Sandaling natigilan ang dalawa nang maghiwalay ang mga labi nila. Kapwa sila naghahabol nang hininga. Pero, hindi pa rin napigilan ni Damianne ang sariling matawa sa mga nangyari sa kanila ng kakambal nya.
"At nagawa mo pa talagang tumawa sa nangyari ha, Damianne!" Inis na saad ni Patricia matapos itabi ni Damianne ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Damianne smirked, "What, that was fun honeyboss!" Bulalas ng binata.
"Eh,sinasaktan ka ni damon, and you! Look at yourself parang hindi ikaw yung damianne na nakilala ko kanina, ayokong nakikita kang ganon Damianne!" ani ng dalaga na hindi napigilang mapaiyak.
Nakakatakot ang Damianne na nakikita nya kanina. Isang Damianne na puno ng galit. Isang Damianne na hindi kilala ng puso ni Patricia.
Damianne froze in silence.
Saka nya nakikita ang nakakaawang reaksyon ni Patricia sa nangyari sa kanila ni Damon kanina. Hindi man lang nya naisip na may trauma pala si Patricia sa karahasang naranasan nito sa mga kamay ng kakambal nya. "Ssh, Im so sorry hon! Im losing my control kanina!" paliwanag ni Damianne na mabilis na kinabig ang dalaga at iknulong sa mga matitipunong braso nya.
"And look at you, you've got bruises!"
Garalgal ang boses na kumawala sa mga labi ni Patricia habang dahan-dahang hinahaplos ang sugat sa gilid ng labi ni Damianne.
Naroon na naman ang mabilis na pagkabog ng puso ni Damianne. Lalo na nong makita ang pagpatak ng luha ni Patricia sa mga mata nito.
Itinaas ni Damianne ang pisngi ng dalaga at mabilis na pinahid ang luhang naglandas sa mga mata ni Pat. Hindi napigilan ni Damianne ang sarili–habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.
"I’m sorry hindi na mauulit yun!" Bulong ng binata habang muling sinunggaban ng halik ang nakaawang na labi ng dalaga. Isang halik na puno ng pagmamahal at pag-iingat. Isang halik na pamilyar sa puso ni Patricia.
Napapapikit na lamang sya nang magsimulang naging mapusok ang paggalaw ng mga labi ni Damianne. At ang mainit na katawan nitong sumasagi sa malambot na katawan ni Patricia. Ang bawat pagsagi ng balat ni Damianne sa katawan nya ay mas lalo pang nagpapa-init sa pakiramdam nya.
Nang bigla na lamang may dumaang malaking truck sa tapat ng kotse nila. Noon tila nahimasmasan si Patricia at naalalang nasa tabi sila ng daan. Mabilis na itinulak nya ang binata.
"Damianne!” Habol nya ang hininga at nag-iinit ang magkabilang pisngi na itinaboy ang mga mata sa katawan ni Damianne papunta sa labas ng kotse.
“Lumayo ka nga, maalinsangan eh. Bakit kasi ang hilig mong maghubad,hay! Wala ka na namang damit!" aniya sa binata na napakagat labing muling sinulyapan ang perpektong matitigas na abs ni Damianne.
Hindi naman napigilan ni Damianne ang mapangiti sa tinuran ng dalaga..
"Okay, just be a good girl and get me a shirt nasa likod ng sasakyan.." natatawang tudyo sa namumulang dalaga.
Samantalang sa malaking bahay ng mga Alquizar—sobrang galit ni Damon sa nasaksihan niya kanina paglabas ng Montenegro Towers. Si Patricia at Damianne ay naghahalikan, kitang kita ng dalawang mga mata niya kung panong tinugon ng dalaga ang mga paghalik ni Damianne.
They have been in a relationship for a long time ngunit kahit kailan Patricia never did become intimate to him na lalong ikinainis ng binatang Alquizar. “Damn you, Damianne!”
For this past five years ay hinahanap niya si Patricia na naron lang naman pala sa ama niya nagtatago. Hindi pa niya halos ma proseso sa utak niyang may anak na ang dalaga kay Damianne at ngayon, dinagdagan pa sa pagkabigla niya na si Damianne ang pinili ng amang di Mateo na maging chairman ng Montenegro Group of Companies.
Nang marating niya ang mini bar ng bahay nila ay agaran niyang binuksan ang isang bote ng whiskey at tinungga ito. Naikuyom ni Damon ang mga kamao.
