NAKAHELERANG mga kasambahay ang siyang bumungad sa kanila pagkapasok pa lang nila sa loob ng malaking bahay ni Andrew. Agad uminit ang pisngi niya nang mapunta sa kaniya ang atensiyon ng mga kasambahay nito. Hindi ito ang mansion na pinagdalhan ni Andrew sa kanya kahapon. Sabay-sabay ang mga itong bumati sa kaniya at kay Andrew. Nahihiyang tumango lang si Ysabella bilang tugon niya sa mga ito. Karga ni Andrew sina Andrei at Andrea habang tulog na tulog pa rin. Siya naman ay karga rin si Luke na natutulog din habang nakayapos ang mga kamay sa kanyang leeg. Biglang nag-iinit ang sulok ng mga mata niya nang maalala na naman niya ang kagagahang ginawa niya kanina. Dinamay niya pa ang mga anak niya at talagang pinagsisihan niya iyon. "Manang, napaayos niyo na ba ang kuwarto ng triplets?"

