Chapter 01

2441 Words
"WE WILL choose or you will choose?" Muling nahilot ni Triv ang kanyang sentido ng maalala ang sinabing iyon ng kanyang ama ng minsang kausapin siya nito dalawang araw na ang nakakaraan. Nais na ng mga ito na mag-asawa siya kapag tumuntong na siya sa edad trenta. Tatlong buwan buhat ngayon. Ni hindi nga pumasok sa isip niya ang magkaroon ng nobya sa seryosong paraan, asawa pa kaya? At kung mag-aasawa man siya ay hindi pa ngayon. Parang masyado pang maaga para gawin iyon. Kahit kailan din ay hindi siya nagtangkang magkaroon ng seryosong karelasyon o nobyang matatawag. He's fine having a fling. Dahil ayaw niya ng commitment sa kahit na sino mang babae. Once na nagiging bossy na at demanding ang mga babaeng nadidikit sa kanya ay nagiging senyales na iyon upang tapusin ang anumang ugnayan niya sa mga babaeng iyon. Walang karma, iyon din ang palagi niyang sinasabi kapag sinasabihan siya ng kanyang ina na baka pagdating ng araw ay pagsisihan niya ang ginagawa niya sa mga babae. Mahal niya ang kanyang ina at may respeto siya rito. Siguro nga hindi pa niya nakikita ang babaeng makakatapat niya kaya hanggang ngayon ay wala siyang sineseryoso. "Kanina pa kita pinagmamasdan at mukhang nakarating na sa ibang dako ng mundo ang isip mo. Are you okay?" Napaangat ng tingin si Triv. Saka lang niya napansin ang presensiya ng kanyang kaibigang si Dandrick. Kung playboy siya ay mas 'di hamak ang isang ito na lahat na lang yata ng makilalang magagandang babae ay nadadala nito sa condo nito sa Makati. Naupo ito sa katapat niya at agad binuksan ang isang bote ng beer. Nasa isang Bar siya ng mga oras na iyon at nagpapalipas ng oras. He sigh. "Gusto lang naman akong mag-asawa nina daddy at mommy, once na mag-thirty na ako," muli niyang tinungga ang bote ng alak. Ganoon na lang ang pagtawa ni Dandrick. "Really? That's s**t, men. Baka kapag ako ang sinabihan niyan nina daddy ay mag-walk out lang ako. Hinding-hindi ko puputulin ang kalayaang meron ako." Napailing pa ito. "So, anong sabi mo sa kanila?" "Wala pa. Pinapipili nila ako kung sila ba o ako ang pipili ng babaeng mapapangasawa ko. They want a grandson na magdadala ng family name namin." Nag-iisang anak lang siya kaya naman ganoon na lang ang kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng apong lalaki na magdadala ng kanilang apelyido. Ayaw nitong maputol ang saling lahi ng pamilya nila. Lalo na at siya lang ang nag-iisang tagapagmana ng chain of Sauler Hotels International and Local. Hindi naman niya pinababayaan ang negosyo ng kanilang pamilya lalo na sa abroad. Mas madalas siya roon dahil nagagawa niya ang mga bagay na madalang niyang gawin dito sa Pilipinas. Iyon ay ang aliwin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga babaeng willing na maikama at magpakama sa kanya. Everyone adore him. Lalo na ang katawan niyang sinalo na yata ang lahat ng biyaya ng Diyos noong magsabog ito ng perpektong katawan at anyo ng lalaki. One week ago ay pinauwi siya ng kanyang ina at may mahalaga raw silang pag-uusapan ng kanyang ama, kung alam lang niya na iyon ang pag-uusapan nila ay hindi na sana siya umuwi muna. Lalo lang siyang na-stress sa gustong mangyari ng kanyang ama. "Sigurista ang ama mo. Bakit hindi ka na lang mag-hire ng babaeng magbibigay sa iyo ng anak na lalaki? A baby maker?" Umiling siya. Nasabi na rin niya iyon sa kanyang mga magulang. Natuktukan lang siya ng kanyang ina. Kung magpapakasal siya ay hindi rin naman niya iyon puwedeng ipawalang bisa kagaya ng naunang naisip niya dahil matigas ang pagtutol ng kanyang ina sa bagay na iyon. Para sa mga ito ay sagrado ang usaping kasal. At kapag ginawa niya ang bagay na iyon o ang kahit umupa ng baby maker para mabigyan ng apong lalaki ang mga ito, automatic na tanggal ang lahat ng mana niya. At ni sinkong duling ay wala siyang matatanggap. Bagay na ayaw niyang mangyari. Hindi puwedeng maghirap ang isang Triv Sauler. Never. "Kasal ang gusto nila. Lahat na lang yata ng dahilan ay nasabi ko na sa kanila pero in the end ay wala pa rin akong magagawa kundi ang mamili sa dalawa." Tinapik nito ang balikat niya. "On that case ay mukhang wala na akong magagawa. Anyway, 'wag mo na munang kaisipin ang bagay na 'yan. Mamaya ay darating dito ang dalawang chikas na nakilala ko sa isang fashion show, an international models. So Triv, just enjoy the night. Hindi 'yung masyado mong dinidibdib ang problema mo." Ilang babae na rin ang dumaan sa kanya, halos hindi na niya mabilang at karamihan ay hindi niya tanda ang mga pangalan. At ngayon nga ay mukhang may panibago na namang magpapainit ng gabi niya. "Cheers," nakangisi pang wika ni Dandrick. MALAKAS na ungol ng babaeng katalik ang pumupuno ng mga sandaling iyon sa silid na kinaroroonan ngayon ni Triv. Hindi nga siya nagkamali dahil sa kama pa rin sila humantong ng babaeng pinakilala sa kanya kanina ni Dandrick. Magaling ang naturang babae na hindi pa rin niya sigurado kung Shiela o Sheena ang pangalan. Anyway, hindi na iyon importante pa. "Ah, s**t. Faster, Triv. I'm coming!" Pabilis ng pabilis ang pagbayo niya sa katalik na babae. Sa isip ay napamura pa siya ng maramdaman ang pagbaon ng kuko nito sa kanyang likod ng parehas nilang marating ang sukdulan. Humihingal na agad siyang humiga sa tabi ng babae. Nakasilay sa mapanuksong ngiti nito na satisfied ito sa ginawa nila. "Bakit kailangan mo pang gumamit ng condom?" malambing nitong tanong. "Ayaw mo ba ng widrawal? Mas masarap kasi kapag hindi ka na gumagamit niyan." Hinaplos pa ng babae ang kanyang dibdib. Pinalis niya ang pawis na namuo sa kanyang noo. Dala na rin ng pag-iingat kaya palagi siyang gumagamit ng condom. Hindi pa niya nararanasan na makipagtalik sa babae na walang proteksiyon na gamit. Ayaw pa niyang mapikot kaya ganoon na lang ang pag-iingat niya. At higit sa lahat ay nag-iingat din siya dahil ayaw niyang magkaroon ng sakit dahil sa madalas na pakikipagtalik sa iba't ibang babae. "Nag-iingat lang ako," kaswal niyang sagot. Sa pagbangon niya ay napakagat-labi pa ang babae ng makita ang pag-form ng kanyang abs. Napailing na lang siya at mabilis na nagsuot ng damit na nadampot sa sahig. "Stay with me here, Triv. Please?" "I can't," aniya ng maisuot ang pantalon. Kapag satisfied na ang pangangailangan niya ay hindi na siya nananatili ng matagal kasama ang babaeng naka-one nigth stand niya. Yeah, just a one night stand. Maging ang pangalan nito ay hindi na niya pagkakaabalahan pang malaman dahil hindi rin naman siya ganoon ka-interesado. "If you want to spend the rest of the night here, feel free," aniya na tinungo na ang pinto ng suite ng masiguradong wala na siyang nakalimutan pa. Bago tuluyang lumabas sa pinto ay nilingon muna niya ang babae na nakasunod pa rin ang tingin sa kanya. May panghihinayang sa anyo nito. Maganda ito. Pero para sa kanya ay pangkaraniwan na lang iyon. "Thank you," iyon lang at tuluyan na siyang lumabas. That was it. Karaniwan na ring eksena kapag nakikipagtalik siya sa isang babae. Suwerte na yatang matatawag kapag may tinabihan pa siyang matulog. Kung kailan man darating sa punto na ayaw na niyang mawala pa sa tabi niya ang isang babae, ay hindi niya alam kung mangyayari pa ba iyon sa kanya. Baka nga nagsawa na sa kanya