Damianne stood frozen in silence after hearing her story. Hindi sya makapaniwalang ang babaeng ito ang labis na naghirap sa isang gabing pagkakamali nilang dalawa. At nagdusa ito sa mga kamay ng kakambal nya nang dahil sa kanya. Maingat na itinaas ni Damianne ang maliit na pisngi ni Patricia at pinahid ang luhang naglandas sa mga mata nito. Hindi napigil ni Damianne na dampian ng banayad na halik ang nakaawang na namumulang labi ng dalaga. Hindi nya inakalang simula pa man noon ay pinaglalaruan na sila ng tadhana. “Hindi ka ba galit, Damianne? Hindi ka ba kagaya ni Damon na hindi ako matanggap–iiwanan mo rin ba ako kagaya ng ginawa ng kakambal mo?” Namamaos na tanong ni Patricia sa binata. Hindi na napigil pa ni Damianne ang pagpatak ng mga luha nya. Mahigpit na niyakap nya si Patric

