ALOHA gasped, nang magising siya. Agad din siyang napabangon habang sapu-sapo niya ang dibdib at humagulgol ng iyak. Nakakaalala na siya. Naaalala na niya ang lahat. Mula sa pagkamatay ng mga magulang niya, sa kuya Bernard niya at sa kaibigan niyang si Xavier. Walang awang pinatay ang mga ito ni James Fernando. "I'm sorry, I'm so sorry, Xavier. Hindi ko nagawang iligtas ka," sabi niya habang umiiyak. Naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit. Walang ibang maririnig sa loob ng silid kundi ang pag-iyak niya na puno ng galit at paghihinagpis. Lumipas ang isang minuto at unti-unti na siyang nahimasmasan. Nakatulala lang siya habang panay ang agos ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. "Now, you remembered everything." Napasinghap siya nang marinig niya ang familiar at baritonong boses

