Chapter 02

2654 Words
"I CAN'T believe it. Sa wakas nadala rin kita rito," malakas na wika ni Dandrick upang marinig ni Triv. Malakas kasi ang rock music na pumapailanlang ngayon sa buong Club. Mukhang kailangan talaga niya ngayon ng distraction upang kahit paano ay malayo sa sumpa na yatang matatawag sa kanya. Bagay na hindi niya maibahagi sa kaibigan. Not now. Sa ngayon ay sasarilihin na muna niya iyon. Agad niyang inisang lagok ang tequila na nasa baso niya. Bahagya siyang napapikit dahil sa pait na gumuhit sa kanyang lalamunan. "Nakailang balik ka na ba rito?" mayamaya ay tanong niya sa kaibigan. "Mas madalas ako rito kaysa sa Bar. Mas enjoy kasi rito," sagot ni Dandrick. Nang mga sandaling iyon ay nagre-relax muna sila ni Dandrick. Habang ang iba naman ay busy sa dance floor. Mamaya pa raw magaganap ang bunutan kung sino ang masuwerteng gagamit ng Game Room. Marami ring tao sa Pleasure Club, mostly mga kalalakihan na halatang may mga sinasabi sa buhay. Ayon kay Dandrick ay dahil iyon sa special offer ng Club which is Game Room na matatagpuan sa second floor ng Club. Kanina pa rin usapan kung sino ang masuwerteng matatawag sa bunutan. Pinalista na rin ni Dandrick ang pangalan niya para sa bunutan mamaya. Hanggang tatlong batch lang daw ang maaaring gumamit ng Game Room. Sa bawat batch ay may nakalaang dalawang oras na siyang itatagal sa loob. Kaya dapat masulit ang nakalaang oras na iyon. Bawal ding ilabas ang babaeng nasa loob ng silid. Sinulyapan niya ang maliit na itim na bag. Nakalagay roon ang w-in-idraw niyang pera kanina sa banko. Not that big, dahil mas mahal pa nga ang halaga ng mga bag na binibigay niya sa mga babaeng dumaan na sa buhay niya. "Mind you, Triv. May ilang celebrity rin ang pumupunta rito." Hindi naman siya pamilyar sa mga celebrity rito sa bansa. Kaya kung may nakakasalubong man siya ay hindi rin niya halos pansin. "'Wag kang masyadong magpakalasing para kung ikaw ang mapili ngayon ay mas ma-enjoy mo ang gabing ito." Tumaas-baba pa ang kilay ni Dandrick bago inilibot ang tingin sa paligid. Kinindatan pa nito ang isang babaeng napatingin dito. "Kailan mo ba balak lumagay sa tahimik?" Bigla ay naitanong niya sa kaibigan. Napatingin ito sa kanya. Inilapit pa nito ang mukha. "What?!" "Kailan mo balak mag-settle down?!" May kalakasan niyang tanong upang mas marinig nito. Tumawa ito. "I don't know. At wala pa 'yan sa plano ko." Umiling-iling pa ito. "Kung iniisip mo pa rin ang gusto ng mga magulang mo, sinasabi ko sa iyo na kalimutan mo na muna 'yan. Hindi ka mag-i-enjoy rito. Chill man." Makalipas ang ilan pang oras ay nag-announce na ang emcee na mag-uumpisa na ang bunutan, para sa mga suwerteng gagamit ng game room, anumang oras. Pinagkiskis ni Dandrick ang mga palad nito. "Mabunot ka sana," ngumisi pa ito. Sa daming kalalakihan na naroon ay suwerte na siguro kung mabubunot pa ang pangalan niya. Makalipas pa nga ang ilang sandali ay dinala na sa unahan ang isang babasaging bowl na kinalalagyan ng mga nakabilot na papel. Doon nakasulat ang mga pangalan nila. Bumunot na ang emcee ng isang papel na bubuo sa first batch na sasalang sa Game Room. "And the first lucky man was no other than... Mr. Dunhill Feiro Mondragon!" Maging siya ay nailibot ang tingin. Nakita niyang tumayo ang isang lalaki na ichini-cheer ng mga kasama nito sa table. Isa ito sa mga batang negosyante na mabibilang sa hanay ng mga bilyonaryo sa bansa. Madalas niya itong makita sa ilang business gathering. "Wow, ang hot naman ni Kuya," napakagat labi pa ang baklang emcee ng masilayan ang lalaking tinawag nito. "Iga-guide ka ng isa sa staff namin papunta sa room kung saan hihintayin mo ang tatlo mo pang makakasama sa first batch na gagamit ng Game Room. Enjoy!" Tumango ang lalaki bago ito in-assist ng isang sexy rin na babae. "Sasamahan naman siya sa listahan ni," muli nitong inilubog sa bowl ang kamay at bumunot sa pinakailalim ng isang papel. Napatango-tango pa ito ng mabasa ang pangalan na nakasulat doon. "Mr. Triv Sauler!" Sa pagkagulat siguro ni Dandrick kaya nahampas siya nito sa braso. "Pre, ikaw na! Suwerte mo." Kung hindi lang niya ito kaibigan ay baka kung ano na ang inabot nito sa kanya. "Oo, rinig ko," aniya rito na tumayo na dala ang maliit na bag. Huminga muna siya ng malalim bago hinayon ang baklang napanganga ng makita siya. "Umuulan talaga ng mga hotness fafa ngayon. Okay, ang suwerte naman yata masyado ng mga naghihintay sa Game Room. Anyway," ubod tamis pa itong ngumiti sa kanya. Nagpapa-cute. "Mae, paki-samahan na si Sir Pogi." Walang imik na sumunod siya sa babae na umagapay sa kanya sa paglalakad. Kahit ang babaeng nagga-guide sa kanya ay umaapaw rin sa ka-sexy-an at kagandahan. Actually, lahat ng babaeng staff ng naturang Club ay mga pang-beauty Queen ang kagandahan. Napakurap siya ng imuwestra ng babae ang pinto na nakapinid. "This way, Sir," anito na binuksan ang pinto. Nakita niya roon ang lalaking unang tinawag. Nakaupo sa isang sofa. Naghuhumiyaw sa kulay pula ang naturang silid. Pumasok na siya sa loob. Agad din namang umalis ang babae. Tumikhim siya bago naupo sa katapat na sofa ng naturang lalaki. Tila wala itong balak na magsalita dahil sa kaseryosohan ng anyo. Pero pansin niya ang saglit na recognation sa mata nito ng sulyapan siya. Tila nakilala kung sino siya. "What brought you here?" out of nowhere ay basag niya sa katahimikan. Kataka-taka na ang isang big time na negosyanteng kagaya nito ay nasa lugar na iyon. Siguro ay dahil sa itong lugar ang uso ngayon sa mga katulad nila, he thought. "Pinilit lang ng mga kaibigan." Napatango-tango siya. Parehas lang pala sila. "Same here. Anyway, para maiba naman kaya ako pumayag na pumunta rito." Iimik pa sana ito ng muling bumukas ang pinto. Pumasok doon ang babaeng nag-guide sa kanila kanina. Kasunod nito ang isa pang lalaki. Sam Walker, aniya sa isip. Kagaya nilang dalawa ni Dunhill Feiro Mondragon ay nasa business world din ang isang ito. Napatingin silang tatlo sa may pintuan ng bumukas iyon at pumasok ang pang-apat na lalaki na kukumpleto sa batch nila. "Pakihintay na lang po si Miss Aubrey," anito bago muling lumabas. Ang sikat na si Paolo Maria Punzalan ang naturang lalaki. Kaya pala pamilyar ito sa kanya. Isa itong sikat na sikat ngayon na football player na kasalukuyang nagri-represent sa bansa para sa isang International Football League na gaganapin sa ibang bansa. Automatic ang pag-ngiti nito ng makalapit sa kanila. "Nice to meet you brothers! I saw the three of you kanina sa business news. What a coincidence rigth?" pagbibiro pa nito. Nginitian niya ito at nakipagkamay rin dito. Sunod na pumasok ay ang nagpakilalang si Miss Aubrey na may kasunod na apat na babae. "Good evening," bati pa nito sa kanila. "Thank you for coming here tonight. I hope mag-enjoy kayo. May idea na naman siguro kayo kung ano'ng meron sa loob ng Game Room." "Kapag ba hindi ko na-enjoy ang dalawang oras sa loob ng Game Room, puwede pa akong mag-extend?" Nakangising hirit ni Paolo. "Mr. Punzalan, dalawang oras lang ang puwede mong itagal sa loob. Kaya sulitin niyo ang oras na meron kayo. Puwede kayong mag-back out kung hindi niyo feel ang babaeng makakausap niyo sa nakasarang pintuan. At puwede rin nila kayong ayawan kung hindi nila magugustuhan ang offer niyo at kayo mismo, puwede rin nilang ayawan." May ipinakita itong apat na card sa kanila na may nakasulat na pangalan. "Pumili kayo ng isang pangalan. Mr. Mondragon, you choose first." Tumayo ang walang imik na si Dunhill at kinuha ang isang card. Binalingan ni Miss Aubrey ang kasamang babae at pinahanda ang unang Game Room. Agad naman iyong lumabas. Naiwan ang tatlo pang babae. "Mr. Sauler," baling nito sa kanya. Binasa niya ang tatlong natitirang pangalan. Isa ang umagaw sa pansin niya. Iyon ay ang card na may nakasulat na pangalang Lezy. Kinuha niya iyon at ipinakita rito. Pagkabaling nito sa kalapit na babae ay tumango ang huli at agad na tumalima palabas. Nang makapili naman si Sam Walker ay sinundan iyon ni Paolo. Nang siguro ay nasa Game Room na ang mga babaeng napili nila ay pinaakyat na rin sila ni Miss Aubrey sa second floor. Pagkasara niya sa pintong pinasukan ay lalong tumahimik ang kanina ay maingay na paligid. May ilang dipa ang haba ng pasilyo mula sa unang pinto na binuksan niya papunta sa nakapinid na pinto kung saan naroon ang babaeng nagngangalang Lezy. Naglakad na siya palapit doon at agad na kumatok sa pinto. