NAKAUPO lang si Aloha Cassandra sa isang sulok sa loob ng kulungan. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang mga kasamahang nakakulong din. Natatakot siya na baka kagaya ang mga ito sa mga palabas sa television na kapag may bagong pasok sa loob ng kulungan ay bubugbugin ng mga ito o di kaya ay pahihirapan. Panay din ang sulyap ng mga ito sa kaniya pero hindi naman siya nilalapitan o pinapakialaman. She sighed heavily. Siguro kailangan na niyang sanayin ang sarili na dito na sa loob habambuhay. "Miss Sandoval," Agad na nag-angat siya ng tingin nang marinig niyang tinawag siya ng isang police. "May bisita ka." sabi nito at binuksan ang pinto ng kulungan na gawa sa bakal na rehas. Tumayo siya at marahang naglakad palabas ng kulungan. Agad naman nitong pinusasan ang dalawang kamay niy

