Chapter 8

1683 Words

SUNUD-SUNOD na nagpatakan ang masaganang luha sa mga mata ni Aloha habang nakatutok pa rin ang mga mata niya roon sa television. “Miss, okay lang ba kayo?” Narinig niyang kausap sa kaniya ng babae. Nakatayo na ang mga ito sa harap niya at hindi malaman kung paano siya kausapin. “What the hell is going in here?” Napaigtad siya nang marinig niya ang malamig na boses ni Phoenix. Nasa b****a ito ng pinto. Madilim ang mukha nito habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa dalawang kasambahay na natataranta rin habang nakatingin sa lalaki. “S-Sir, pasensiya na po kayo---eh, hindi naman po namin namalayan na may nakapasok na pala sa kusina.” Hindi mapakaling sabi ng babaeng may maikling buhok at tiningnan siya. Kung tama ang pagkakatanda niya ito iyong babaeng idolo si Gio Li. “Opo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD