Second Grant

1685 Words
[ Second Grant ] February 15, 2019 Janseeen! Humiyaw ka ng napakalakas nang ikaw ay magising mula sa mahimbing na pagtulog habang habol ang pag hinga at tagaktak ang pawis dahil sa masamang panaginip. Dali-daling nagsidatingan ang iyong nanay at nakababatang kapatid na si Blessy. “Ano nangyari sa'yo, anak?!" "Yung gitarang ginto, Ma, asan na?!" Tanong mo sa iyong mama sa tonong balisa dahil ang huli mong naaalala ay iniwan ka nila Amari sa El Deseo at ang kahuli-hulihan mong natanaw ay ang mukha ni Jansen at isang bagay na wangis ng gitara. "Pambihira kang bata ka nananaginip ka lang pala! Tinakot mo kami!” Saad ng iyong ina na si Mely na naibsan ang pag aalala. "Dali na, gumayak ka na at mahuhuli ka na sa klase!" Hala ang weird. Panaginip lang ba iyon? Anong nangyari sa El Deseo? Sigurado kang pumunta kayo nila Amari, Chloe, at Aisha sa haunted mansion na iyon. Wala ka ng magawa kundi bumangon na at ayusin ang sarili para pumasok sa paaralan upang malaman mo rin kung ano nangyari kahapon. Pagkatapos mong makaligo at mag suot ng uniform, tinawag ka ng iyong nanay upang mag almusal. Tuyo na naman ang ulam. Wala ka naman angal dahil batid mo naman mahirap lang kayo at ito lang ang kaya ng iyong inang byuda. Masarap ang tuyo, walang duda pero kung halos araw-araw ba naman ito ang madalas ninyong ulam, nakaka sawa rin. Palihim mong hiling na maka kain naman ng hamonado, steak, garden salad, at purong orange juice sa umaga. Gaya ng mga napapanood mong madalas i-almusal ng mga mayayaman sa teledrama. Habang abalang nag hahain si Mely at Blessy ng pagkain, naalala mo ang gintong kwintas na nakasabit sa iyong leeg. Napansin mo ito noong naliligo ka. Ang weird talaga, hindi mo alam kung saan ito nanggaling at paano ito napunta sa iyo. Hinimas-himas mo ang pendant na hugis oval, gawa ito sa opal. "Charaaaan!" Marami ka pa sana katanungan sa isip nang bigla namang inilapag ng iyong mama ang napakalaking hamonado. Samantalang si Blessy naman ay beef steak. Napansin mo rin ang salad at orange juice sa tabi na naka hain sa inyong hapag. Nanlaki ang iyong mga mata. Parang kanina naiisip mo lang ang mga iyon at ngayon ay nakalatag na sa inyong mesa. "Marami akong kinita sa daing kahapon kaya marami tayong ulam." Pagpapaliwanag ni Mely. "Ma! Ang dami n'yan, baka wala na tayong ulamin ng isang linggo." "Yaan mo na anak, minsan lang tayo kumain ng ganyan. Bilis na at lantakan na yan, mahuhuli na kayo sa klase." "Opo Ma! " Sabay niyong wika ni Blessy. "Sana mamaya Sanggyup naman!" Pabiro mong hirit. "Your wish is my command." Masayang tugon sa iyo ng mabait mong mama. ~~~~ Magkaiba kayo ng kapatid mong si Blessy ng pinapasukang paaralan. Grade Six pa lang siya at ikaw nama'y nasa huling baitang na ng Senior High. Konting tyaga at sipag pa ay gagraduate ka na rin at hinihintay na makapag aral sa pinaka tanyag at prehistiyosong unibersidad sa Pilipinas. Sa ngayon, pareho muna kayong maglalakad lang papuntang school. Siya ay sa malapit na community elementary school samantalang ikaw, sa private na kailangan pang sumakay ng tricycle. Ito kasi ang pinakamalapit na private school na nakuhaan mo ng full scholarship. Madalas na hinahatid ng "dad at mom" na