"May kakambal ako, damn! May kahati ako sa ama ko, sa atensyon at pagmamahal ni dad, sa kayamanan niya at ngayon pati si Patricia! She’s all i have!" Ani nito sa sarili at muling tumungga ng alak.
"Why? Saang lupalop ka ba nanggaling Damianne at inaagaw mo sakin ang lahat na meron ako. Siguro kaya hindi ako ginusto ni Dad dahil mas gusto ka niya–Damianne kaya hindi ko naramdamang minahal ako ni Dad, because of you,d****it Damianne! I will break your neck, asshole! "ani nito na sunod–sunod ang pagmumura at inubos ang laman ng bote.
Muli na naman siyang nagbukas ng alak at tumungga roon. Hindi niya na napigilan ang damdamin at pumatak ang mga luha. “All these years Patricia, hinahanap kita. Pero hindi kita natagpuan…At ngayong narito ka na ay may iba ka ng kasama. How dare you? Hindi mo ako pwedeng iwan, Pat!”
Pagmamahal ng amang si Don Mateo lang naman ang nais niya noon kahit wala na yung kayamanan. But then, ipinagkait yun sa kanya. Lumaki siyang nangangapa ng atensyon ng ama–ISANG bagay na hindi niya pa rin yun nakukuha hanggang sa ngayon. At ngayon, ay pati na rin ang pinakamahalagang bagay sa buhay nya—si Patricia.
"Damon, stop that!" Sigaw ni Madam Olivia na kinuha ang bote ng whiskey na iniinom ni Damon. Kitang-kita ni Olivia ang dakit na rumehistro sa mukha nga anak nyang si Damon.
"Son,stop it! Hanggang pag inom na lang ba ang gagawin mo ha? Inaagaw na ng Damianne na yun ang lahat na meron ka bilang anak ni Mateo" sigaw ni Madam Olivia sa anak.
Napahagulhol naman ng iyak si Damon.
Pasalampak na naupo sa naroong sofa. "Mom, tell me! Totoo bang anak mo si Damianne—na pinapatay mo siya matapos mong isilang. tell me!" Sigaw ni Damon.
"I want the truth mom so fu***ng tell me the truth!" Muling untag niya sa ina na natigilan sa mga sunod sunod niyang tanong. Madam Olivia never thought that this time will come–na isusumbat sa kanya ang maling ginawa niya 25 years ago.
"Damon!" Nanghihinang napaupo si Olivia sa upuan na katapat ng anak at kumuha don ng lakas upang sagutin ang nangangaliting si Damon.
"Tell me mom!"
Napalunok si Olivia at nangangatog. Anong sasabihin nya sa anak? "Hindi pwedeng magalit si Damon sakin. Hindi niya ako pwedeng iwan. No, no Olivia mag isip ka! THINK-THINK!" aniya sa sarili habang nag iisip ng isasagot.
"Anak, tingin mo ba sakin criminal ha? Inalagaan kita, minahal at ngayon maniniwala ka sa pekeng tao na yon–claiming to be your brother. Ako yung ina mo. Ako yung nagsilang sayo and now you're acting like that towards me dahil lang sa isang kasinungalingan!" Napahagulgol na iyak ni Oivia.
"Damon anak! What do you think of me ha–Ang sakit anak! Ang sakit-sakit na ako itong ina mo pero hindi ka naniniwala sakin" aniyang nilakasan pa ang pag iyak.
"Mom, im so sorry! Nalilito lang talaga ako! I'm sorry mom!"ani ng binatang si Damon na yumakap sa ina.
Lihim na napangiti si Olivia, she made it! She made him believe her lies once again. Kailangan niyang linisin ang mga natitirang ebedinsiya sa ginawa niya upang walang mahalungkat ang lahat.
Pero, alam ni Damon sa sarili niya that his mom lied to him. Malaking parte ng pagkatao niya ang nabuo noong nakilala niya si damianne montenegro,may mga kasagutan na rin ang mga tanong na matagal niyang hinahanap.
The longings na hindi napunan ay nakompleto nung nakita niya ito, yung pakiramdam na minsan ang saya niya,minsan sobrang lungkot niya at higit sa lahat may mga oras na hindi siya makahinga ng maayos.
Ngayon ay naging malinaw na sa kanya ang lahat. Ang lahat-lahat ng nakakatuwang bagay na bigla na lamang nyang nararamdaman noon.
It’s because of there strong connection as twins. He and Damianne are real twins. Pero kailangan niyang malaman ang lahat ng katotohanang itinatago ng kanyang ina.