Nang muntikan na naman siyang matumba ay binuhat na siya nito papunta sa may sasakyan nito.
"Mikah, we are here" Gising sa kan'ya ni Marco nang makarating sa may condo unit niya.
"Uhhhh," ungol lamang niya at tila wala pa sa sarili.
Bumaba ito at binuhat siya. Wala siyang nagawa dahil talagang nanlalambot ang pakiramdam niya at wala siyang lakas. Kumapit na lamang siya sa may leeg nito habang nakapikit. She wants to vomit na siya namang ginawa niya.
"Hey!" sabi ni Marco na gulat na gulat.
Sinukahan niya ang damit nito. Naramdaman niyang ibinaba siya nito sa loob ng banyo ng kan'yang kwarto.
"Mikah, are you okay? Hindi ka dapat umiinom ng marami" Nag-aalalang sabi nito.
"Don't tell me what to do!" Asik niya rito at humagikgik.
Nahihilo siya pero alam niya pa rin ang nangyayari. Kinuha niya ang hose ng shower at bigla niyang binasa ang katawan kahit may suot pang damit.
"Mikah, wait! You need to remove your clothes, I'll just go out--"
Pero bago pa nito matapos ang sasabihin ay itinutok niya rito ang hose.
"Mik---ah! Stoooop!" Sabi nito at pilit kinukuha ang hose sa mula kan'ya.
"You need to take a bath, amoy suka ka na Gamboa!"
"And this is your fault" Walang emosyong sabi nito at ganap na nakuha ang hose mula sa kan'ya at pinatay.
Bigla niyang niyakap si Marco. "Baby, I miss you so much. Why did you leave me?" At tuloy-tuloy na umagos ang mga luha sa kan'yang mga mata, she badly missed her fiance so much!
Nang akmang hihiwalay si Marco sa kan'ya ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya rito. "Please Marco, kahit ngayon lang, kahit ngayon lang hayaan mo kong isipin na ikaw si Mico. Just this once please" Humahagulgol na pakiusap niya rito.
Kaya nang maramdaman niyang niyakap siya pabalik ni Marco ay lalong lumakas ang iyak niya..
"Hush baby, don't cry I'm here"
Mahinang bulong ni Marco sa kan'ya.
Nakaramdam siya nang kapayapaan sa mga bisig nito.
Parang hinihila ang talukap ng mga mata niya para pumikit at matulog, naramdaman niyang binuhat siya nito at inihiga sa may kama.
"Wait me here, I'll just call someone para bihisan ka" At akmang tatalikod na ito nang hawakan niya ang kamay nito.
"Please Marco, help me get over with him. Tulungan mo akong makalimutan ang kapatid mo" At muli na naman siyang umiyak.
Dahan-dahan naman itong umupo sa may gilid ng kama "Shhhh. I will, just trust me okay?" Malambing na sabi nito at hinalikan ang noo niya at tuluyan na itong lumabas.
Nagising siya sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya, nakatulog siya. What happened last night? tanong niya sa sarili. Iba na ang suot niyang damit. Nanlaki ang kan'yang mga mata nang maisip niya ang mga nangyari. Si Marco?
Tumayo siya kahit masakit pa ang kan'yang ulo dahil na rin sa hang-over.
Agad siyang nag-shower at nagbihis. Pagbaba niya ay nakita niyang may nakahandang pagkain sa may lamesa. Nang lumapit siya ay mayroong isang baso ng tubig at gamot.
"Drink this, it's for your hangover"
-Marco
Napangiti siya nang mabasa iyon. Pareho din pala sila ni Mico na sweet.
Naisip niya why not give Marco a chance? aaminin niya she felt relieved nang yakapin siya ng lalaki at aluin. Dahil napag isip-isip niya kahit anong gawin niya, Mico never come back. Kahit masakit kahit mahirap, maybe she needs to forget him sa tulong na rin ni Marco.
Kaya masaya siyang pumunta sa school at hinanap si Marco.
Nakita niya ang mga nagtatakang mukha ng mga classmate ni marco.
"Where's marco?" Tanong niya isa sa mga ito
"And why the hell you are looking for our president?" Nakataas na kilay na sagot ng isa sa mga ito.
"Why the hell you care too? Just answer me, b***h!" Iritang sagot niya rito, napaka hot-tempered niya talagang tao.
Lumapit ito sa kan'ya, at akmang sasampalin siya nang may pumigil at humawak sa kamay nito mula sa likuran niya. Nang lingunin niya ito ay nagulat siya. It's Marco.
"Try to hurt her and you will be sorry" Seryosong sabi nito sa babae.
At the back of her mind she is so happy. Pinandilatan niya ng mga mata ang babae, pagkatapos ay galit na umalis ito.
"What brought you here? Are you okay now?" Baling nito sa kan'ya.
"I just want to talk with you, pwede ba?" Medyo nahihiyang sabi niya rito.
"Come" At hinila siya nito sa dulo ng corridor kung saan walang masyadong taong dumaraan.
"Speak" Sabi nito pagkaraan ng halos 5 minutong walang umiimik sa kanilang dalawa.
"Pumapayag na ako" Sabi niya habang nakatingin sa mga studyanteng naghaharutan sa ibaba. Nasa ikalawang palapag kasi sila ngbuilding ng eskwelahang iyon.
Hindi ito umimik. Nang tignan niya ito ay seryoso rin itong nakatingin sa paligid.
"Are you changing your mind now?"
"No. I will not do that, pero kagaya ng sinabi ko noon, we will get married kapag naka-graduate na ako" Nakatingin pa rin sa paligid na sabi nito.
"Not a problem, since you are my fiance now I'll expect na hindi ka na makikipagrelasyon sa kahit na sinong babae" Seryosong sabi niya rito. From now on Marco Jay Gamboa is mine!
--------
"Hey Marco! What do you want me to call you? Babe? Baby? Honey?" Nakangiting tanong sa kan'ya ni Mikah.
Napahinto siya sa paglalakad kaya huminto rin ito at umabistre sa isang braso niya.
"Why?" Takang-tanong nito sa kan'ya.
"Do we still need that?" Ngunot noong tanong niya.
Hindi niya tuloy alam kung tama talaga itong ginagawa niya. Awa lang ang tanging nararamdaman niya para sa babae at ang pangako niya sa kakambal.
"Okay, mukhang wala kang maisip so baby nalang" Masiglang sabi nito at inakay na siya para maglakad ulit.
Hindi niya rin alam kung ano ang dahilan nito at pumayag itong magpakasal sa kan'ya. He still remember how disgusting her face kapag sasabihin niya noon ang tungkol sa kagustuhan niyang magpakasal dito.
"Mikah, just go to your room. Your class is about to start" Sabi niya rito at tinanggal ang pagkakahawak ng mga kamay nito sa isang braso niya.
Pero sa halip na umalis ay pumasok ito sa loob at tuloy-tuloy na naglakad hanggang sa may gitnang bahagi ng kwartong iyon, doon sa may pwesto ng kanilang professor mabuti nalang at wala pa ito.
"Listen everyone, I would like you to know that Marco and I are officially on, and soon we will get married." Malakas at nakangising sabi ni Mikah.
Halos manlaki ang mga mata niya sa narinig. My God! What she's doing?
"And now that he's mine, wala ng sinuman ang pwedeng lumandi sa kan'ya!" Taas kilay na sabi pa nito lalong-lalo na sa mga babaeng kaklase niyang naroroon.
Mabilis naman niya itong pinuntahan at hinila palabas.
"What are you doing?!"
"I'm just protecting what's mine!"
"For goodness sake Mikah, you don't need to do that!"
"Why? Do you still have plans to flirt around? Remember fiance mo ako s***h girlfriend so huwag silang magkakamaling kalabanin ang isang Mikah Agustin dahil makikita nila ang hinahanap nila!" At tuluyan na itong umalis at mabilis na iniwan siya.
Napapailing na lamang siya at napabuntong-hininga. What will I do para magtino ka? Tanong niya sa sarili niya.
The next day was so beyond expectation. Sinampal ni Mikah ang isa sa mga officer ng department nila dahil nakita nito iyong naka abistre sa kan'ya.
The next day sinabunutan naman nito ang isang kaklase niya dahil naabutang magkausap sila. I really don't know what to do with her.
"Mikah!" Inis na tawag niya rito nang lampasan lamang siya nito.
"Yes, baby?" Nakangising sagot nito sa kan'ya nang huminto ito.
"Can you please stop what you're doing?!"
"Doing what?"
"Mikah don't play innocent. Bakit kailangan mo sila saktan at ipahiya? They're not doing anything wrong!"
"I told you, walang sino man ang pwedeng kumalaban sa akin. Ang kay Mikah ay kay Mikah lang. Tandaan mo iyan my Marco, baby" At tumalikod na ito.
Pero bago pa siya makalayo ay hinablot niya ito.
"Why?" Nagtatakang tanong nito sa kan'ya.
"Can you please stop wearing that short skirt?" Naiiritang sabi niya rito.
"But why? I have a perfect pair of legs am I not allowed to show them off?" Nakataas na kilay na sagot nito.
"I just don't want to be that reason para mabastos ka. So please stop wearing that short skirt" At binitawan na niya ito at mabilis na naglakad paalis.
Narinig niya pa itong napahalakhak. "She's really crazy!" At napapailing nalang habang naglalakad.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa nang marinig na mag-ring ito, pero bago niya pa ito tuluyang masagot ay bigla na lamang itong nahulog at nagkalasog-lasog.
"What the--!" Nabitin ang sasabihin niya nang mapatingin sa babaeng bumangga pala sa kanya.
"Oh my! I'm so sorry" Kita niya ang takot sa mga mata nito at mabilis na lumuhod para pulutin ang mga parte ng cellphone niya na nagkahiwa-hiwalay.
"It's okay miss, stand up. I can take care of that" Nakangiting sabi niya rito, hindi niya alam pero ni hindi man lang siya nakadama ng inis dahil sa nangyari sa cellphone niya.
"Hindi, baka pwede pa ito" At pilit pa rin ang mga iyong pinupulot.
"Cellphone lang iyan, makakabili pa ako ulit ng gan'yan. Come on" At tinulungan na itong makatayo.
Nang mapagmasdan ang babae ay para siyang nahipnotismo. Sobrang ganda nito, aaminin niyang maraming magaganda at mayayamang babae dito sa university pero hindi maitatanggi na kakaiba ang likas nitong kagandahan.
Nang mahimasmasan ay nagpakilala siya rito. "By the way, I am Marco Jay Gamboa and you are?" Sabay lahad ng isang kamay.
"I'm Sabrinne Kate Fajardo" Sabay abot nito ng kamay sa kan'ya. Napakalambot ng kamay nito.
"Your name really suits you" Hindi mapigilang compliment niya rito. "Teka, bakit parang problemado ka yata?" Tanong niya rito nang mapansing parang aligaga ito.
Nang malamang hindi nito mahanap ang klase niya ay kaagad niyang hiniram ang certificate of registration nito. At halos mapangiti siya nang malamang kaklase niya pala ito.
Pagpasok nila sa classroom ay agad nagbulong-bulungan ang mga classmate niya. Kitang-kita niya ang matatalim na tingin ng mga ito kay Kate.
"Don't mind them" Nakangiting sabi niya sa babae na tila nahihiya dahil nakita niyang nakayuko lang ito.
Halos buong araw ay sinamahan niya ito sa buong klase dahil magkaklase naman sila. Pati sa canteen ay magkasabay rin silang kumain.
"Kate, wait!" Tawag niya rito nang makita niya itong papunta ng parking lot.
"Uwi ka na ba? Hatid na kita" Ngiti niya rito, hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kan'ya para ihatid ito samantalang ni hindi niya magawang ayain ihatid si Mikah.
"Naku, huwag na salamat. May susundo na kasi sa akin" Nakangiting sagot nito.
"Uhm, boyfriend?" Kinakabahang tanong niya.
"Ah hindi, si Mang Domeng" Ngiti pa nito.
Hindi niya alam kung bakit parang nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang sagot nito.
Nagpasya siyang hintayin ng dumating ang sundo nito. Pero halos ilang oras na silang naghihintay ay walang sundo na dumating. Halos gabi na iyon kaya nagpasya siya na ihatid ito. Pero bago iyon ay inaya muna niya itong kumain, noong una ay nagdadalawang-isip pa ito pero mabilis ring napapayag. Halos 7:30pm na nang ganap niya itong maihatid. Kita niya pa ang galit ng lalaking sumalubong dito na sa tingin niya ay parang pamilyar sa kan'ya pero ipinagsawalang bahala na lamang niya ito.
Pagdating sa condo unit niya ay mabilis siyang pumasok at pabagsak na naupo sa may sofa.
"Mukhang pagod na pagod ka, nag-enjoy ba kayo sa date niyo ng babaeng kasama mo?!" Kita niya ang galit sa mga mata ni Mikah na bigla nalang sumulpot sa may harapan niya.