi nitong ipinakita sa kan'ya ang isang duplicate key. "Kung saan-saan mo kasi nilalagay, iyan tuloy napulot ko. Sorry" At lalo pang lumaki ang ngisi nito.
Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa isang braso. "Please, Mikah. Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. I am tired" Walang ganang sabi niya.
Pero parang wala itong pakialam at hinila ang isang braso at mabilis na humiga sa kama niya.
"Wow. Ang lambot naman ng kama mo, Gamboa. I think, I wanna sleep here" At mabilis na pumasok sa kumot.
Malalim siyang napabuntong-hininga at pinipigilan ang galit.
"Oh? What are you still doing there? I thought you are tired?" Taas kilay na tanong nito.
"Can you stop playing, please?"
"What? I am not playing, I am f*****g serious here. We need to practice because we will get married anytime soon" Ngiti nito sa kan'ya na lalong ikinainis niya.
"Oh crop!" Inis na sabi niya at mabilis na lumabas at kinuha ang susi niya.
"Where are you going?" Inis na sabi Mikah na nakasunod pa rin sa kan'ya.
Inis na hinarap niya ito. "Can you just please leave me alone kahit ngayon lang?! Nakakairita ka na!" Galit na sigaw niya na ikinatigil at gulat nito.
Mabilis naman itong tumalikod at tumakbo, he feels guilty. Gusto man niya itong sundan ay hindi niya ginawa. She needs to learn her lessons.
Kinabukasan ang maaga siyang pumasok. Sakto naman niyang nakita si Sabrinne at binusinahan, kitang-kita niya pa ang pagkagulat nito.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at pinuntahan ito. "Hey, kumusta? Pinagalitan ka ba ng kuya mo?"
Kita naman niya ang gulat sa mga mata nito.
"Ah hindi naman, pinagsabihan lang ng konti." Iwas na tingin nito.
"Come on, I'll treat you breakfast para naman makabawi ako" Ngiti niya at mabilis na itong hinila bago pa ito makapagprotesta.
Umupo sila sa may sulok na parte ng canteen. "So, what do you want for breakfast?" Ngiti niya rito.
"Pancake would be great!" Ngiti nito na tila nagpahinto ng mundo niya.
Pero bago pa tumulo ang laway niya sa pagkatulala rito ay mabilis na siyang umalis.
"Goodmorning, pres!" Bati sa kan'ya ng mga nadadaanan niyang mga studyante na kumakain din sa canteen.
"Goodmorning too" Masayang bati niya sa mga ito. Parang ang gaan-gaan kasi ng pakiramdam niya.
Pero ilang minuto palang siyang nakatayo roon ay bigla ng tinawag ang pansin niya ng isang istudyante rin.
"Pres! Si Mikah, mukhang may inaaway na naman" Sabi nito sa kan'ya habang nakatingin sa may gawi ng mga ito.
Nanlalaki ang mga mata na mabilis siyang naglakad at pinuntahan ang mga ito. Pero bago pa siya tuluyang makalapit ay naisaboy na ni Mikah kay Sabrinne ang isang litro yata ng tubig na hawak-hawak nito.
"Mikah! What are you doing?!" Galit na sabi niya nang ganap na makalapit.
Taas kilay naman siyang hinarap ng babae. "I am just teaching her a lesson, sweetheart" Ngisi nito at mabilis ng umalis.
Nang umalis ito ay mabilis naman niyang binalingan si Sab. "Are you okay? Come on, I'll bring you home para makapagpalit ka" Alalang sabi niya rito.
"Ano ka ba? Okay lang ito, tubig lang ito at matutuyo rin" Ngiti nito sa kan'ya.
"Sige na, baka magkasakit ka pa" Pilit niya rito at mabilis na itong hinila sa may sasakyan.
"Iyong babae kanina? Bakit sinabi niyang fiance mo siya?" Biglang tanong naman nito sa kan'ya habang seryoso siyang nagmamaneho. Nahihiya kasi siya rito dahil sa ginawa ni Mikah.
Bigla naman siyang natahimik. Kahit kailan talaga hindi na magtitino ang babaeng iyon! Inis na bulong niya sa isip.
"It's okay kung ayaw mong pag-usapan" Nahiyang sabi nito sa kan'ya.
"She's my godsister, fiance siya ng kakambal ko, pero namatay ito sa mismong araw ng kasal nila" Seryosong sabi niya. "Kaya nangako ako na pakakasalan ko siya after graduation"
Oh! I'm sorry kung natanong ko" Apologetic na sabi nito.
"No, it's okay. We are here" Ngiti niya rito at huminto nang makita ang isang kotse na galing sa loob at huminto rin. Kita niya ang aburidong mukha ng lalaki nang bumaba ito sa may kotse. It's him, iyong kapatid ni Sab.
Nang bumaba si Sab ay kita niyang sinalubong ito ng lalaki at mukhang nagtatalo ang mga ito. Kaya mabilis din siyang bumaba at sinundan ito.
"Sab? I'll just wait for you here" Biglang sabi niya rito.
Pero bago pa ito makasagot ay nagsalita na ang lalaki.
"No, you can go. Ako na ang maghahatid sa kan'ya" Inis na sabi nito sa kan'ya.
Sandali lang siya natigilan bago bumaling kay Sab. "I will just see you in school then" Ngiti niya sa babae at mabilis ng umalis.
Nang makarating sa school ay mabilis niyang hinanap si Mikah pero wala ito sa hide-out nito at ng mga kaibigan nito.
Hanggang sa matapos ang buong araw ay hindi na bumalik si Sab sa school.
Saglit siyang dumaan sa may student council office pagkatapos ay pumunta na ng parking lot. Pero nandoon si Mikah at nakangiti siyang hinihintay.
"What took you so long?" Ngisi nito sa kan'ya.
Pero hindi niya ito pinansin at mabilis na binuksan ang sasakyan at pumasok. Mabilis din itong nakapasok sa sasakyan niya.
"What are you doing?" Kunot-noong tanong niya.
"What? Can't you see? Nakaupo ako kasi ihahatid mo ako sa condo ko" Ngiti nito. "But before that, you will take me for dinner" Ngiti pa nito at humarap sa kan'ya.
"Mikah, I have a lot of things to do. Malapit na ang intramurals and you know that. I need to finish all my task" Wala sa mood na sagot niya.
"Yeah you are right! Kapag ako, pagod ka. Pero kapag iyong babae mo ang dami mong time! Great! Just great! Inis na sigaw nito.
"Mikah, hindi sa ganoon--"
"Ganoon iyon! Hindi ba nag-promise ka kay Mico na hindi mo ako pababayaan?!" Taas kilay na sabi nito.
Matagal niya lang itong tinitigan pagkatapos ay napabuntong-hininga. "Okay, you win. Where do you want to eat?" Tanong niya rito.
Kaagad naman itong napangiti sa kan'ya at napahawak sa isang braso niya. "Thank you, baby! I want some japanese ramen, iyong authentic ah?" Ngisi pa nito.
Tumango na lamang siya at mabilis ng nagmaneho.
Nang makarating sa isang Japanese Restaurant ay mabilis siyang bumaba at ipinagbukas pa ng pintuan ng sasakyan si Mikah, nagkusa na siya bago pa ito mag-tantrums.
"Thank you, baby!" Ngiti nito at umabistre na sa isang braso niya.
Nang makapasok sa loob ay kita niyang napalingon ang ibang mga lalaki kay Mikah. He admit, maganda naman talaga si Mikah, sexy at maputi. But for him, she is not the type of girl he really wants. And gusto niya kasi sa isang babae ay iyong simple lang, may pagkamahinhin at desente. He is not saying that Mikah is not decent but she's a spoiled and bratty girl. Ang gusto niya ay iyong mga tipo ni Sab. Kaagad naman siyang napangiti nang hindi niya namamalayan.
"Are you still with me?!" Inis na pukaw ni Mikah sa atensiyon niya nang makaupo na sila.
"Ah? Yeah, yeah. I'm sorry. Naiisip ko lang iyong mga naiwan kong papers" Seryosong sabi niya. "Lets order"
Pero bigla nalang itong tumayo at simangot na naglakad palabas.
"Hey!" Hila niya sa isang braso nito. "What's wrong? I thought you want to eat?" Kunot-noong tanong niya.
"Nawalan na ako ng gana. Ihatid mo na ako sa condo ko!" Inis na sabi nito at mabilis na lumapit sa sasakyan niya.
Nakatitig lang siya rito.
"What are you waiting for? Open this damn door for me!" Taas kilay na sabi nito na ikinailing na lamang niya at buntong-hininga.
Habang nagmamaneho siya ay napasulyap siya kay Mikah. Bakit ba ang dali nitong mainis? Matatagalan kaya niya ang ugali nito?
"Why are you looking at me like that?! Nagsisisi ka na ba?"
"Why don't you act mature? I mean, we are not a kid anymore. Kung may ayaw ka pwede mo namang sabihin kesa iyang bigla ka nalang mag-wawalk-out nang hindi ko man lang alam ang dahilan" Kalmadong sabi niya.
"At kasalanan ko pa ngayon?! Let me remind you Gamboa, you asked for this. Ikaw ang nag-aya sa akin na magpakasal. Kaya you don't have any rights to dectate kung ano ang dapat kong gawin!" Sigaw nito.
"See? Kinakausap kita ng maayos pero kaagad kang nakasigaw. Mikah, once and for all yes I asked you to marry me but please, atleast be nice to me. Hindi mo ako kaaway" Maayos na sabi niya.
"Magagalit ako kung kailan ko gustong magalit. At wala ka ng magagawa roon because nakakulong ka na sa akin. And please, next time kapag kasama mo ako. Huwag kang basta-basta nalang ngumingiti habang nakatulala because I definitely know that you are thinking of someone else!" Galit na sabi nito at mabilis nang bumaba dahil sakto siyang huminto sa may condo nito.
Halos magulat pa siya dahil sa lakas ng pagkakabalibag nito ng pinto ng sasakyan niya.
Nang makita itong pumasok sa entrance ng condo ay mabilis na rin siyang umalis.
Habang nagmamaneho ay nag-iisip siya. Tama nga ba talaga ang desisyon niyang pakasalan ito? Pero nang maisip ang kapatid ay bigla siyang napailing. He will never ever break his promise to his twin brother.
Pero paano kaya niya mapapatino si Mikah?
Nang makarating sa may condo niya ay pagod siyang napaupo sa may sofa. He feels tired. Masyado na siyang na-sstress kay Mikha nitong mga nakaraang araw. Pero mabuti na lamang at nandiyan si Sab. Dahil kapag nakikita niya ito ay nabubuo ang mga araw niya at iyon ang ikinatatakot niya, ang mahulog sa iba.