NAPAAWANG ang labi ni Aloha habang inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay na pinagdalhan sa kaniya ni Damon Phoenix Del Fierro, ang lalaking nagpapakilala sa kaniya na asawa raw niya. Big chandelier, big couches, large floor to ceiling glass windows and many more. Pero ang dull ng motif. Grey? It's so manly. But all in all, ang ganda ng bahay nito. Pakiramdam niya ngayon lang siya nakapasok ng ganito kalaki at kagandang bahay. Kung ihahambing niya ang apartment ni Nathalie rito, siguro comfort room lang yata rito ang laki n'yon. Walang duda at mayaman nga itong asawa niya, pero bakit magaspang ang mga kamay niya? At marunong din naman siya sa mga gawaing bahay. Kahit naman kasi nakalimot ang utak niya kung sino at ano siya pero ang katawan niya ay sigurado siya na sanay si