ang Diyos dahil sa pagiging playboy niya kaya wala na itong balak pa na ibigay sa kanya ang babaeng nakatakda para sa kanya. "TATAWAGAN na lang kita kapag may result na, Mr. Sauler," anang doktor kay Triv matapos siyang kuhanan ng sample para sa examine na gagawin sa kanya. Napagdesisyunan niyang magpa-sperm test kung magiging maayos ba kung magkakaroon siya ng anak. Kahit na sigurado siyang wala namang magiging problema ay nagpakunsulta pa rin siya dahil mas okay na 'yung sigurado. Mayroon kasing mag-partner na kaya hindi magkaroon agad ng anak ay dahil stress sa trabaho ang isa. He sigh. "Okay. I'll expect the result this week." Tumango ito bago siya iniwan. Isang buntong hininga pa bago siya pumihit paharap sa pinto. Pagbukas niya niyon ay sakto namang papasok ang isang babae na sobrang sexy sa suot nitong dress na hapit sa katawan nito. Pamilyar sa kanya ang naturang babae. Hindi lang niya matantiya kung kailan at saan niya ito nakita. Siguro ay isa sa mga babaeng nakasama niya sa loob ng napakaikling panahon. "Triv?" Nanlaki pa ang mata nito ng mapagsino siya. "K-Kailan ka pa bumalik dito sa bansa?" Tiningnan niya ito na animo kinikilala. "Fritz, if you still remember me," umaasam nitong pagpapakilala sa kanya. Umiling siya pagkuwan. "No," iyon lang at nilampasan na niya ito. Napanganga na lang ito ng habulin siya ng tingin. Naroon ang panlulumo na napalitan ng pagkairita. Nasa Sauler Hotel siya sa Pasig ng makatanggap ng tawag mula kay Dandrick isang hapon. "Hello," aniya ng sagutin ang tawag na iyon. "Busy ka?" ani Dandrick sa kabilang linya. Sinulyapan niya ang mga files na nasa ibabaw ng table niya. Permado na niya ang lahat ng iyon at wala na siyang gagawin pang iba. Kapag nasa bansa siya ay ang Sauler Hotel sa Pasig ang madalas niyang i-manage. "Hindi. Napatawag ka?" "Aware ka ba sa Pleasure Club dito sa Makati?" nahihimigan niya ang excitement sa boses nito. Pleasure Club? ulit niya sa kanyang isipan. Hindi siya pamilyar sa naturang lugar palibhasa ay madalang siyang umuwi sa Maynila. "No. Ano'ng meron?" Sumandal siya sa back rest ng swevel chair at nag-focus sa tawag na iyon ng kaibigan. "A high class Club. May parties at may inuman din just like the typical one. Pero ito ang mas nagpapasikat sa lugar na iyon. Maraming bachelors na mayayaman ang baliw na baliw sa Pleasure Club, Triv. At dahil 'yon sa Game Room na ini-o-offer sa mga kagaya nating mayayaman. Dahil tayo lang ang kayang um-afford ng offer na 'yon." "Direct to the point, Dandrick." "Sa bawat Game Room, which is only four rooms, ay may mga babae na o-offer-an mo ng pera. Parang kagaya sa mga bidding ng babae sa Club para mailabas mo. Kapag satisfied na sila sa offer mo they will give the pleasure you want. Exciting lang dahil pangalan lang ng babaeng nasa loob ng kuwarto ang ibibigay sa iyo kapag swerte kang mabunot para sa per batch na gagamit ng Game Room. Take note, hindi basta-bastang mga babae ang nasa Game Room. At kung gusto mong subukan, tara mamayang gabi." Napangiti siya habang naiiling. In the end ay sa pag-aaya rin mapupunta ang usapan nila. Dandrick, nowadays. "I'm sorry. Hindi ako puwede the whole week. Maybe next time. Balitaan mo na lang ako kung satisfied ka ba sa offer na mayroon ang sinasabi mong Club. For now, ikaw na lang muna ang magpakasaya roon." "Hay, akala ko pa naman ay magiging interesado ka. Pambihira nagsayang lang ako ng load na pantawag sa iyo. Damn, Triv. Damn." Pinagtawanan lang niya ito. Sa ngayon ay hindi siya interesado dahil wala siyang balak makipag-make out habang wala pa siyang nakukuhang resulta mula sa doktor na