DRSW#22 MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ni Ysabella. Kahit na nagkausap at nagkapatawaran na sila ni Andrew dahil pareho naman silang may mga mali pero ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam niya. Pakiramdam niya may malaki pa ring bato na nakadagan sa dibdib niya. She sighed again. Nasasaktan pa rin siya. Aaminin niyang sa anim na taon na nakalipas ay hindi pa rin nakalimutan ng puso niya si Andrew. Mahal na mahal pa rin niya ito at hindi pa rin siya nakakaahon mula sa nakaraan niya. She's selflessly in love with him, at iyon ang ikinakatakot niya. Paano kung bigyan niya ito ng chance pero kapag magkasama na sila, babalik na naman ito sa dati? Paano kung sasaktan na naman siya nito? Paano ang mga anak niya? Hindi na lang siya ang masasaktan dahil pati ang mga anak niya ay masa

