NANGINGINIG ang mga kamay ni Aloha Cassandra. Sunud-sunod din na nagpatakan ang mga luha niya. Gusto niyang magsalita pero parang nag-freeze ang utak niya at hindi niya maibuka ang bibig. Nanlalaki rin ang mga mata niyang nakatitig lang sa mukha ng taong pumatay sa pamilya niya. “Cassie, anong problema? Anong nangyari sa’yo?” Natatarantang tanong ni Xavier sa kaniya. Her breathe hitched at the sight of Mr. Fernando who's looking at her dangerously. Ngumisi pa ito nang nakakatakot sa kaniya ngunit ang mga mata nito ay nanlilisik at tila sinasabi nito na kung magsasalita siya ay mapapahamak ang kaibigan niyang si Xavier. “Love, tumawag ka na muna ng doctor baka may masakit dito sa kaibigan mo,” sabi ni Fernando kay Xavier. “Ah! Oo, Cassie, wait tatawag lang ako ng doctor, okay?” Umiling

