DRSW#37 "Bulsh*t! Hanapin niyo ang anak ko! Hanapin niyo si Luke?!" Sunud-sunod na bulyaw ni Andrew sa lahat ng mga tauhan ng kaibigan niya. Pati mga pulis ay nasigawan na rin niya sa sobrang galit, pag-aalala at takot na nararamdaman niya para sa anak. Nakabalik na sila sa mansion para hintayin ang tawag ng matandang iyon sa kanya. "Apo, please kumalma ka," umiiyak na wika ng kaniyang Lola Esmeralda. Gusto niya itong lapitan at aluin pero wala siyang lakas na gawin iyon. Dahil hirap din niyang pakalmahin ang sarili. Nasa harap ng laptop nito si Andrei kasama ang mga kasamahan nito para mag-set-up, kung sakaling tatawag nga ang matanda ay agad nilang ma-track kung saan dinala si Luke ng hayop ng matandang Acosta na iyon. Nang dumating sila ni Lolo Alfredo sa kahabaan ng SLEX kanina

