HSBW#46 PARANG KAKAPUSIN sa paghinga si Aloha habang nakaharap siya sa mga tao sa loob ng korte. Nanginginig ang mga kamay niyang magkasalikop at nakapatong sa kandungan niya habang nakaupo siya sa witness stand. Kita niya sa harapan niya ang nanlilisik na mga mata ni James na may mukha ni Xavier habang nakatitig sa kanya. Kung patalim lang ang mga mata nito, siguro matagal na siyang bumulagta sa sahig at wala ng buhay. Kita rin niya ang galit na mukha ng ama nitong si Gobernador Diego Fernando katabi nito ang asawa nitong si Mayor Arlene Fernando. Ito talaga ang iniiwasan niya na mangyari, ang makaharap niya ang mga ito dahil alam niya kung gaano ka maimpluwensya ang pamilyang Fernando. Agad sumikdo ang puso niya at tumibok iyon nang malakas nang makita niyang tumayo na si Atty. Del