pinag-check-up-an niya. "WALA KANG kakayahang magkaroon ng anak..." Ang mga salitang iyon, na animo sirang plaka na paulit-ulit na naghuhumiyaw sa kanyang isipan, ang kanina pang nagpapairita kay Triv. He really hate the idea. Kagagaling lang niya sa ospital para malaman ng personal ang resulta ng ginawa niyang pagpapa-examine. At ang naging resulta nga ay siyang nagpapatulig ng mundo niya ngayon. "No way! Hindi puwede!" Binayo niya ng kung ilang ulit ang manibela ng kanyang sasakyan. "Bullshit!" Hindi siya puwedeng maging baog. Kailangan niyang magkaroon ng anak. Ayon sa resulta ng examine niya ay wala siyang kakayahang magkaroon ng anak. Sa madaling salita ay baog siya. Halos masuntok pa niya ang doktor kanina dahil sa sinabi nitong iyon. Hindi niya matanggap. Napasigaw pa siya sa sobrang pagka-frustrate. Pagka-start muli ng kanyang kotse ay pinaharurot na niya iyon ng sobrang tulin. Hindi iyon puwedeng malaman ng mga magulang niya. Not now. Ayaw niyang ma-dissapoint ang kanyang ama sa kanya dahil wala siyang kakayahan na mabigyan ito ng apong lalaki. Iyon na ba ang karma niya dahil sa hindi pagseseryoso sa mga babae? Sobra naman yata iyong kaparusahan. Sa nangyaring iyon ay halos isang buwan din siyang walang gana sa kahit na sinong babae. Naapektuhan niyon ang s*x life niya. Hindi siya nag-take ng second opinion sa ibang doktor dahil baka masiraan lang siyang lalo kapag parehas ang naging resulta. "Nagpapaka-good boy ka na ba ngayon, Triv? Nakakapanibago lang dahil wala ka ng babaeng idini-date," ani Dandrick ng minsang maligaw sa office niya. "Wala lang akong gana ngayon," pahinamad pa niyang sagot habang tutok ang mga mata sa monitor ng kanyang laptop. "Siguro kailangan mo muna ng break. Masyado kang subsob sa trabaho. Mamayang gabi ay pupunta ulit ako sa Pleasure Club. Wanna join?" Napahinto ang mga daliri niya sa pagtipa sa keyboard ng laptop ng marinig ang lugar na binanggit nito. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa nga niya napapasok ang naturang lugar. Sinulyapan niya si Dandrick na nakangisi sa kanya. "Wala namang masama kung susubukan mo. Mag-i-enjoy ka, promise." He sigh. Sa huli ay pumayag din siya sa pangungulit ng kanyang kaibigan sa kanya. For a change after ng dumating ang masamang balita sa kanya. "Papayag ka rin pala pinatagal mo pa," naiiling pang hirit ni Dandrick. MATAMANG pinagmasdan ni Yzel ang amang nakaratay pa rin sa hospital bed. Tulog ito ng mga sandaling iyon. Napakurap si Yzel ng hagurin ng kanyang inang si Marcy ang kanyang likod. "Kinausap na kami kanina ng doktor. Pumayag silang operahan ang tatay mo bukas ng hapon basta mababayaran agad ang bill dito sa ospital. Dahil kung hindi mababayaran ng buo ay hindi puwedeng palabasin ang tatay mo," malungkot nitong pinagmasdan ang kabiyak. "Hindi ko na alam kung paano pa tayo ngayon. Ang kapatid mong si Shane, ayaw namang gumawa ng paraan." Nakagat niya ang ibabang labi. Pinigilan niya ang maluha. Ayaw niyang ipakita sa ina na nawawalan na siya ng pag-asa. Hanggat maaari ay pinalalakas niya ang loob nito. "Makakaraos din tayo, 'Nay." Huminga muna siya ng malalim bago ito hinarap. "Gagawa ho ako ng paraan para makabayad tayo rito sa ospital. Ang mahalaga po ngayon ay maoperahan si Tatay." Kung aasa sila kay Shane ay baka pumuti lang ang mata nila sa paghihintay. Isang sulyap pa sa kanyang ama at nagpaalam na rin siya sa kanyang ina na uuwi muna sa kanilang bahay. Pagkauwi sa kanila ay naligo agad siya at matagal na nagbabad sa banyo. Sa ngayon ay wala na siyang iba pang pagpipilian. Para kay Tatay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD