3

2321 Words
“Vince!” Nagulat siya nang mapagbuksan ang nobyo sa labas ng pinto ng kanyang apartment. Kahapon lang ay sinabi nitong nasa Tuguegarao pa ito pero umagang-umaga ay nasa harapan niya na. “Pasok ka.” “Huwag na. Madali lang naman ito,” kaagad na salag ng kasintahan sa kanya. Dati na itong seryoso pero mas nakakapanibago ang seriousness nito ngayon. “I want out.” Kumunot ang noo niya. Out from where? From what? “May mahal na akong iba, Aiah.” Parang bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig. Pangungusap na yumanig hindi lang ng puso kundi ng buong pagkatao niya. It was such a painful blow. Sinuntok ng libu-libong beses ang puso niya. Ang taong mahal niya, may mahal palang iba. Sa mga sinabi nito ay nabigyan ng konkretong mukha ang mga pagdududa. Ang sakit. Hindi masukat. “Sino?” sa malat na boses ay nagawa pa niyang itanong habang pinipigilan sa pag-agos ang kanyang mga luha. “Sino?” ulit niya sa tanong. “You don’t have to know. Masasaktan ka lang.” “Gano'n lang ba kadaling bitiwan ang pinagsamahan natin, Vince?” “I’m sorry pero hindi kita mahal.” Hindi kita mahal. Sana man lang sinabi nitong 'hindi na kita mahal.' It would have made a difference. Magkaiba iyon. Mas malakas na sampal ang una. Para na rin kasing sinabi nitong kailanman ay hindi siya nito minahal. “Pero mahal kita. Mahal na mahal.” Nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha niya. “Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin, Aiah. I’m sorry.” Saka ito tumalikod. Na tila ayaw nang masilayan pa ang kanyang mukha. No! Sigaw ng utak niya. Hilam sa luhang hinabol niya ito at niyakap. Kesehodang may mga taong makakakita sa kanya. Wala siyang pakialam. She has to hold on to that dream of having a complete family na binuo niya kasama ang lalaking ito. “Please, let go of me, Aiah.” “Please, Vince, I promise gagawin ko lahat ng gusto mo. Pagbibigyan kita ano man ang hilingin mo.” Oh, how she remembered her mother begging for her father to stay. Para niyang nakikita ang sarili sa ina noon. Sa bawat pagkakataong iniiwan ito ng mga sumunod pa sa tatay niya ay ganitong-ganito rin ang eksenang nakikita niya habang nakasiksik siya sa isang sulok. Kaya nga, ang tagal bago niya sagutin si Vince. Bumabalik at bumabalik lang kasi sa utak niya ang takot at pangamba na baka matulad siya sa ina. Iiwanan din. Naramdaman na lang niya ang pagpiksi nito sa mga kamay niyang nakapulupot rito. “Goodbye, Aiah.” Mabilis itong lumulan sa kotse nito habang siya ay napaluhod sa kalsada at umiiyak. She was such a spectacle. Ang babaeng sa tuwina ay tahimik o di kaya’y ngingiti-ngiti lang ay makikita ng marami sa ganitong ayos. She felt so lost, defeated and betrayed. Mabilis niyang pinahid ang mga luha. Pumanhik ng bahay at kinuha ang purse niya at naghanap ng pinakaunang masasakyan. Sabrina. Kailangan niyang makausap ang kaibigan. Gusto niyang magsumbong rito. Kung hindi ay sasabog ang dibdib niya sa matinding sama ng loob. Tanaw na niya ang kinaroroonan ng boutique ni Sabrina. “Para ho, mama.” Sana nandiyan na si Sab. To her surprise, nasa tapat ng boutique ang kotse ni Vince. 'Ano'ng ginagawa ni Vince dito?' Magsusumbong ba ito kay Sab? Bakit? “Miss, bababa ka ba?” Nang makapagbayad ay kaagad niyang tinalunton ang main entrance ng shop ni Sabrina. Pamilyar na tunog ng wind chime ang unang-unang sumalubong sa kanya. Kasunod ang bango ng air freshener sa loob. All of a sudden, this place has become so unfamiliar. Hindi niya maintindihan. 'Bakit naririto si Vince?' Bakit? Bigla ang pag-flash sa kanyang utak ng mga pitak-pitak na mga eksena. Ang kakaibang titigan nina Sab at Vince na hindi niya binibigyang pansin. Ang biglang pagbait ni Sab kay Vince. “I’m in love with somebody else.” 'God, please, mali naman sana ang mga hinala ko. Not Sabrina, please.' Mas doble ang sakit kung si Sabrina ang babaeng sinasabing mahal ni Vince. Para na niya itong kapatid at mahal na mahal na mahal niya ito. “Aiah, may ka-meeting pa si Ma’am. Gwapong lalaki. 'Yong laging pumupunta rito.” Laging pumupunta rito. Pinilit niyang pintahan ng ngiti ang mukha. “Kasama nga ako sa meeting na 'yon, Sally,” nagawa pa niyang sabihin. Once and for all, kailangan niyang malaman ang totoo. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang seradura ng pintuan ng private office ni Sab sa pinakalikod na bahagi ng boutique. Bahagya pa lang niya iyong naibukas nang maulinigan niya ang pamilyar na boses ni Vince. “I finally told her, Sab.” Sa iilang beses na nagkakaharap sina Vince at Sabrina ay Miss Alcala ang madalas nitong itawag sa babae. Kailan nagsimula ang affair ng dalawa? If there was really an affair. “How did she react?” Boses ni Sabrina. May mababanaag na concern sa boses. Para sa kanya ba yon? “She’s hurt. Pero kailangan niyang malaman ang totoo.” Ano ba kasi ang totoo? Nagsusumigaw na ang hinala pero nais niya ng konkretong kasagutan dahil sa kaibuturan ng kanyang puso ay umaasa siyang hindi siya magagawang saktan ng mga taong pinakamamahal niya. “Kailangan niyang malaman na ikaw ang mahal ko.” Daggers pierced through her chest. Sobrang sakit ng sinasampal na katotohanan sa kanya. She has been played all along. Ang tanga-tanga lang niya na hindi ininda ang mga signs ng kawalan ng gana ni Vince sa relasyon nila at mas concern pa ito sa sapilitang pagpapakasal ng magulang ni Sabrina kay Jacob. “I have done my part, Sab. I hope you can do yours at sabihin sa mga magulang mo ang tungkol sa relasyon natin. God knows kung gaano ako nagseselos at nasasaktan everytime na maiisip kong ikakasal ka sa iba. I love you, Sab.” Masaganang namalisbis ang mga luha niya. I love you. Sa iilang beses na mabibilang sa daliri na binaggit iyon ni Vince sa kanya, labas sa ilong lang pala lahat ng iyon. Hindi na niya nakayanan ang tagpo nang makita niya ang pagyayakapan ng dalawang taksil sa loob ng opisina. Siyang pagpihit niya nang bumangga ang katawan niya sa matigas na katawan. “J-jacob?” May hawak na bungkos ng calla si Jacob habang ang isang braso ay nakaalalay sa braso niya. Seeing him makes her feel so weak. Gusto niyang magsumbong rito. Parang sumambulat ang lahat ng hinanakit niya, mas lalo siyang nanghihina na nais niya lang sumandal sa mga balikat nito. Before she knew it ay sumugod na siya ng yakap sa binata. The moment na lumapat ang mainit na palad nito sa likod niya ay mas nanghihina siya. Jacob’s warmth soothes her wounded soul lalo na nang marahan nitong hinagod ang likod niya. Hindi niya akalain na sa taong ito pa siya aamot ng lakas. Marahan siya nitong inilayo sa katawan nito at hinawakan sa magkabilang balikat at tinitigan ng tuwid sa mga mata. “You have to think straight.” Alam ba nito ang nangyayari sa loob? “Can you do that?” Luhaang marahan siyang tumango, saka nito malakas na tinadyakan ang pintuan. Bumadya ang gulat sa mukha nina Vince at Sab nang makita si Jacob. Parehong tinakasan ng kulay ang mga mukha nina Vince at Sabrina. None of them was able to speak. Si Sabrina ay napasiksik sa likuran ni Vince at bago pa man nakahuma si Vince ay inundayan na ito ng suntok ni Jacob sa mukha. Malakas si Vince pero di hamak na mas matipuno si Jacob at dala na rin ng labis na pagkabigla ay hindi ito nakahuma. Jacob was like an untamed beast na nakahandang manlapa. Kung saan-saan tumatama ang kamao nito sa katawan ni Vince. He must have loved Sabrina so much para mawalan na lang ito ng control. Duguan ang mukha ni Vince. “Jacob, please, stop!” Panay ang ginawang pakiusap ni Sabrina kay Jacob pero tila bingi na ang huli. Hindi lang ito galit, nasasaktan din itong kagaya niya. Nakikita niya sa mga mata nito. in that instant, mas kay Jacob napupunta ang awa niya kesa kay Vince o sa sarili. Mabuti na lang at dumating ang gwardiya at naawat si Jacob. “Hayop kayong dalawa! Mga ahas kayo!” Mabalasik ang anyo ni Jacob na nakahanda pa ring manugod. Doon na siya parang natauhan. Nilapitan niya si Jacob at ginagap ang palad nito. “Tama na,” mahinang boses na pigil niya rito habang tinitingala ito sa mga mata. Tila naman may epekto sa binata ang ginawa niya. Dahan-dahang lumambot ang ekspresyon nito at pagkatapos ay hinila siya palayo sa lugar na iyon. Mabibilis ang mga hakbang ni Jacob. Sa katunayan, para na siyang tumatakbo habang inaagapayan ito. Sumakay sila sa kotse nito at sa walang patumanggang direksyon ay nagmaneho ito. They drove in silence, but it was obvious that pain and anger are emanating from him. Ang abuhing mga mata nito ay nababahiran ng pait. Ng matinding galit. They were both betrayed. He must have loved Sabrina this much. “Why, Aiah? Why?” Pareho sila ng katanungan sa mga sarili nila. Pareho din silang walang kasagutan. Ang alam niya lang ay kapwa sila nasasaktan at ipinagpapasalamat niya na may kahati siya sa dalamhati, may karamay siyang lumuluha at nalulunod sa pighati. ******* Aiah suddenly lost the will to live. Isang linggo na rin simula nang mangyari 'yon at mas pinipili niyang takasan ang lahat. She chose to shut herself from all the pains, from the world. Ang ginagawa niya na lang ay mahiga sa kama. Ang nakasanayan niyang routines ay naputol. Isang linggo na rin siyang naka-leave sa trabaho. Ayaw niyang ulanin siya ng mga tanong ng mga tao oras na nakita ng mga ito ang pamumugto ng kanyang mga mata. Iniiwasan rin niyang makakita ng mga tao lalo na ng mga kapitbahay na sigurado siyang pinagtsitsismisan imbes na unawain siya. Life is so unfair. Sana, manhid na lang siya para di siya makaramdam ng sakit. Pain is so unbearable that she is drowning in loneliness. While vince and Sabrina are celebrating love, she suffers in silence. Sunud-sunod na katok sa pintuan ang umagaw sa naglalakbay niyang diwa. Sino naman ba ang poncio pilatong nangahas na gambalain ang pananahimik niya? Wala siyang balak na pagbuksan ang intruder na iyon. Muli niyang ipinikit ang mga mata hoping na aalis din ang taong iyon oras na mapagod sa kakakatok. Ngunit nagkamali siya nang bigla na lang sumalya pabukas ang pintuan. Lumikha iyon ng malakas na kalabog sa gitna ng katahimikan ng gabi. Nasilaw pa siya nang bahagyang lumusot ang liwanag na nagmumula sa poste sa di kalayuan. Isang bulto ng matangkad at matipunong katawang lalaki ngayon ang nakatayo sa pintuan. Nahintakutan siya pero masyado siyang nanghihina para tumayo at sinuhin ang estranghero. “Aiah.” Pamilyar na boses na parang nakapagkit na sa kanyang sistema, boses na tila nagbibigay sa kanya ng assurance. Ilang saglit lang ay bumadya ang liwanag sa buong kabahayan. Naitakip niya ang dalawang palad sa kanyang mga mata dahil nasisilaw siya. “My God, Aiah, you’re a mess!” Bago pa man siya makasagot ay umangat na ang katawan niya mula sa kinahihigaang sofa. Napatili siya ng malakas nang maramdaman ang malamig na tubig mula sa gripo na lumapat sa kanyang balat. Para iyong nagbabagang yelo. Ilang araw na rin na 'di niya pinagkaabalahang maligo. Kasabay ng pagdaloy ng malamig na tubig ay ang pagsigid din ng katotohanan. Nasa ilalim siya ng shower at bumabakat ang kanyang katawan sa nabasang damit lalo na ang dibdib niya na walang anumang nakatabing na panloob. At isang lalaki ang kasama niya sa ilang kwadradong banyo. Sa kabila ng groggy na pakiramdam ay ang pamumula at pag-iinit ng buong sulok ng kanyang mukha. Mulagat ang mga mata at awang ang bibig na napatingala siya kay Jacob. There was something in his deep dark eyes habang nakatitig sa kanya particular sa gawing dibdib. Ewan niya ngunit tila nanuyo ang kanyang lalamunan. “J-jacob?” Saka pa lang parang natauhan si Jacob. Tumiim ang mga bagang nito at inalis ang titig sa katawan niya. “I hope, sapat na ang malamig na tubig para matauhan ka.” Saka siya nito maingat na itinayo, iniiwasang mabuway at pumihit. “I’ll wait for you outside.” Naiwan siyang nakatulala. What has just happened? In between griefs, bakit may mga kakatwang damdaming nabubuhay sa kanyang kaibuturan nang dahil lang sa simpleng pagkakalapit nila ni Jacob? Napayakap siya sa sarili hindi dahil sa lamig kundi sa kakaibang kilabot na lumukob sa kanyang katawan. ********* Naratnan niya si Jacob sa kusina na abala sa paghahanda ng kung anumang pagkain sa mesa. Habang tinititigan si Jacob ay di niya maiwasang makaramdam ng paghanga sa binata. May kabutihang loob din pala ito na dati-rati’y hindi niya nakikita. Sa kabila ng mga responsibilidad nito, tinapunan pa rin siya ng pansin. Until, Jacob looked right at her direction. “Come on, I prepared something.” Inakay siya ni Jacob patungo sa iniusog nitong bangko. She feels so valued and special. That, her heart beats so fast na hindi niya makontrol. Ah, nagdadalamhati lang siya kaya pakiwari niya ay special siya kay Jacob. But even his coffee tasted so differently. “Aiah?” “H-ha?” “Look at me.” Umayos siya ng upo at tuwid na tinitigan ang abuhin nitong mga mata. Such a pair of nice looking orbs. “You don’t have to drown in pain and misery. We cannot just let heartbreak get the best of us.” Napatingin siya sa kawalan. Ang daling sabihin para dito. Ang hirap gawin para sa kanya. Then, Jacob looked in her eyes naa spoke the words he never thought of hearing from him. “Let’s spite the both of them.” “Paano?” naguguluhan niyang tanong. “Marry me, instead.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD