Chapter 45

1127 Words

HSBW#45 TAHIMIK ang buong penthouse nang lumabas si Aloha sa silid ni Phoenix. Saan kaya ito natutulog? Pero saka na lang muna niya ito poproblemahin, ang importante ay makakain siya. Dahil kabisado naman niya ang buong penthouse ni Phoenix ay dumiretso na lang siya kung saan ang kusina nito. Agad niyang binuksan ang refrigerator, pero agad din siyang na disappoint dahil wala namang laman ang ref nito. Ah, meron pala, tubig at beer. Agad na uminit ang ulo niya kaya malakas niyang isinara ang pinto ng refrigerator at malalaki ang hakbang na tumungo siya sa sala. Pero agad din siyang nahinto nang makita niya si Phoenix na nakaupo habang nakasandal ang ulo nito sa may sandalan ng couch na naroon at nakapikit ang mga mata.  Tila bigla siyang nakonsensya at nagbago ang isip niya na sigawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD