HSBW#58 TAHIMIK NA nakatingin lang si Aloha kay Phoenix na katabi si Miss Nessa kasama sina Liam at ang iba pang mga kamag-anak ng mga ito. Nasa pinakaharap ang mga ito nakaupo kung saan ang kabaong ng Lolo nito na unti-unti nang nawawala sa paningin nilang lahat. Bago raw kasi namatay ang lolo ng mga ito ay hiniling nito na hindi ito magpapa-cremate at ilibing talaga ang katawan nito na buo. Narinig niya ang pag-iyak kanina ni Miss Nessa habang nakayakap kay Phoenix. Mukhang close yata ang babae sa lolo ni Phoenix. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Mukhang hindi na talaga mawala-wala ang sakit na nararamdaman niya. She's jealous. "Are you okay?" si Miss Jenina na katabi niya. Pinili niyang sa pinakalikurang bahagi maupo dahil nahihiya siya. Pinili naman ng mga asawa ng kaibigan ni

