NASA kalagitnaan sila ni Phoenix sa pagkain nang pumasok si Nanay Susan. Tila ito balisa at hindi mapakali. “Pasensiya na sa disturbo, Sir Phoenix. Nasa labas kasi sina Ma’am Amanda at Sir Ric.” sabi nito. Halata sa mukha nito na kinakabahan ito. Kinabahan din tuloy siya at natigil siya sa pagkain. Nagulat naman siya sa agarang pagtayo ni Phoenix. Tila naalarma rin sa pagdating ng mga panauhin nito. “Ipasok mo muna si Aloha sa kuwarto niyo, Manang.” sabi ni Phoenix sa mababang boses. Naguguluhang napatitig siya sa asawa pero hindi man lang siya nito tiningnan at agad nang naglakad palabas ng dining area. Naguguluhang tiningnan naman niya si Nanay Susan. Pero bago paman siya nakapagtanong sa matanda nang marinig nila ang galit na boses ng isang babae. "Phoenix, where the hell are you?

