NAGULAT si Aloha Cassandra sa pagdating nina Governor Ricardo Lim at Mrs. Amanda Lim, at kasama pa ng mga ito si Nathalie. Anong ginagawa ng mag-asawa rito? Agad naman ang mga itong pinatuloy ng kaniyang Tiyo Art. Nang makita siya ni Nathalie ay agad itong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Narinig pa niya itong suminghot at naramdaman niyang may tumulong tubig sa balikat niya. “I’m glad you’re safe, Cassie.” Iyak nito habang nanatiling nakayakap pa rin sa kanya. “I’m sorry, hindi na sana kita pinayagang bumalik pa roon sa condo ni Xavier. Damn, that ugly hog! Mabubulok siya sa kulungan, ipanunumpa ko iyan.” Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kaniya at bakas pa rin sa mukha nito ang sobrang galit. "Okay lang ako, Nath." aniya sa kaibigan. "Dapat lang dahil reresbak pa tayo," sabi ni

