Chapter 15

1618 Words

ILANG na ilang si Aloha habang nagluluto dahil sa presensya ni Phoenix na tahimik lang na nakaupo sa mataas na stool sa may kitchen counter. Sila na lang din ang naiwan dahil kanina pa umalis sina ate Betty at ate Isay matapos ng mga itong tulungan siyang ihanda ang mga kakailanganin niya sa pagluluto. Mukhang ilag din ang mga ito kay Phoenix. “Uh, gutom ka na ba?” tanong niya sa lalaki habang nakaharap pa rin siya sa kaniyang niluluto. “Saglit na lang talaga ito at lalambot na ang manok.” aniya at pumihit dito paharap. Pero agad na nanlaki ang mga mata niya nang sa pagpihit niya rito paharap ay mukha kaagad nito ang sumalubong sa kaniya. Sobrang lapit na pala nito sa kaniya na kung hindi kaagad siya nakaatras ay baka nabunggo na ang mukha niya sa may dibdib nito. Hindi man lang niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD