Chapter 24-E

1728 Words

KINAGABIHAN ay pabiling-biling lang si Aloha sa kaniyang higaan. Ewan, pero hindi siya makatulog at kahit anong pagpikit pa ng kaniyang mga mata ang ginawa niya ay hindi talaga siya makatulog. Kanina pa rin siya hindi mapakali. Pakiramdam niya may mangyayaring hindi maganda.Kung hindi lang niya nakausap si Xavier ay baka naisip na niyang baka may nangyaring masama rito. Nakausap kasi niya ito kanina, ang sabi nito ay uuwi na ito bukas. Nagpapasalamat naman siya dahil gusto na talaga niya itong makausap ng sila lang na dalawa. Sasabihin na niya kung anong klaseng tao ang lalaking minahal nito. Matindi rin ang pagdarasal niya na sana hindi pa dumating ang hayop nitong asawa. Nagpaalam din si Nanay Susan na uuwi muna ito sa kanila dahil may sakit ang anak nito at walang magbabantay sa a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD