First Grant
[ First Grant ]
2nd person's POV
--Will bring you to a magical world where your wishes do come true.--
February 14, 2019
"Class, give Heberly Anne a round of applause for her beautiful melancholic poem. Very touching."
Nagpalakpakan nga ang iyong mga kaklase nang sabihin iyon ng inyong guro. Kakatapos lang kasing basahin sa harap ng buong klase ang seatwork para sa Valentine's Day at ang komposisyon mo ang napili nito. Dapat kang maging proud dahil sa dami nyong magkaklase, ang sa iyo ang napili.
Napayuko ka na lang sa sulok na iyong kinauupuan habang namumula ang pisngi. Hindi ka kasi sanay sa atensyon at papuri na natatanggap. Natural na reaksyon ng isang introvert na high schooler. Alam mo namang napilitan lang ang mga iyon na pumalakpak dahil sa utos ni Ma'am.
Pakiramdam mo, galit sa iyo ang mundo. You're a nobody's friend kasi you're a weirdo. A loner. You're good for nothing. Worthless.
That's why you hate life. You really hate yourself. You hate living.
Pagkatapos ng klase, habang nasa loob ka ng cubicle ng CR, may kumpol ng mga kababaihan na nag uusap habang nananalamin. Alam mo iyon dahil kadalasan naman ng mga babae, salamin lang ang habol sa CR pag uwian.
Base sa mga boses na iyong naririnig, sigurado kang mga kaklase mo ang mga yon; mula sa grupo ni Amari.
"Girls, ako lang ba yung nagki-cringe pag nakikita si Anne-ing? "
Rinig na rinig mo iyon dahil ume-echo ang matining na boses ni Amari. Hindi ka na nagulat kung pagsalitaan ka man ng negatibo ngunit masakit pa rin palang makarinig ng ganoon behind your back.
"Baka nai-insecure ka lang kasi favorite siya ni Ma'am Castro. She's a good person, Amari. And we know it. Galit ka lang kasi mabait sa kanya yung ex mo." Si Aisha iyon na mabait mong kaklase. Salamat naman at alam mong totoo syang makitungo sa iyo at pinagtatanggol ka pa.
"Bakit naman ako mai-insecure don eh ang chaka non?! Saka 'di ba, informal settlers sila? Ah basta pag nakikita ko sya... ugh kairita!"
"Pero tama ka Amari, medyo kainis nga kasi ang unfair lang, 'di hamak namang mas maganda yung poem nito ni Aish. " Ani Chloe.
Napabuntong hininga ka na lang nang lumabas na ang tatlo mong mga kaklase. Wala ka namang magagawa kung ganoon ang tingin sa iyo. Ang sarili mo nga ay hindi magawang mahalin, paano pa kaya ang ibang tao na pilitin kang gustuhin.
Minsan napapa isip ka sa kawalan na sana ikaw na lang si Amari o kung sino man dyan. Si Amari na ipinanganak na mayaman, maganda, talentado, at sikat. Parang lahat ng gusto mo sanang makamit sa buhay ay nasa bratinelang kaklase mo.
Tama nga si Chloe, ang unfair ng buhay, pagsusulat na lang nga ang talent mo, kwestyonable pa. Nagsusulat ka out of passion at satisfaction hindi para sa papuri.
Aminin mo man o hindi, nakaramdam ka ng inggit kay Amari lalo na at naging dating boyfriend nito ang matanggal mong gustong maging kaibigan na si Jansen. Ang pinaka sikat na heartthrob sa buong campus. Sa sobrang bait nito, kahit pa ang simpatikang wirdong tulad mo ay palihim na humahanga.
Pauwi ka na sana nang harangin ka ni Amari sa gate ng school kasama sina Aisha at Chloe. Nakangiti sa iyo na parang maamong kuting. Hinawakan pa ang iyong mga kamay at dinala sa mapunong parte ng quadrangle.
"Hi Anne! Sama ka sa'min please?" Pakiusap ni Amari ng napaka sweet.
Argh, parang kanina lang kung ano anong masakit na bagay ang sinabi sa iyo. At ano naman kaya ang trip nito?
Wala kang pakielam kahit ano pa yon. Ni hindi mo nga gusto makihalubilo sa mga two-faced mong mga kaklase maliban kay Aisha.
Isa pa, kailangan mong umuwi ng maaga dahil tutulungan mo pa ang iyong nanay na mag repack ng paninda niyong bawang, mag luto ng hapunan at mag laba ng iyong uniform dahil dalawang pares lang ang meron ka.
Palibhasa, silang mga anak mayaman, kaya mga sarili lang ang inaalala. Walang atubiling tinanggihan mo ang pakiusap nila sa iyo kahit na hindi mo pa alam kung saan sila pupunta at saan ka balak dalhin.
"Please Anne? Need lang talaga namin mag sama pa ng isa. " Si Aisha naman ang nakiusap. Mabait ito sa iyo kaya naitanong mo kung saan ba talaga sila pupunta at ano ang gagawin, baka dahil kay Aisha mapapayag ka.
"Pupunta tayo sa El Deseo. Basta meron lang tayong kukunin don. Mabilis lang naman yon. Ihahatid ka rin namin pauwi. Swear." Agad kang tumanggi dahil haunted mansion yon.
"Gusto namin sumali sa Alpha Phi Chufavi. Eh kailangan apat sa isang group. Kulang kami ng isa. " Ani Aisha. Lalong hindi ka pumayag dahil kilalang sorority iyon bagamat for pure sisterhood at maganda ang reputasyon ng mga members, kahit kailan wala kang balak sumali sa isang sisterhood kahit nga sa mga school clubs, hindi ka kailan man nagka interes sa isang sorority pa kaya.
"Sige na Anne parang awa mo na! Kailngan kasi weird yung isasama namin. " Bulalas ni Chloe. Pasimple s'yang siniko ni Amari kaya napahiyaw siya ng bahagya at natahimik nang nilakihan siya ng mata ni Amari. Sa magkakaibigan hindi talaga mawawala yung aanga-anga, tactless, at slow-poked. Obviously, si Chloe yun.
"Anne, let's have a deal. " Seryosong sabi ni Amari dahil batid niya ng hindi ka talaga sasama. Pero sa deal na ito, paniguradong mapapayag ka rin.
"Anne, what if, isasama ko si Jansen? " Nagningning ang bilugang mong mata nang marinig ang pangalang Jansen.
"Ipapakilala ko siya sa'yo. "
~~~ SA ABANDONADONG "EL DESEO MANSION"
Isang malaking pagkakamali ata ang desisyon mo na sumama kina Amari sa El Deseo.
Madilim na pero wala pa ring 'Jansen'
kang natatanaw. Bakit ba kasi pag dating sa binatang yon, mas nagagamit mo ang emosyon kaysa utak? Malalim na yata ang paghanga mo sa kanya para kalimutan ang lahat.
"Pupunta sya! Nag text siya sa'kin. " Sabi ni Amari nang gusto mo nang umuwi.
Pinakita pa nito ang text ni Jansen na 'I'll come', patunay na nagsasabi siya ng totoo at hindi gawa-gawa lang ang kanyang pangako sa'yo.
Wala na ring atrasan dahil nasa loob na kayo ng mansyon at sinarado na ni 'Master' ang pinto. Bubuksan lamang pag tapos ng isang oras makuha man o hindi ang 'mystery item'.
Kailangan niyong makuha ang isang maalamat na gitara na pinaniniwalaang mahiwaga. Marami ng nagtangkang hanapin yon ngunit walang nagtagumpay. Yeah, a cliche urban legend as it seems pero sikat ang myth na yon na ginawa pang treasure hunting kaya naging tanyag ang El Deseo, hindi lamang sa mga treasure hunters kundi sa mga gusto ng adventures at mga exotic na pasyalan.
Dapit-hapon pa lamang ngunit tila kalaliman na ng gabi sa loob ng El Deseo. Ang dala nyong flashlight ang tanging pinagmumulan ng liwanag.
Halloween sa Araw Ng Mga Puso.
Si Amari ang nanguna sa paglakad tutal siya naman ang sabik maging myembro ng APCF at sya talaga ang nagtataglay ng karakter ng isang leader.
Nangangatog sa takot ang inyong mga tuhod nang simulang bagtasin ang madilim at maalikabok na pasilyo ng mansyon. Tumambad sa inyo ang kamangha-manghang grand staircase para marating ang ikalawang palapag. Malamang noong kapanahunang hindi pa ito inabandona ay engrande ang mga gamit dito.
Isang litrong laway ng katapangan ata ang inyong nilunok upang maakyat ang second floor at pumasok sa unang silid na inyong natunton.
"Amaaaariii! Let's back out! Hindi ko na kaya! " Pakiusap ni Chloe habang yapos ang iyong braso.
"Chloe, shut up! We're already here! Besides, hindi pa bubuksan ni Master yung pinto dahil ilang minutes pa lang tayong nandito. "Bulyaw ni Amari.
"The hell I care with that 'master' and that freakin' guitar?! "
Habang nagtataasan sila ng boses ni Chloe, kapwa kayo natigilan nang may narinig kayong alingawngaw ng batang umiiyak.
Lalong tumindig ang inyong mga balahibo sa ungol ng aso gaya ng mga napapanood sa mga horror films. Dito na kayo nag hulasan sa pagtakbo na para bang may multong humahabol. Wala ng oras para lumingon ni hindi nyo na magawa pang tumili tila humiwalay na ang inyong kaluluwa sa inyong katawan dahil sa takot.
Kanya-kanya na kayong direksyon, nauna na si Chloe sumunod si Amari at nahuhuli kayo ni Aisha sa pagtakbo.
Dahil sa kadiliman ng paligid, napatid ka sa isang bagay na gawa sa kahoy kaya ikaw ay nadapa at napakalas sa kamay ni Aisha.
"Amari, Chloe wait! Naiwan si Anne!" Aisha shouted with a concerned voice.
"Goodness Anne-ing, you're so clumsy! " Inis na wika ni Amari habang bakas sa mukha ang takot.
"Get up! Faster!" sigaw naman ni Chloe.
Lalong umalulong ang aso! Nakakakilabot!
Karipas uli ng takbo maliban sa iyo na hindi na magawa pang tumayo gawa ng pagod, kaba at matinding takot kaya ikaw ay naiwang nakadapa sa maalikabok na sahig.
Naiwan kang mag isa sa madilim na mundo. Literal. Pakiwari mo'y ito na ang huling sandali ng iyong buhay.
"Oh God, katapusan ko na po ba?" Ang tangi mong masambit. Hindi na alintana ang dilim ng gabi at lamig ng hangin. Tila nag flashbacks ang mga alala mo noong nakaraan simula pagka bata mo, noong nabubuhay pa ang iyong papa hanggang sa araw na ipinagtatanggol ka ni Jansen.
Kahit pa lagi mong sinasabi na ok lang sa iyo na mawala na sa mundo, tutal duon din naman tayo tutungo, wala namang kwenta ang lahat, mabuti nga mawala na lang para matapos na rin ang problema, despite of all these pessimism kapag pala pakiramdam mo'y nasa bingit ka na ng kamatayan, human instinct still kicks in- and that is to survive no matter what!
"Gusto ko pa pong mabuhay. Please, let me live."
Iyon na lang ang tangi mong dalangin bago tuluyang pumikit ang iyong mga mata.
Kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin...