DREY’S FATHER Napatutop si Patricia sa bibig at hindi napigilang mapatulo ang luha. Hindi nya alam kung papano ipaliwanag ang lahat kay Damianne. Takot na takot si Patricia na baka kagaya ni Damon ay hindi na naman sya matatanggap ni Damianne. Pero hindi nya pwedeng itago ang tungkol sa sekreto nya. Kailangang malaman ni Damianne ang lahat tungkol sa nakaraan nya. “Hon, I have something to tell you at sana hindi mababago ang pagtingin mo sakin.” Kinakabahan si Patricia ngunit kailangan nang malaman ni Damianne ang totoo habang hindi pa masyadong matagal ang relasyon nila. Kung hindi man sya matatanggap ng binata ay mas mabuting naging honest sya rito. Napansin ni Damianne ang pag-aalangan ni Patricia kaya mabilis na ginagap nya ang mga kamay ng dalaga. Maingat na pinahid ni Damianne an

