[Third Grant]
February 15, 2019
"Nagtataka ka ba? Gusto mo bang malaman kung ano talaga ang nangyari?" Ani Jansen.
So, may iba pang nangyari sa El Deseo kahapon na hindi mo alam, marahil ito yung mga oras na ikaw ay nahimatay at iyon din ang oras nang ito'y dumating upang ikaw ay-- tulungan? Ganoon ba iyon?
Kung ganoon nga, pangalawang pagkakataon na na ikaw ay kanyang tinulungan.
Nasa rurok ka na ng curiosity nang bigla namang nag-aya syang kumain. Kapwa na kayong gutom at maikling oras lang ang laan para sa lunchbreak kaya kailangan niyo nang mag madali.
Hindi mo na nagawa pang mag usisa patungkol sa kaganapan sa El Deseo. Lalo pa't nakahain na ang masasarap na pagkain, meron pang kasamang milktea.
It's like a dream come true. The feeling is so surreal that you don't want to end this blissful moment. Sa wakas naranasan mo na rin ang friendly date na matagal mo na rin inaasam. At kay Jansen pa!
Dati mo ng inasam na makapag milktea kasama ang isang tunay na kaibigan. Maliit na bagay para sa mga rich kid pero hindi sa gaya mong kapos-palad.
Syempre mas uunahin mo ang needs kaysa luho.
Lahat ng iyong lihim na kahilingan ay unti-unting natutupad. Kung ano mang mahika o sadyang swerte lang ang nangyayari sa iyo, nais mong i-enjoy na lang muna.
Bagamat saglit lang ang inyong lunch break, ito na ang pinaka-satisfying lunch mo sa cafeteria. Madalas kasi ay sa bakanteng classroom ka kumakain ng dala mong baon na kung hindi scrambled egg, hard boiled egg ay sunny side up naman. Halos lahat yata ng pwedeng itorta sa itlog ay nailuto mo na.
Pagkatapos kumain ay hawak-kamay pa kayo ni Jansen sa paglalakad sa hallway pabalik ng classroom na para bang matagal nyo na itong ginagawa.
Nakakapanibago talaga dahil hindi ka na tampulan ng tukso. Ang mga tinginan na sa iyo ay hindi na gaya ng dati na pambubully, kundi inggit.
Contemporary Arts ang sunod na subject. Marami ang excited sa klaseng ito dahil mabait ang guro, madaling pakisamahan, at higit sa lahat, hindi nambabagsak.
"Class, submit your projects now."
Nagulantang ka nang marinig mo iyon kay Mrs. Reyes nakalimutan mo kasing dalhin ang iyong project. Nawala sa isip mo ang tungkol don dahil sa kaganapan kahapon sa El Deseo.
"Wala ka bang project, Heberly Anne? Tanong ni Mrs. Reyes nang mapansing wala kang pinasang proyekto. Bagamat nakangiti alam mong hindi sya natutuwa, paborito ka pa naman nyang estudyante kahit na hindi nito sabihin.
Tumango-tango ka na lamang habang nakayuko at tagaktak ang pawis dahil sa kaba at kahihiyan. Dito na yata natatapos ang iyong swerte.
"Goodness! Drawing lang naman yung project nyo, isang buwan ang palugit, hindi mo pa nagawa? Very disappointing."
Bagamat pabulong lang iyong binanggit ni Mrs. Reyes, tila tumataas na ang kanyang alta presyon.
"Buti pa ito, ang ganda ng gawa!" Nahimasmasan si teacher nang napansin ang isang illustration board at iniharap sa klase.
"Yie!" Sabay-sabay na tugon ng mga kapwa mo mag-aaral nang mapansin nilang proyekto iyon ni Jansen at ang kanyang ginuhit ay walang iba kundi ikaw.
[Yie!]
[Kainggit!]
[Sana all!]
Naging maaliwalas na rin ang mukha ni Mrs. Reyes. Pumayag na rin syang tumanggap ng mga hindi pa nakapag pasa hanggang alas singko ng hapon.
Natapos na rin ang maghapong klase at nakapasa ka na rin ng iyong proyekto.
Kaya inaya ka ni Jansen na sabay na kayong umuwi ngunit ito'y tinanggihan mo.
"Huwag na nakakahiya naman. Hindi naman tayo close. Hindi ko nga alam na kilala mo pala ako. Weird man pero may kakaiba talagang pangyayari simula pa kaninang umaga--"
"Kilala kita Heberly Anne, sino namang nagsabi na hindi tayo close, eh mag best friend nga tayo."
"Yun nga eh, kailan pa nangyari yon?"
Nagsimula ka ng magbalik-tanaw sa araw kung kailan mo sya unang nakilala. Ilang taon na rin ang nakalipas, nasa unang taon ka pa noon sa Senior High. Wala ka naman kasing masyadong maalala sa unang taon mo rito, tanging pambubully ang 'most memorable moment' kaya you rather not remember anything of those.
Ang weird kasi ng itsura mo parang hindi bagay sa isang pamosong paaralan na mapabilang ka rito. 'Inferiority complex' ang madalas mong maramdaman gawa ng iyong social status at physical appearance.
Madalas kang nasa sulok, nag iisa. Walang kausap, ni hindi magawang makatingin sa mga mata ng kapwa estudyante. Nabansagan ka tuloy na "Anne-ing" dahil tila may sarili kang mundo.
Hindi ka naman ipinanganak na maitim sadyang nangitim lang sa araw-araw na paglalakad patungong school. Hindi naman big deal iyon sa karamihan kung maitim ka, ngunit ang kakaiba kasi'y hindi pantay ang iyong kulay; maitim ang mukha ngunit ang mga braso at binti ay maputi, para kang zebra. Lumala pa ito nang ipinusod mo ang iyong buhok, kapansin-pansin ang maitim mong batok.
"Choco na batok o batok na choco." Sarkastikong sabi ng isang lalaki na nakasalubong mo sa hallway at nagtawanan ang mga kasama nito.
Obviously, ikaw ang pinatutungkulan.
"Oy huwag ganyan, pare. Babae pa rin yan kahit mukhang ano--" Hindi na itinuloy ng lalaki ang sasabihin pa sana nya at nagsitawanan na lang.
"Oo nga, maging gentleman kayo, be kind to ano--' Mas lalo pang dumagundong ang tawanan dahil marami na ang nakarinig.
Dito ka na nakaramdam ng lungkot, poot, at pagkapahiya. Marami kasing tao sa paligid at naging tampulan ka ng pangungutya. Kahit anong tengang-kawali pa ang iyong gawin, those men definitely have gone through their limit. Their ridicule is unbearable; piercing through your calloused heart.
When everyone seems so unkind and your surroundings have blurred due to the mist of your teary-eyes, then came Jansen.
"May nakakatawa ba don?" Iyon lang ang kanyang sinabi at ang lahat ay natahimik tila ang mga naruon ay naliwanagan ang isip, nagpatuloy na lang sa kanya-kanyang alalahanin at kinalimutan ka na lang.
Samantalang ikaw at sya ay nanatili sa kinatatayuan.
"Thank you." Ang tangi mong nasambit, ni hindi mo man lang tinapunan ng tingin si Jansen. Nahihiya kang makita nya kung paano ka iiyak. Sya na hindi mo naman kilala ay magiging saksi sa kaawa-awa mong kalagayan.
"Wait lang, Anne!" Sigaw ni Jansen habang papalayo ka sa kanya kaya ka natigilan. Hindi mo inaasahan na alam nya ang pangalan mo. Marahil sikat ka na talaga bilang isang 'weirdo' na pati si Jansen ay kilala ka na.
"If you feel alone--" Seryosong sabi ni Jansen bagamat nanatili kang nakatalikod sa kanya.
"I'll reach out my hand to you, just call my name, I'll be there." Dagdag pa nito.
Lyrics ito ng isang sikat na kanta, obviously it's supposed to be a joke, pero tumulo na ang luha na kanina mo pa pinipigilan.
That's the only incident that you could think of na tangi nyong pinagsaluhan. Alam mo naman na kahit sinong nasa katayuan mo sa sandaling iyon ay ganun din ang gagawin ni Jansen. Walang espesyal sa iyo sadyang mabait lang syang tao.
Ngunit simula nuon ay lagi mo na syang sinubaybayan mula sa malayo. Sya lang ang bukod-tanging lalaki na sa iyo ay nagmalasakit at tinrato kang normal na mag-aaral. Binabati ka rin nya sa tuwing nagsasalubong ang inyong landas. Madalas sa hallway o library na palagi nyong pinapuntahan pero ikaw ay mag isa samantalang sya ay kasama ang mga barkada o minsan si Amari na noon ay kanyang girlfriend.
"Naalala mo na ba?" Sabi ni Jansen sa gitna ng iyong pag-balik tanaw sa nakaraan.
Nagitla ka sa kanyang sinabi na para bang nabasa nya mula sa iyong balintataw ang alaala ng unang pagkakataon na ang landas nyo ay nagkatagpo.
"Naalala ko naman talaga yon at kahit kailan hindi ko yon makakalimutan. Pero paano ngang naging magkaklase tayo tapos naging mag best friend pa?"
"Simula nung pinakawalan mo ako sa El Deseo."
Isang malalim na pag hinga ang ginawa ni Jansen at hinawakan ang iyong kamay pagkatapos ay ngumiti ng bahagya.
"Salamat." Dagdag pa nya at lalo kang naguluhan sa mga pinagsasabi nya. Kamot ulo ka na lang. Clueless ka pa rin hanggang ngayon.
"Prank ba 'to? O social experiment? Usong-uso yun ngayon eh. Vlogger ka na rin ba?" This is the most logical question you could ask at this moment.
"Ano nga, sasama ka ba o maglalakad ka pauwi? By the way, hindi ako vlogger, kilala mo naman ako, I'm shy, haha. At wala namang interesting sa akin, wala akong maiisip na iko-content. Definitely, walang prank-prank gaya ng iniisip mo."
You just shrugged from what he said. Mukhang wala ka namang ibang magagawa kundi ang sumama dahil hila-hila n'ya na ang iyong kamay.
"Jansen, ano nga pala yung sinabi mo kanina? Yung pinakawalan kita sa El Deseo? Ang weird non. Akala ko ako yung weird dito, mas weird ka pa pala."
"Yaan mo na yung sinabi ko kanina. Masyado ka naman excited eh. Chill lang. Ayaw mo bang sumama?"
Dinala ka nya sa parking lot kung saan tumambad sa'yo ang napaka garang puting kotse. Hindi ka man knowledgeable sa mga kotse pero base sa logo nito, isa itong Bugatti at alam mong luxury car iyon.
Napanganga ka na lang sa pagka mangha. Alam mong nasa middle-class sila Jansen pero afford din pala nito ang kotseng yayamanin.
"Oy hindi yan yung kotse ko." Sabi ni Jansen at pumunta sa kabilang lane ng parking lot.
"Ay sorry naman, dito ka kasi tumapat, eh."
Sinundan mo si Jansen sa kabilang lane habang tumatawa. Pero bigla ka rin natigilan nang binuksan nya ang isang pulang kotse na sigurado kang mamahalin.
"Whoah, Jaguar!" Bulalas mo nang makita ang mas magarang kotse. Mas maganda at mas mamahalin kaysa sa Bugatti.
"Sakay na." Anyaya ni Jansen na nakaupo na sa driver's seat, handa na nyang patakbuhin ang kotse.
"Weh? Sa'yo talaga 'to? Baka niloloko mo na naman ako."
"Nakita mo na ngang may susi ako. Halika na nga, ready na ako." Isang malawak na ngiti ang nagpakumbinsi sa'yo na pumasok na ng koste at umupo sa passenger's seat.
"Saan tayo pupunta?" Nagtataka mo pang tanong.
"Buckle up your seatbelt. We will have an adventure." Sabi ni Jansen na nagpa-excite sa iyo ng sobra.