naka kotse ang mga estudyante rito majority kasi ay nasa upper at middle class family. Apat na taon na rin palang halos araw-araw ay nagtityaga kang maglakad. Ngayon ka lang nakaramdam ng inggit, dahil na rin sa pagod at init. Sana tulad nila, maranasan mo rin ihatid ng naka kotse. Parang may kumurot sa iyong puso. Hindi mo tuloy maiwasang mapakapit sa iyong dibdib at nakapa ang opalong pendant na nakasabit sa iyong leeg. May namumuo ng luha sa gilid ng iyong mga mata at naudlot ito sa pag patak nang biglang may bumusina ng malakas. Muntik ka ng mapalundag sa iyong kinatatayuan dahil sa gulat. Isang magarang itim na kotse ang sa iyo'y tumambad. "Anne! Halika na, sabay ka na!" Aya ng pamilyar na boses ng isang babae. Tinignan mo kung sino iyon at iyong nakita si Aisha na nakangiti nang ibinaba nya ang bintana ng kotse. "Ay ok lang. Thank you. Lalakarin ko na lang malapit lang naman." Nahihiya mong tanggi. "Anong malapit lang? Eh limang kanto pa o, ang init init pa. Halika na!" Pilit ni Aisha kaya wala ka na rin nagawa kundi tanggapin ang kanyang alok. Agad kang pinaupo sa kanyang tabi at sabik siyang nagkwento. "Anne! Thank you talaga. Dahil sa'yo member na tayo ng Alpha Phi Chufavi!" "Huh? Talaga ba? Paano nga pala nangyari yon? Ano nga pala nangyari kahapon? Nakuha ba natin yung gintong gitara?" "Oh goodness Anne, nakalimutan mo na? Ikaw nga ang nakahanap n'on!" "Ah..." Iyon na lang ang iyong nasabi dahil wala ka talagang naaalala at marami ka pang gustong itanong. "Nahimatay ka kasi saglit after you stumble on that guitar. " "Nasaan na yung gitara? Totoo bang may magic yon?" Bahagyang natawa si Aisha sa iyong tanong. "Hala Anne, anong magic? Pambata lang? Syempre na kay Master. Every thing was a set up. Gawa gawa lang nila yung batang umiiyak at alulong ng aso effect of course pati yung magic guitar. " Napatango ka na lang dahil naliwanagan ka na rin ng kaunti. "Si Jansen ba-- " Medyo nahihiya ka pang tanungin kung dumating ba si Jansen kahapon kasi alam mong siya ang huli mong nakita bago ka nawalan ng malay. Dahil sa hiya, hinimas-himas mo muli ang pendant sa iyong dibdib. "What about your best friend?" Casual na tanong ni Aisha habang tinatanaw ang mga estudyanteng papasok na ng gate. Best friend? Hindi ka pa sigurado kung tama ang iyong narinig. Gusto mo pa sanang magtanong para linawin ang sinabi nya nang hininto naman na ng driver ang kotse. Nasa tapat na pala kayo ng school. Agad bumaba si Aisha nang matanaw na niya si Amari. Nagpasalamat ka na lang sa driver at kay Aisha at dumeretso na ng room habang sila ni Amari ay hinanap si Chloe para sabay sabay na silang pumasok. Halos puno na ang classroom nang dumating ka. Apat na upuan na lamang ang bakante na ibig sabihin ay pwesto iyon nila Amari, Aisha, at Chloe. Kanino naman ang sobrang isa? Kay Jansen ba? Natawa ka na lang sa sarili mong naiisip at the same time naaawa. Wala kasing gustong kumaibigan sa iyo. Weird ka raw kasi. Tanging si Jansen lang at Aisha ang naging mabuti sa iyo. Nasa pintuan ka pa lang rinig mo na ang tawa ni Chloe. Nariyan na sila sa wakas halos kasabay nila si Ms. Santos sa pag dating. Tumayo na kayong lahat upang batiin si Ma'am ng 'magandang umaga'. "Good morning po, Ms. Santos. Sorry I'm late!" Nanlaki ang iyong mga mata nang nakita mo sa pintuan ang lalaking bumati kay Ma'am na nagmamadaling pumasok at bago pa siya lumakad sa kinaroroonan mo ay isang napaka tamis na ngiti ang pinukol niya sa iyo. "Late ka na naman Mr. Ginoo! Sa susunod hindi na kita papapasukin." Ani Ma'am. Hindi ka makapaniwala. Para kang nananaginip. Para nga kay Jansen ang isang bakanteng upuan sa iyong tabi. Duon siya umupo na para bang matagal na niya iyong pwesto. Hindi mo magawang tanungin si Chloe at Jansen o kung sino man sa mga kaklase mo dahil istrikta si Ms. Santos, bawal ang magsalita pag siya'y nagtuturo na. Nilibot mo ang iyong tingin pero matiim silang nakikinig na tila ba 'class as usual'. Kailan niyo pa naging kaklase si Jansen? Ito ang iyong malaking katanungan. "Class! Lumabas na nga pala ang result ng exam ng mga Senior High. I'm so proud dahil nasa section natin ang nag top one sa buong school." Masayang anunsyo ni Mam sa inyong kalagitnaan. May tumapik sa iyong balikat. Paglingon mo ay si Jansen iyon na abot tenga ang ngiti. "Congrats Ms. Top One. " Bulong niya malapit sa iyong tenga. "Wish ko lang." Tugon mo sa kanya sa tonong casual para hindi naman halatang kinikilig ka. "Give Heberly Anne a round of applause for she's the only one who perfected the exam. Yes, she got 100%." Nagpalakpakan ang lahat habang ikaw naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Ma'am. Totoo ba ang lahat ng ito? Para kang nananaginip. Tila ba lahat ng inaasam ng iyong puso ay natutupad. Coincidence lang ba o sadyang buwenas ka lang sa araw na ito? Akala mo duon na natatapos ang swerte pero nagpatuloy pa ito hanggang sa lunch break. "Swerte mo talaga Anne. Nakaka inggit ka na." Sabi ni Amari sa'yo nang natapos ang klase nyo kay Ms. Santos. Luh, si Amari na kinaiinggitan mo ay naiingit sa iyo. "Oo nga, Anne. Matalino ka na tapos may best friend ka pang gwapo at faithful." Segunda naman ni Chloe. Bago ka pa maka react sa mga pinagsasabi nila, biglang hinawakan ni Jansen ang kamay mo. "Maliit na bagay. Halina kayo kain tayo sa cafeteria, my treat." Sabat ni Jansen na lalo pang nagpa g**o sa isip mo. Pero wala ng oras para magulumihanan pa dahil hinatak na ni Jansen ang iyong kamay papuntang cafeteria. "No, thanks." Sabay sabay na sagot nila Amari habang papalayo na kayo ni Jansen. May sarili yata silang lakad. Habang akay akay ka nya, nakatitig sa'yo ang mga kapwa mo kamag-aral. Oo, gusto mo ng papuri, at sino bang hindi? Pero hindi ka sanay sa ganitong eksena na pinaguusapan. "Ang swerte talaga ni Anne noh, siya pala yung top one. Lahat ng sinalihan niyang competition, siya lagi champion." "Oo nga eh, tapos best friend niya pa si Jansen. Kainggit talaga." Iyan ang narinig mo habang tinatahak nyo ni Jansen ang cafeteria. Paano mo naging best friend si Jansen, ni hindi mo nga matandaan kung kailan kayo naging magkaibigan. Hindi kaya may amnesia ka? Napahinto ka sa paglakad at napa-isip. Siguro nga, may amnesia ka! "Nagtataka ka ba?" Tanong ni Jansen habang nakangiti sa iyo. "Gusto mo bang malaman kung ano talaga ang nangyari?" Mas lalo pang lumawak ang kanyang ngiti. While you are dying of curiosity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD