Maingat na inilapag ni Damianne si Patricia ng nakarating sila sa parking area ng Montenegro towers.
"Damianne, basa ka!"
Kumuha ng panyo si Patricia upang punasan ang nangangamoy alak na binata dahil sa ginawa ni Madam Olivia.
“Okay ka lang, ito isuot mo to!" saad ni Patricia na hinubad ang suot na coat ni Damianne nang bigla na lamang syang niyakap ng binata ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.
"Pat,that was great right? Ang tagal na panahon na hinintay ko para sabihin sa kanya ang mga salitang yun, kung bakit niya nagawa sakin yon?"malungkot na saad ng binata. Ramdam ni Patricia ang mainit na luha nito sa balikat niya..
"Damianne!" aniyang bahagyang lumayo sa binata. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito. Hindi nya maipapaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya habang magkahinang ang kanilang mga mata. Gusto nya itong yakapin ng mahigpit at halikan. Pero, may bahagi sa kanyang utak ang pumipigil sa kanya na gawin ang sinisigaw ng puso nya.
“It’s okay, nasabi mo na yun sa kanya. Nailabas mo na ang mga salitang dapat ay matagal mo ng sinabi sa kanya.”
"Ang tagal na panahon Pat, kaya siguro ginawa ‘to ni Dad–ang pauwiin ako rito at ibigay sakin ang pamamahala sa kompanya niya."
"No hon, you deserve everything you have right now. Pinaghirapan mo ang posisyon mo. I’m proud of you honey Damianne!" aniyang niyakap ang binatang Montenegro.
Isinubsob ni Patricia ang mukha sa malapad na dibdib ni Damianne. Napakasarap gawing sandalan ang malapad na dibdib na ito. Na para bang sinadyang gawin ng Diyos para sa kanya.
Natigilan si Damianne sa ginawa ng dalaga. Bahagya niyang itinaas ang mukha nito na nakasubsob sa malapad niyang dibdib.
"What was that–you're calling me just now?” Seryosong tinitigan nya ang dalagang nakatingala sa kanya. Muling nagtagpo ang kanilang mga mata.
Nakangiting mabilis na iniwas naman ni Patricia ang paningin sa seryosong mga mata ni Damianne na nanunudyo na naman. “I didn’t recall I said anything Mr. Montenegro!"
“Denying huh?”
“Well, maybe this will remind you honet!" Ani ng binata na biglang siniil ng isang mapusok na halik ang mga nakaawang na mapupulang labi ni Patricia.
Nabigla si Patricia sa ginawa ng binata ngunit hindi na niya nagawa pang piglin ang bugso ng puso niya upang tugunin ang nag aalab ng halik ni Damianne na lumiliyo ng damdamin niya ng sobra.
Tinugon nya ng buong puso ang mga halik ni Damianne at napakaapit na lamang sa batok ng binata upang kumuha ng suporta doon sa tuhod nyang nanghihina sa mga halik nito sa kanya.
"Hon!" anas ni Pat sa pagitan ng paghinga ng isinandal siya ni Damianne sa kotse niya at muling siniil ng mapusok na halik ang dalaga. Nasa labas lamang sila ng Montenegro Towers at baka may ibang makakakita sa kanilang dalawa.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Pat habang tumutugon sa bawat halik ng binata. Napaliyad siya ng magsimulang bumaba ang mga halik nito sa leeg niya na nagdudulot sa kanya ng ibayong sensasyon.
“Damianne–” Napasinghap sya sa ginawa nito sa kanya.
Natigilan na lamang sila nang biglang may bakal na kamay ang humila kay Damianne palayo sa dalaga at pagharap nito ay isang kamao ang tumama sa panga nito.
“Damianne!” Napasigaw si Patricia sa takot. Hawak ni Damianne ang masakit na panga dahil sa malakas na pagkasuntok ng kambal niyang si Damon.
"That was for kissing my property, you bastard!" Muling inundayan ng suntok ni Damon ang kapatid na hindi pa nakabawi—dahilan ng pagbagsak ng binatang si Damianne sa sementadong sahig.
“Damon,stop it!"
Hinarang ni Patricia si Damon nang muli na naman nitong susugurin si Damianne.
Ngunit tumayo si Damianne at hinila si Patricia palayo sa kakambal na si Damon.
"Hon, you stay away from that monster!" Sigaw ni Damianne sa dalaga.
Hindi napigilan ni Patricia na mapaluha habang nakatitig kay Damianne. May sugat ang gilid ng mga labi nito.
Pero, galit na galit si Damon na sinugod na naman sila.
"What did you say? I’m a monster huh! Well I’ll give you a monster–brother!"
Bumalatay ang mabangis na ngisi ni Damon sa mukha. Akmang susugurin ulit ng suntok si Damianne nang saluin ng binata ang kamao ng kakambal at itinulak ito palayo. Napaatras si Damon sa ginawa ni Damianne. “Honey, stay back!” Babala ni Damianne kay Patricia.
“Not so fast brother!" Tugon ni Damianne sa nabiglang si Damon at inihanda ang sarili sa pag atake ng kakambal.
"You want a fight then I'll give you a fight that is fair and square!" Anitong muling hinubad ang suot na coat at tumambad ang mala Diyos na katawan ni Damianne.
“Damn this man, naghahanap ba sya ng sakit ng katawan?” Alalang wika ni Patricia ngunit wala naman syang magagawa dahil sa hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ang katawan nya sa takot kay Damon.
Napangisi pa si Damianne nang mabatid niya ang sobrang pagkainis ni Damon sa ginawa niya. Hindi siguro nito inaasahang lalabanan nya ito–kamao sa kamao!
"Common brother, I'm open for your attack!" Natatawang paghahamon niya kay Damon.
Lalong nalukot ang noo ni Damon sa ginawang paghahamon ni Damianne sa kanya. Kinatatakutan sya ng mga taga Sta. Fe at walang sinuman sa buong Sta. Fe ang naghahamon ng laban sa nag-iisang anak ni Don Mateo Montenegro.
“How dare this bastard fight me! Makikita mo ang gagawin ko sayo, Damianne! Sisirain ko yang mukha mo!”
Sumugod ang binatang si Damon at sunod sunod na suntok ang pinawalan nito na iniilagan lang ng natatawang si Damianne. “Nag-mastery ba sya ng pag-ilag sa bawat atake ko?”
“Masaya pala ‘to bro. Sayang bakit ngayon lang natin ‘to na experience? Kundi tayo pinaghiwalay ni Olivia dapat dati pa nong mga bata pa tayo ay naranasan na natin ang masayang suntukan…” Panunudyo ni Damianne na muling tinamaan ng suntok ni Damon sa katawan.
"Is that all you got huh!" Sigaw ni Damianne sa kakambal na hindi mo mawari kong galit o natutuwa.
“Ang lamya mo naman, Damon! Si Pat lang yata ang kaya mong saktan!”
Kinabahan si Patricia sa nakitang galit sa mga mata ni Damianne na magsimulang sugurin si Damon. Ito ang unang pagkakataong nakita nyang galit na galit ang binata sa di malamang dahilan ni Patricia.
Isang magkasunod na uppercut at flying kick ang pinawalan ni Damianne na agarang ikinabagsak ni Damon dahil sa pagkagulat. Sargo nito ang dugo sa ilong na muling bumangon at sumugod kay Damianne na sinalubong naman ng binata ng isang malakas na punch na tumama sa tiyan nito at nasuka ng dugo.
"Ano na Damon, my dear brother–kaya pa? Kung kaya mo pa, tumayo ka dyan at huwag kang lalampa-lampa! Labanan mo ako. Di ba galit ka sakin?"
Hindi nakahuma si Damon sa nakitang galit sa mga mata ni Damianne. Hindi naman ganun kasakit ang nadarama nya matapos tamaan ng suntok at sipa nang kakambal. Pero sa nakita nyang pinaghalong galit at sakit sa mga mata nito–doon sya tila tinamaan.
Isang di maipaliwanang na koneksyon ang nadama ni Damon habang nakatitig sa mga mata ng kakambal. Isang pamilyar na damdamin ang nadama nya ng mga oras na yon na biglang nabuhay para sa kaharap na kalaban–isang pakiramdam na mahirap ipaliwanag.
“Damon, my son! Oh, what did you do to my son?" Natatarantang napatakbo si Madam Olivia na agad itinayo ang anak na si Damon. Iyon ang tagpong naabutan niya sa labas ng Montenegro Towers. Si Damon na duguan at putok ang labi habang si Damianne na seryoso ang mukha sa harap ng anak.
"Idedemanda kitang hayop ka, this is assault!" Dinuro ni Olivia si Damianne.
“Anak mo rin ako Olivia at nasugatan din ako. Hindi mo man lang ba susuriin ang mukha kong sinugatan ni Damon?” Galit na galit na wika ni Damianne sa ina.
"Iyang demonyo mong anak ang naunang manakit kay Damianne!”
Sigaw ni Patricia sa ginang. Dinaluhan naman ng dalaga si Damianne.
"Kitang–kita ko kung paanong sinaktan ng peke na anak ni Mateo ang anak ko!" Sagot naman ni Olivia na nakasigaw kay Patricia.
“Kitang–kita ko rin na si Damon ang naunang nanakit!” Inis na turan ni Patricia.
Naniningkit ang mga mata ni Olivia matapos syang sagutin ni Patricia. Matapang na ito ngayon gayong dati ay nanginginig ito sa takot sa kanya.
"YOU! Lunatic slut!"
Ani ni Madam Olivia na akmang sasampalin si Patricia nang biglang nagliliwanag ang paligid nila dahil dumating ang maraming reporters na kumukuha ng pictures nila.
"Honey, let's get out of here!"
Hinila na siya ni Damianne papasok ng kotse at pinaharurot ang sasakyan palabas ng Montenegro Towers.
Malayo na ang tinakbo ng kotse nila ng wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Nang makarating sila sa plaza ng Sta. Fe ay inihinto ni Damianne ang kotse sa tabi. Masikip ang dibdib nya kanina pa. Naghahalo ang nadarama nya ngayong nasaktan nya ang kakambal at sa kabilang dako naman ay nasaktan sya sa nakitang si Damon lamang ang inaalala ni Olivia. Wala man lamang itong pakialam sa kanya gaya dati kung papano sya nitong itinapon at pinapatay matapos pinanganak.
Ano naman ang aasahan nya sa isang inang nais syang patayin matagal na?
Gusto nyang umiyak ngunit hindi nya magawa. Naninikip ang dibdib ni Damianne na sunod-sunod na napapabuga ng malalim na hininga. Natigilan na lamang si Damianne nang makita ang di maipaliwanag na ekspresyon sa mukha ng babaeng katabi nya sa front seat. Nakabusangot si Patricia na parang naiiyak..
May bahagi sa puso ni Patricia ang hindi nya maipapaliwanag habang magkahinang ang mga matitiim na mga mata ni Damianne at mga mata nya.
Nainis si Patricia sa binatang katabi nang bigla itong tumawa ng malakas. Ngunit napatigila na lamang ito nang naningkit ang mga mata ni Patricia.
“What? Honey boss, galit ka ba?” Naguguluhang tanong ni Damianne. He was stunned when Patricia grabbed his shoulders then sealed Damianne’s mouth with a deep, torrid and passionate kiss.