NANGINGINIG ang mga kamay ni Aloha at pinagpapawisan ng malamig habang nakaupo siya sa tabi ni Atty. De Sandiego. Nasa loob na sila ng hearing court at nasa hanay rin nila sina Nathalie at Dra. Amery Delgado. Sina Tiya Prescilla, Tiyo Art at Meriam ay nasa likuran naman nila nakaupo. Nananatili lang siyang nakatingin sa harap. Hindi na niya sinubukan pang tingnan kung nasaan si Atty. Del Fierro nakaupo kasama ang mga magulang nito. “Hey,” Napatingin siya kay Nathalie nang marahan nitong hinaplos-haplos ang likuran niya para pakalmahin siya pero alam niya na kinakabahan din ito. “Relax, this will be over soon, okay?” Nathalie said to calm her nervousness. Napakurap siya at sunud-sunod na tumango. Sunud-sunod din ang paghinga niya ng malalim para maibsan man lang ang paninikip ng kaniya

