MABILIS na bumaba si Aloha Cassandra mula sa sasakyan at agad na sana niyang daluhan si Phoenix pero kaagad naman siyang naharang ng mga pulis. Nakita rin niyang may mga medical staff nang nakalapit sa lalaki at isinakay ito sa stretcher. Gano’n din si James Fernando na wala pa ring malay. Nanginginig ang mga kamay niya sa nakitang hitsura ng lalaki. Nang tinanong siya ng mga pulis kung ano ang nangyari ay sinabi niya rito ang totoo, pagkuwan ay nagmakaawa siya sa mga medical staff na sasama siya sa ospital dahil kilala niya si Phoenix na agad naman ng mga itong sinang-ayunan. Kailangan din kasi niyang magamot dahil sa sugat niya sa kanyang noo. Napakapa pa siya roon at saka lang niya napagtanto na may sugat nga siya roon. Pagdating nila sa hospital ay agad na dinala sina Phoenix

