DRSW#23 YSABELLA'S hand shook as she dialed Rowella's phone number. Mabuti na lang at may naawa sa kanilang Ale at pinahiram siya ng cellphone nito para matawagan niya si Rowella. Nakadagdag din sa kanyang panginginig ang pang-umagang hangin na dumadampi sa kanyang balat. Mabuti na lang talaga at sinuotan niya ng jacket ang mga anak niya. "Hello? Sino ito?" ani Rowella sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. "R-Rowella," naiiyak na sambit niya sa pangalan ng kaibigan. "Si Ysabella ito---" "Shocks, bruha ka! Nasaan ka ba at ang mga bata?!" Halos hysterical nitong tanong sa kanya kahit hindi pa man siya nakatapos sa pagsasalita. "Nasa---" natigil siya sa pagsasalita at agad nanigas ang katawan niya nang marinig niya sa background nito ang boses ni Andrew. "Wife, where a