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Lezy?" Ilang sandali ang lumipas bago niya narinig ang sagot buhat sa nakapinid na pinto. May butas doong maliit na siyang dahilan upang magkarinigan sila ng nasa loob. "Yes?" 'Yung pakiramdam na may hatid na kilabot sa kanyang pagkatao ang narinig na boses buhat sa kabilang pinto. Napalunok siya. "WALA NG atrasan, Khlaryzel," mahina niyang anas habang nakatitig sa pinto kung saan mamaya lang ay darating ang taong magiging sagot sa kailangan niyang pera. Nang puntahan niya kanina si Donita at sabihin dito na pumapayag na siya sa inaalok nitong tulong ay agad siya nitong dinala sa Pleasure Club, ang kinahuhumalingang Club ngayon ng mayayamang kalalakihan. Mas marami raw kabinataan ang pumupunta roon kapag araw ng Biyernes. Totoo nga ang sinabi ni Donita na high class ang naturang Club. Dahil walang mababakas ng kasimplehan ang naturang lugar. Lahat ay may bahid ng karangyaan. Kaya masisiguro mo na hindi rin basta-basta ang mga taong pumupunta roon. Matapos siyang ipakilala ni Donita sa Manager ng Pleasure Club ay pinaayusan agad siya at pina-assist. Ayon sa baklang nag-guide sa kanya kanina ay may ilang question and answer portion daw bago niya tuluyang buksan ang naturang pinto ng silid na kinaroroonan, ang pangalawang Game Room. Siya raw ang magpapasya kung kontento na siya sa offer ng naturang customer. Puwede rin siyang umayaw kung hindi niya makukursunadahan ang offer. At kapag dumating sa punto na okay na ang lahat sa pagitan ng pag-uusap nila ng magiging customer niya ay saka lang niya bubuksan ang pinto. Wala siyang ideya kung paano mang-akit ng isang lalaki. Kung magwo-work ba kapag nagkausap na sila. May kaba sa dibdib niya ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala. Anumang sandali ay maririnig na niya ang pagkatok ng kung sino. Wala rin siyang ideya kung ano'ng itsura niyon. Boses lang nito ang una niyang pagbabatayan. Naisip din niya na paano kung mukhang butete o mukhang pinagkaitan ng langit at lupa ang lalaking tatangay sa iniingatan niyang perlas? Sana lang ay matiis niya. Natatakot din siya dahil baka mababoy siya sa unang beses na gagawin niya iyon. Sana naman ay hindi. Napakislot siya ng makarinig ng katok. Ang pintong iyon ay kayang marinig ang anumang pag-uusapan nila kahit na nakapagitan iyon sa kanila. Ang tanging soundproof lang ay ang pinto na unang papasukan papunta roon. Kaya hindi roon dinig ang anumang ingay na nagmumula sa mga nagpa-party sa labas. Napalunok siya at kung ilang beses ding huminga ng malalim bago naglakad palapit sa naturang pintuan. Pinigilan niya ang maiyak. Hindi puwedeng mapurnada ang pinasok niyang iyon. Saka na siya iiyak kapag nasa kamay na niya ang perang kailangan ng tatay niya. Patawarin mo ako 'Tay kung ito 'yung paraan na pinasok ko para mapaoperahan ka. Patawad po, 'Tay... Huminga siyang muli ng malalim bago idinikit ang tainga sa dahon ng pintuan. Tumikhim din siya upang palisin ang bikig sa kanyang lalamunan. "Lezy?" anang suwabe at malamig sa pandinig na wika ng lalaki buhat sa labas ng pinto. Lezy ang binigay niyang screen name sa Pleasure Club. Ang mga lalaking customer kasi ay tanging pangalan lang ng babae ang pagpipilian. Mga babaeng naghihintay na mapili at sumalang sa loob ng Game Room. Wala ng iba. Kapag nakapili na ang mga ito ng pangalan ay ihahatid na ang mga ito ng isang guide patungo sa silid na kinaroroonan ng babaeng napili ng mga ito. "Yes," malambing niyang sagot. Napapikit siyang muli ng mariin. "How much can I take you tonight?" Hindi siya agad nakaimik. Siya ba ang magpepresyo? Ang alam niya ay ang lalaki rin mismo. Hinintay niya ito na muling magsalita. "Fifty thousand?" Isang daang libo ang kailangan ng kanyang ama upang maoperahan ito. Bukod pa roon ang ilang araw na pamamalagi nito sa ospital. "H-Higher." Ito naman ang hindi nagsalita. Paano kung wala ito ng halaga na kailangan niya? Ang nais sana niya ay una't huling beses niya iyong gagawin. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na siya magpapakabalik-balik pa sa lugar na iyon at ibabaon niya sa limot ang anumang magaganap. Kaya dapat makuha niya ang halagang kailangan at hindi sasapat ang fifty thousand lang. "Ano'ng height mo?" Muling tanong ng lalaki sa kabilang pinto. Ang ganda ng boses nito at hindi niya ikakaila iyon. Pero marami ngayon ang maganda nga ang boses, kabaligtaran naman minsan sa hitsura. "Five six. Ilang taon ka na?" Lakas loob niyang tanong. "Twenty nine." Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi pa matanda ang lalaking makakasama niya sa loob ng silid na iyon. "Itataas mo pa ba ang offer mo o hindi na?" She ask again. Dahil kung hindi ay tatanggihan niya ito. "Okay, I'll make it high. How about five hundred thousand?" Narinig ba niya iyon ng malinaw? Limang daang libo para sa dalawang oras na pananatili sa silid na iyon? O baka naman laspagin siya nito kaya ganoon kalaki ang offer nito? Naipilig niya ang ulo. Baka naman mayaman lang talaga ito at barya lang ang limang daang libo. "Cash or cheque?" "Cash," anito. "Take it or leave it?" "Tak-" "Oh, wait. Gusto kong malaman kung with experience ka?" Sa huli ay sinabi niya ang totoo. "Wala akong experience. Ito ang f-first time ko." Natahimik itong muli sa kabilang pinto. Choosy pa ba ito na birhin siya? Suwerte na nga nito kung tutuusin. "I don't take virgins." Siya ang sunod na nawalan ng imik. Animo napalad ang limang daang libo na offer ng lalaki sa kanya. Akala naman niya ay matutuwa ito sa kaalamang birhin siya, iyon pala ay hindi rin. Napailing siya. May ganoon pa palang lalaki sa panahon ngayon. 'Yung iba hayok sa birhin. "Pero, Sir..." "I'm sorry. Baka hindi mo maibigay ang pleasure na gusto kong mangyari," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Kinapalan na niya ang mukha niya para sa perang kailangan niya. "Bakit hindi niyo ako subukan, Sir? Sisiguraduhin ko na mag-i-enjoy ka at hindi mo pagsisisihan na ako ang pinili mo." Marahan niyang hinila ang sariling buhok. Sa ngayon ay aalisin na muna niya sa sistema niya ang totoong Khlaryzel na hindi kayang sikmurain ang ganoong klaseng trabaho. Kapit sa patalim, oo. Maruming trabaho pero nauunawaan na niya ngayon ang mga babaeng kumakapit sa ganitong uri ng trabaho. Dala ng matinding pangangailangan. "Paano naman ako makakasigurado?" hamon nito. "Hindi mo malalaman kung hindi mo naman susubukan," giit niya. Please, pumayag ka na. Gagawin ko lahat ngayong gabi. Ibibigay ko 'yung gusto mo. Pumayag ka lang. Please. Tumayo siya ng tuwid at sumandal sa pinto. Nawawalan siya ng pag-asa dahil sa choosy niyang customer. "Okay. Deal." Napaharap siya bigla sa pinto. "W-Wala ng bawian," naibulalas niya. Nabuhayan siya ng loob. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang amang ooperahan. Mababayaran na nila lahat ng ginastos at gagastusin pa sa ospital. Inayos na niya ang kanyang sarili. Nakasuot siya ng hapit na red dress na umabot lang ang haba sa kalahati ng hita niya. Ang maamo at inosente niyang mukha ay pinatapang ng make-up. "Buksan mo na ang pinto, Lezy." Isang hinga pa ng malalim bago niya tuluyang buksan ang pinto. Unang tumambad sa kanya ay ang lower part ng nakatayong bulto sa labas ng pinto. Unti-unting tumaas ang tingin niya mula sa tiyan nito, dibdib, leeg. Hanggang sa tuluyang tumambad sa kanya ang mukhang nagpatigil sa mundo niya ng mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD