"HER body is dehydrated and stressed as well. I suggest she needs proper rest and drinks plenty of water. Most especially now." "Yes, Doc. Thank you." Nagising si Aloha sa mga boses na naririnig niyang nag-uusap hindi kalayuan kung nasaan siya. Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata at agad na bumungad sa kaniya ang puting-puti na kisame. Naramdaman din niya ang malambot na kama kung saan siya nakahiga at pamilyar din sa kaniya ang amoy ng antiseptic ng ospital. Ramdam din niyang may nakakabit na dextrose sa kaniyang kaliwang kamay. She deeply sighed. Nasa loob na naman siya ng hospital. Pero agad din siyang natigilan at iniisip kung ano ang mga nangyari at bakit nandito siya sa loob ng hospital. Agad namang nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala niya ang mga naganap kan

