“S-Sino ka?” nauutal na tanong ni Aloha sa lalaking nakatunghay sa kanya.
Hindi rin niya napigilan ang sariling hindi mapatulala sa kagwapuhang taglay ng lalaki. Ang kulay asul nitong mga mata ay mariing nakatitig sa kaniya na tila isa siyang espesimen sa isang experiment na sinusuri nito.
Ang semi-kalbo ang pagkaka-gupit ng buhok nito ay bumagay sa napaka-gwapo nitong mukha. Matangos din ang ilong nito na tila iginuhit ng isang magaling na sculptor. He has a prominent jaw na mas lalong nagpapadagdag sa masculinity nito. Maputi rin ito at sobrang kinis pa ng balat na para bang hindi talaga nakararanas ng kahirapan sa buhay.
Nang bumaba ang mga mata niya sa katawan nito ay mas lalo siyang napahanga. He is tall and his body was lean but muscular. Naka-suot lang ito ng long white sleeves at nakarolyo ang manggas niyon hanggang siko nito kaya mas lalong nadidipina ang mga muscles nito sa braso. Mabalahibo rin iyon.
Pero ang mas nagpapamangha sa kaniya ay ang kasalukuyang nararamdaman niya. Parang magigiba na ang rib cage ng puso niya sa sobrang lakas na pagkabog n'yon na tila kagagaling lang niya sa pagtakbo.
At alam niyang hindi ito takot dahil hindi nanginginig ang mga kamay niya na madalas na nangyayari sa kaniya kapag may estrangherong bigla na lang na lumalapit sa kaniya lalo na kapag lalaki.
Bayolente siyang napalunok. Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa mga braso nito?
"Done checking me?"
Sa narinig mula sa estrangherong lalaki ay agad bumalik ang tingin niya sa mukha nito. Agad din niyang naramdaman ang pag-iinit ng kaniyang mukha nang mapagtanto niya ang ginagawa.
She's checking him out. Oh, God! That so embarrassing!
Kagat ang pang-ibabang labing agad siyang nag-iwas ng tingin dito at umiling.
“S-Sino po kayo at ano po ang kailangan niyo?” she managed to ask, kahit na sobra-sobra ang pagkapahiyang nararamdaman niya.
“So, it’s true. You don’t remember anything from your past—our past.” sabi nito sa malamig at may pang-uuyam na boses.
Napakurap siya at kita niya ang bahagyang pag-angat ng isang sulok ng labi nito na tila nang-iinsulto. Napangiwi siya at tila parang bula na bigla na lang nawala ang paghanga niya sa lalaki.
Ang kulay asul nitong mga mata ay hindi man lang inalis kahit isang segundo sa mukha niya, and that made her uneasy. Lalo pa at hindi niya ito kilala.
Umiling siya. Naguguluhan. Sino ba ito? At anong nakaraan nila ang sinasabi nito?
“Uh, Sir—”
“Or you’re just pretending," sarkastikong sabi nito na ikinatahimik naman niya. "Para matakasan mo ang mga naging kasalanan mo, murderer?”
Malakas naman siyang napasinghap. Namilog pa ang kaniyang mga mata. Ano'ng ibig sabihin nito? Siya? Isang mamamatay tao?
“S-Sir?” nangangatal ang mga labing sambit niya.
Mas lalo lang din siyang naguguluhan. At ang puso niya, hindi rin niya maintindihan kung bakit ganito kalakas ang pagtibok. Hindi man lang nagbago. Ah, meron pala nahaluan na iyon ng takot.
“H-Hindi po ako mamamatay tao,” garalgal ang boses na depensa niya.
Pero hindi siya sigurado dahil hindi naman niya alam kung ano siya at ang nakaraan niya.
“Yes, you are. Simula ng mawala ka ay parang pinatay mo na rin ako sa kahihiyan.” sabi nito sa matigas na boses.
Bahagya pa siyang napaigtad sa lamig ng boses nito.
“A-Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan pa ring tanong niya. Hindi talaga niya ito maiintindihan. Ano ba ang ginawa niya para magalit sa kaniya ang lalaki nang ganito?
“You are my wife,” walang kakurap-kurap na sabi nito. She gasped in shock. “My long-lost wife.” Dugtong pa nito habang unti-unting lumalapit sa kaniya.
Ang mga mata nito ay mapanganib na nakatitig sa kaniya.
Mas lalong nanlalaki ang mga matang napaatras siya. Asawa? Ito ang asawa niya? Natigagal na lang siya at hindi na nakapagsalita habang nakatitig sa estrangherong lalaki. Hindi na nga niya namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng apartment niya.
Kaagad nitong inilibot ang paningin sa loob ng apartment niya. Pagkuwan ay ibinalik rin nito ang nakakatakot nitong tingin sa kaniya. Nakita pa niya ang mariing paggalaw ng mga panga nito na tila pinipigilan nito ang galit.
"So, this is the kind of life you want than living in a palace and act like a queen, huh." The stranger man said, sarcastically.
Nanatili lang siyang walang imik na nakatingin sa lalaki. Wala siyang masabi. Hindi rin naman niya alam kung paano ito sagutin dahil kahit anong isip niya ay wala talaga siyang maaalala at hindi pa rin siya nakabawi sa pagkabigla sa sinabi nitong asawa niya ito.
“Pack your things. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.” Utos nito sa kaniya.
Napakurap siya at biglang natauhan.
“A-Anong katibayan mo na asawa m-mo ako?” she asked, stuttering.
Kahit guwapo ito at pumasa ito sa kung paano niya iniisip ang hitsura ng asawa niya ay hindi pa rin siya basta-basta maniniwala rito.
Tiim ang bagang na tinititigan siya nito. Pero hindi siya dapat magpasindak. Kung totoong asawa niya ito, then probably mahal siya nito. Nagmamahalan silang dalawa. Kaya siguro naman ay wala siyang dapat na ikatakot.
“Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan mo.” dugtong niya pa. Her eyes never leave on his handsome face.
Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng isang sulok ng labi nito. There is a mischief glint on his electric blue eyes.
“If you want proof, then come with me."
Kagat ang pang-ibabang labing napayuko siya. Nalilito siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Sasama ba siya? Paano kung isa itong masamang tao?
“Hihintayin ko muna si Nathalie—” natigil siya nang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesita.
Naiwan niya pala iyon doon kagabi.
Tinapunan pa niya ng tingin ang lalaki bago nagmamadaling lumapit roon at agad niyang dinampot ang kaniyang cellphone nang makitang si Nathalie ang tumatawag.
“Hello, Nath, nasaan—”
“Umalis ka ngayon din sa apartment mo, Aloha, at lumipat ka na muna sa apartment ko.” sabi ni Nathalie sa nagpapanik na boses.
Hindi na nga siya nito pinatapos sa pagsasalita. Kumunot ang noo niya. May problema na naman ba?
“Ha? Bakit? May problema ba? Nasundan na—”
“H’wag ka na munang magtanong. Bilisan mo at parating na sila d'yan.” Puno ng takot ang boses na putol na naman nito sa kaniya.
“Nath, natatakot ako. Nasaan ka ba?” puno ng pangambang tanong niya.
Pakiramdam niya ay masusuka na lang siya sa sobrang kaba. Nag-umpisa na ring manginig ang kaniyang mga kamay.
“I’m sorry, pero hindi ako makakauwi.” Garalgal ang boses nito na tila pinipigilan lang na maiyak. “Sige na, sundin mo na ang mga sinabi ko.”
“S-Sige. Pero Nathalie may lalaki ngayon sa apartment ko at sinabi niyang siya raw ang asawa ko.” sumbong pa niya at pumihit paharap sa lalaking hindi pa niya alam kung ano ang pangalan.
“What?! Who? ‘Di ba, sinabi ko sa’yong ’wag kang magpapasok ng kung sinu-sino sa loob ng apartment mo?” litanya nito sa kabilang linya na ikinangiwi niya.
Mas lalong nahimigan din niya ng takot ang boses nito. Napangiwi na naman siya nang marinig niya itong nagmura.
“A-Anong pangalan mo—” nabitin sa ere ang pagtatanong niya nang inisang hakbang lang ng estrangherong lalaki ang pagitan nilang dalawa at walang sabi-sabing hinablot nito ang phone na hawak niya at ito na ang nakikipag-usap kay Nathalie.
“I’m Damon Phoenix Del Fierro,” sabi ng lalaki kay Nathalie. Pero ang mga mata ng lalaki ay nasa kaniya nakatingin.
Napasinghap siya. Her heart leapt in—napailing siya. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nararamdaman niya.
And his name was the handsomest name she ever heard her entire life. Paano ba niya nakalimutan ang ganitong klaseng lalaki? Kung ito ang pinakasalan niya, siguradong minahal niya ito. Kaya paano niyang nakalimutan ang lalaking pinakasalan at minahal niya?
“Your friend wants to talk to you again.”
Napaigtad siya nang ibinalik ni Phoenix sa kaniya ang cellphone niya. Agad naman niya iyong kinuha. Mahina pa siyang napasinghap nang hindi sinasadyang nagdikit ang mga kamay nila ng lalaki at nakaramdam siya ng kuryente roon.
Nag-iinit ang mukhang agad siyang nag-iwas ng tingin sa lalaki at kinausap ulit ang kaibigan niya. Matapos niyang makausap ang kaibigan ay namalayan na lang niya ang sarili na nasa kuwarto na niya at nag-iimpake ng kaniyang mga gamit.
Hindi niya maintindihan si Nathalie. Bakit gusto nitong sumama siya kay Phoenix? Kilala kaya nito ang estrangherong lalaki?
Bigla siyang napatayo sa gulat nang pabalandrang bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto at pumasok si Phoenix.
“Hindi ka ba marunong—” natigil siya nang makita ang madilim nitong mukha.
“Let’s go,” putol nito sa kaniya.
Inisang hakbang siya nito at hinawakan ang pulsuhan niya. Ito na rin ang kumuha at nagdala ng bag niya na may laman ng mga damit at gamit niya na importante.
“S-Sandali,” pigil niya at pilit kumukuwala sa hawak nito. “Sasama ako sa’yo, okay? Kaya hindi mo na ako kailangang kaladkarin.” reklamo niya habang pilit itong sinasabayan nang hindi talaga siya literal na makakaladkad nito.
Pero para itong bingi na walang narinig at patuloy lang itong mabilis na naglakad habang hawak-hawak pa rin nito ang kaliwang kamay niya.
Sa sobrang bilis nga ng paglalakad nito ay halos magkandapa-dapa na siya. Hanggang sa nakalabas sila ng kaniyang apartment.
Nakita niya ang isang black Lamborghini na nakaparada sa tapat ng gate ng apartment. At hindi na niya kailangang hulaan pa kung kaninong sasakyan iyon.
“Get in the car.” Utos nito, matapos nitong buksan ang pinto sa may passenger seat ng sasakyan.
Pero agad siyang natigilan at kinabahan nang makita niya ang itim na sasakyan na huminto sa tapat nitong sasakyan ni Phoenix.
Pamilyar sa kaniya ang kotse. Iyan ang kotseng madalas na nakatambay sa harap ng kaniyang pinagtatrabahuan. Agad niyang naramdaman ang unti-unting pangiginig ng mga kamay niya.
“F**k!” mura ni Phoenix kasabay n'yon ay lumutang siya sa ere na ikinatili niya.
Ito na ang nagpasok sa kaniya sa loob ng sasakyan nito.
“Wear your seatbelt. Faster.” sabi nito at mabilis na isinara ang pinto.
Pagkatapos ay dali-dali itong umikot at binuksan ang pinto malapit sa may driver seat at agad na sumakay. Basta na lang din nitong inihagis sa likuran ng sasakyan ang bag niya.
Panay rin ang mura nito sa hindi niya maintindihang lenggwahe. Pero ang mga mata niya ay natuon na sa dalawang lalaking umibis sa itim na sasakyan.
She gasped in shock. “What are they doing?” she asked, almost in a whisper.
Nakita kasi niya ang dalawang lalaki na walang pag-alinlangang pumasok sa gate at walang pag-aalinlangang giniba ng mga ito ang pinto ng kanyang apartment at pumasok sa loob.
Ang mga taong iyon ba ang tinutukoy ni Nathalie na paparating sa apartment niya? Ang mga ito ba ang kinatatakutan ni Nathalie? Wala siyang narinig na sagot mula kay Phoenix at agad lang nitong pinasibad paalis ang sasakyan nito.
Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito kagulo ang buhay niya? Masama ba talaga siyang babae kaya hinahabol na siya ng mga taong nagawan niya ng kasalanan noon? At itong lalaking kasama niya ngayon, asawa ba talaga niya ito?
Napahawak siya sa kaniyang ulo nang bigla iyong pumintig sa sakit. Huminga siya ng malalim at sinubukan niyang pakalmahin ang sarili.
“Sino sila at bakit ka nila hinahabol?”
Agad siyang napatingin kay Phoenix nang magsalita ito. Walang emosyon ang mukha nito at nakatutok lang ang mga mata sa harap.
Nang bumaba ang tingin niya sa mga kamay nitong nakahawak sa manibela ay mahigpit na nakahawak iyon doon.
Her lips quivered. Bayolente rin siyang napalunok para pigilan ang mapaiyak sa harap nito.
“H-Hindi ko alam. W-Wala akong matandaan…” garalgal ang boses na sabi niya.
Naibaba na rin niya ang kamay at pinagsalikop ang mga iyon at ipinatong sa kandungan niya.
Napatingin ito sa kanya. Namumula ang gilid sa asul nitong mga mata. Matigas at walang emosyon ang mukha nito. Nagtatagis din ang mga bagang nito. Galit ito sa kaniya.
Ramdam niya ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata.
“Damn it!” Malakas nitong mura at malakas nitong hinampas ang manibela na ikinaigtad niya. “Anong klaseng asawa ka ba, ha?” Galit na tanong nito sa kanya.
Tuluyan na siyang napahikbi.
Anong klase nga ba akong asawa?