HSBW#50 MULA SA pagkakatigagal ay bigla na lang napatawa si Aloha. Tawang-tawa siya at napahawak pa siya sa kaniyang tiyan dahil sa sobrang tawa. Hindi siya makapaniwalang gagawa lang naman ng kwento ang lalaki kung bakit ito narito ay iyon pang minsan nang sinabi nito sa kaniya noong may amnesia pa siya. "Baka nakalimutan mong wala na akong amnesia, Atty. Del Fierro?" natatawa pa ring ani niya sa lalaki. Pero malamlam lang ang mga nito na tiningnan lang siya. Seryoso rin ang mukha nito na tila pinapaabot nito sa kaniya na hindi naman talaga ito nagbibiro. "I'm not kidding, Aloha." Seryoso pa rin ang mukhang sabi nito sa kaniya. "You are my wife at may katibayan ako." Natigil siya sa pagtawa at tinititigan niya ito ng masama. "Sino ba ang lolokohin mo, Atty. Del Fierro? Hindi ko alam

