2

2637 Words
Engrande ang naging paghahanda sa kasalang Jacob at Sabrina. Isa ito sa sinasabing wedding of the year. Lahat ng detalye, malaki man o maliit ay binubusising husto at dahil parehong solong anak pareho nina Sabrina at Jacob, hands-on sa wedding preparation ang mga magulang. Ang bulaklak na gagamitin ay magmumula pa Belgium at Switzerland. Ang multi-layered wedding cake ay isang kilalang French patissiere ang gagawa na sina Jocelle at Irene mismo ang namili ng flavor. Ang wedding ring naman ng dalawa ay pinasadya pa isang kilalang jeweler sa ibang bansa at ang wedding gown ni Sabrina, si Monique Lhuillier lang naman ang nagdisenyo. All the best for the sole princess of the Alcala’s. Sa kabila ng engrandeng preparasyon at karangyaan, tila lumilipad naman sa alapaap ang utak ni Sabrina. Ngumingiti man ito at napipilitang makisabay sa agos ng mga pangyayari pero ngiting hindi naman umaabot sa mga mata. 'Yon ang nakikita niya sa mga larawan nito sa isang bridal magazine kung saan isa ito sa featured stories. “Ang lungkot niya.” Nahinto sa pagsubo si Vince sa kinakain nito. Nasa isang restaurant sila. Sinadya pa talaga siya ng nobyo sa ospital dahil may mahalagang sasabihin daw ito. Nasorpresa pa siya nang bigla itong tumawag sa kanya kaya hindi siya magkandatuto sa pagpahid ng pulang lipstick at make-up kahit madalang lang naman talaga siyang mag-apply ng kolorete sa mukha. Fan siya ng Johnson’s baby powder at mapusyaw na liptint. “Ano 'yan?” tanong ni Vince. Sa dami ng kinikwento niya ang larawan ni Sabrina lang pala ang lubusang aagaw sa atensyon nito. Kanina pa siya kwento nang kwento ng kung anu-ano pero halata namang lumilipad ang utak ng kasintahan. “Naaawa ako kay Sab. Hindi niya man lang magawang salungatin ang mga magulang niya.” Para na niyang kapatid si Sabrina. Magkasama silang lumaki sa mansion. Ito bilang amo, at siya naman bilang anak ng katulong na malayong pinsan ni Jocelle. Kung anong meron si Sab ay binabahagian siya nito. “Hindi man lang siya makapamili ng taong gusto niyang mapangasawa. Sabi niya may mahal daw siyang iba. Sino kaya 'yon?” Kahit papano ay nagiging magkaibigan na rin naman sina Vince at Sabrina. Baka-sakaling may alam ito. Panandaliang nahinto ito sa pagsubo at tinitigan siya ng tuwid sa mga mata. Pagkatapos ay ginagap ang palad niya na nakapatong sa mesa. “Kung ikaw ang nasa katayuan ni Sab, would you do the same? Susunod ka rin ba sa mga magulang mo?” Bakit ba tila napakaimportante ng mga sasabihin niya sa nobyo? “Ewan ko. Basta ang alam ko masaya ako na iba ang katayuan ko sa buhay. Malaya akong nakakapamili. Malaya akong nagmamahal.” Mahigpit niyang ginagap ang palad nitong nakahawak sa kanya at tinitiigan ito ng tuwid sa mga mata. “Tayo kaya, kailan kaya tayo?” Nilakasan na niya ang loob. Bahagya siyang nadisappoint nang imbes na sagutin ang tanong niya ay binitawan nito ang kanyang palad at tumungo. “Pero nag-ienjoy naman ako sa kung anong meron tayo, ha. No pressure.” Lie. Gusto na talaga niyang mag-asawa. Ang magkaroon ng sariling pamilya. Marriage is a fulfillment as a woman. She is not getting any younger at may mga bagay na lubusan lang niyang nagagawa kapag kasal na siya. Saka ito may kinakalikot sa cellphone. “Aiah.” Bakit ba bigla na lang siyang kinakabahan sa paraan ng pagbanggit nito sa pangalan niya at sa pagtitig nito sa kanya? May nababasa siyang kislap ng lungkot sa mga mata nito pero ayaw niyang bigyang pansin. Nakakaramdam kasi siyang bigla ng takot. “If-“ Tunog ng telepono ang umagaw sa kanyang atensyon. “Sandali!” Tumayo siya at kinausap ang head niya at may irinanong ito tungkol sa menu na ginawa nila. Tumagal lang naman ng dalawang minute ang usapan at laking gulat niya nang nasa tapat na ng mesa nila si Sab kasama ang dalawang bodyguards nito. “Sab!” tili niya kasabay ng mahigpit na yakap sa kaibigan. “I was just around the vicinity at nakita ko si Vince mula sa labas.” Bahagya nitong tinapunan ng pansin si Vince na kay Sab din nakatitig. “May date pala kayo. Baka nakakaabala ako.” “Hoy, ano ka ba. Maupo ka nga dito.” Napilitang maupo si Sab habang ang dalawang bodyguards nito ay nakaantabay sa isang sulok. Nakakaasiwa tuloy. “May masinsinan kayong pinag-uusapan, Vince?” “Alam mo naman kami ni Vince kung anu-ano lang naman ang pinag-uusapan namin.” Si Vince ang tinanong pero siya ang sumagot habang ginagap ang palad ng nobyo. Hindi siya maaaring magkamali. May nagdaang pait sa mga mata ni Sabrina habang nakatitig sa magkahawak na mga kamay nila ni Vince. Naiinggit marahil sa pagmamahalan nila ng nobyo. “I think I must go.” 'Di na niya nagawa pang pigilan si Sab at kumaripas na ito ng alis habang tila naiiyak. Si Vince naman ay may kinuha sa pitaka. Bills. “I really need to go, Aiah. Ikaw na ang magbayad. May nakalimutan pala akong gawin sa opisina.” Hindi pa man siya nakasagot ay tumayo na ito at buong pagmamadaling lumabas ng restaurant. Nasundan na lang niya ito ng tingin. ********** Araw ng Sabado. Imbes na atupagin ang mga labahin ay chaperone muna siya ni Jocelle. Isinama siya ni Jocelle sa pagpunta sa mga dapat nitong puntahan na may kinalaman sa kasal ni Sab. “Sab won’t come with me kaya I am tagging you along.” Una nilang pinuntahan ang San Agustin Church sa Makati. Jocelle was a sucker for details. Kahit may wedding planner at organizer na ay kailangan pa rin nitong personal na mainspeksyon ang lugar. May kaliitan lang ang simbahan. Siguradong magiging intimate ang ceremony. “As much as I would like to have a destination wedding, ayaw ni Sab.” Ayaw naman talaga ni Sab sa kasalang ito. “Only a few people are invited in the ceremony. Ang iba sa reception na lang sila pupunta.” Napangiti siya habang nakatitig sa excited na si Jocelle. Ang sarap magkaroon ng inang kagaya nito. Pinaghahandaang mabuti ang kasal ng nag-iisang anak. Maiksi ang naging buhay ng ina niya. Kung nagkataon kaya ay magiging ganito din kaabala ang nanay niya oras na ikasal siya? “Tayo kaya, kailan tayo?” 'Di lang alam ni Vince kung gaano siya napahiya kahapon. Parang ibinababa na niya ang p********e niya ng oras na iyon. Hintayin mong kusang mag-alok ang lalaki, paalala ng nanay niya noon sa kanya. Hanggang kailan naman kaya siya maghihintay? “Jocelle!” Kapwa sila napalingon ni Tita Jocelle sa pinagmulan ng boses. Si Mrs. Irene Samaniego ang papalapit ngayon sa kanila. Nasa dining sila ng Marco Polo Hotel, ang sunod nilang pinuntahan. “I’m sorry, late na naman ako.” Ito pala ang ka-meeting ni Tita Jocelle ngayon? “It’s alright. Aiah, here, is keeping me company.” Bumaling si Irene sa kanya at bahagya siyang tinanguan. Kahit ilang beses nang nagkukrus ang mga landas nila ng aristokratang babae pero hanggang tango lang ang tanging ipinagkakaloob nito sa kanya. May pagka-matapobre din itong ina ni Jacob. Palibhasa kasi elite. Si Tita Jocelle lang naman ang kilala niyang mayaman na ubod ng bait at pagpapakumbaba. “I’m glad you could make it, Irene. Dalawa na tayong magdi-decide.” “I wouldn’t miss it for the world. Tig-iisa lang ang anak natin. By the way, Jacob is here, pina-park lang ang kotse niya.” Saka ito may kinawayan sa gawi ng main entrance ng dining ng hotel. Speak of the devil. A rather handsome and ravishing devil. Nakasuot ito ng ash blue polo na tinupi hanggang siko ang manggas at tinernuhan ng itim na fitted slacks at sa tingin niya ay mamahaling black loafers. Iba talaga ang confidence ng isang Jacob Samaniego at nagagawa nitong hatakin ang atensyon ng mga kababaihang naroroon. Pati nga siya, namagneto sa lalaki. 'Di niya ito maiwasang maihambing kay Travis Fimmel noong bata-bata pa at hindi ganoon ka-balbas sarado ang Vikings star. “I thought you’d never come.” Kasalukuyan nang inilalagay ni Jocelle ang table napkin sa kandungan nito. Ginaya na rin niya ito. Isa talaga ito sa ayaw niya kapag kumakain sa fine dining restaurant. Masyadong aral ang mga kilos. May alam naman siya sa table manners dahil sa mansion siya lumaki pero mas nanaisin pa rin niyang sa isang turu-turo o 'di kaya ay sa fastfood chain kumain. “Hinahatid ko lang si Mommy, Tita, but I have to go.” Humalik ito sa ina at bahagya lang siya nitong tinanguan bilang pagpapaalam. “Join us, hijo, naririto ka na rin lang.” “But, Ma-“ “You own the company. May mga tao kang pwedeng manduhan para magsagawa ng mga gawain doon. Stay for a while and keep us, two oldies, some company. Kapag kasal na kayo ni Sabrina ay sa kanya na mapo-focus ang atensyon mo kaya pagbigyan mo na kami. ” Irene even tapped his hand. “Okay.” Itinaas pa ni Jacob ang dalawang palad tanda ng pagsuko at napapailing na naupo sa bakanteng upuan sa mismong tabi niya. Napapagitnaan siya nito at ni Tita Jocelle sa pabilog na mesa habang mismong katapat niya ang ina nito. Nakakailang naman. Dapat si Sabrina ang nakaupo sa inuupuan niya ngayon. She somehow felt like an outcast. 'Di naman kasi niya alam na ito ang mga ka-meet up ni Jocelle. “If only I didn’t love you, Mom.” Genuine ang ipinapakita nitong sweetness sa ina. May maganda din naman palang nakatago sa kalooban nito. Nang 'di inaasahan ang biglaang paglingon ni Jacob sa gawi niya. Huling-huli nito ang ginagawa niyang pagtitig sa mukha nito. Napintahan ng pagkunot ng noo nito. Para siyang napapasong kaagad na nagbawi ng tingin. Baka isipin nito kagaya rin siya ng ibang mga kababaihan na nahuhumaling rito. ******** Sa wakas, natapos din ang lunch. May pupuntahan pa sina Jocelle at Irene kaya pumuslit na rin siya at nag-abang ng masasakyan pauwi sa apartment niya. Nang bigla ang paghinto ng itim na sportscar sa tapat niya. “Hop in,” si Jacob na binuksan ang passenger’s side mula sa loob. Napalinga pa siya sa paligid at sinisiguradong siya nga ang kausap nito daan upang mapangiti ito. 'Yong trademark na ngiti nito. Bumaba ito ng sasakyan at lumapit sa kanya. “Sakay na. Hatid na kita. It’s the least I could do sa pagsama mo kay Tita Jocelle ngayong araw.” “Huwag na," magalang niyang tanggi. Nilapitan siya ni Jacob at sa mahinang boses ay sinabing, “come on.” Sobrang lapit nga siguro nito na umaabot sa ilong niya ang natural na manly scent nito. "Aiah?" Aayaw pa sana siya pero nahatak na siya nito patungo sa sasakyan. Wala na rin namang point na magpakipot kaya lumulan na rin siya. Isa pa, pinupukol siya ng tingin ng iba. “Seatbelt?” “A-ako na,” nang akmang ito ang magkakabit niyon ay kaagad niyang sawata. “Why are you so stoic?" Matipid na ngiti lang ang tugon niya. "Relax. It’s not as if kakagatin kita,” si Jacob na binuntutan ng tawa ang sinabi. Kung mangangagat man ito ng babae, siguradong hindi siya yon. “Oh, God! Jacob is such a biter.” Naalala niyang minsang pinag-uusapan ng tatlong kabataang babae ang mga kissmarks sa leeg ng isang naikama ni Jacob. Nasa isang cubicle siya noon sa isang hotel at sinamahan si Sab. “And, he can really make me squeal at the top of my lungs.” “Ilang rounds kayo?” Ang usapang iyon ang nagsemento ng lihim na pagkadisgusto niya kay Jacob. Naiinis siya para kay Sab. “A penny for your thought?” “Ha?” Muli ay naroroon na naman ang magaang ngiti nito. Nauntog ba ito sa pader? Hindi naman talaga sila 'yong tipong in talking terms. “Para lang kasing nakakaasiwa.” Ito ang pinakaunang beses na nakasampa siya sa kotse nito. Jacob and her, they never became friends. Bakit naman siya makikipagkaibigan sa mga uri nito? Oo nga at nakatira siya sa noon pamamahay ng mga Alcala, but she was no different from the maids. “I will be part of the Alcala family, and you, for that matter, is a part of them.” But only if Sabrina will marry him. Lihim niyang tinapunan ng tingin ang katabi. May kuntentong ngiti sa gwapong mukha nito. Nabanggit lang ang pangalan ni Sabrina ay napapangiti na ito. “You are too obsessed with the idea of marrying Sabrina pero wala ka namang ginagawa para mapaamo siya.” Unsolicited advice. Baka hindi nito tanggapin. “And, what do you mean by that?” Interesado ito. Nagpapakita na rin lang naman ito ng kabutihang loob at mukhang sincere talaga sa kaibigan niya kaya tutulungan na niya kahit papano. “Ligawan mo siya.” “Ano pa ba ang ginagawa ko?” Sa dami ng mga babae nito ay wala itong alam sa tradisyunal na ligawan. “Hindi sapat yong sumusulpot ka sa bahay nila at nagpapadala ka ng mga mamahaling regalo. Siguro may kulang pa. A little more push. Masyado ka kasing nakampante na, in the end, ay kayong dalawa ang magkakatuluyan. Kaya nga you lose sight of the fact na babae si Sabrina at may mga hinahanap siya na hindi mo naibibigay. Dapat kasi ipanalo mo muna ang puso niya," mahaba niyang pahayag. “Hypothetically speaking, if you were Sabrina, what would you have me given you?” “Time,” tahasan niyang sagot. Kasi iyon ang hindi maibigay-bigay ni Vince sa kanya. "And maybe you could start by giving her flowers. Calia at White Chrysanthemun. Paborito niya pareho.” “I’ll send it tomorrow, then,” anitong napatangu-tango. Umiling siya bilang pagtutol. “Bakit hindi ikaw ang personal na magdala niyon? Dagdag puntos din 'yon para sa 'yo.” “I will.” Sinisikap talaga ni Jacob na makuha ang loob ni Sabrina. Nang bigla ay tumunog ang cellphone niya. “Vince, nasaan ka na ba?” excited niyang tanong sa nobyo na siyang caller niya. “May emergency pa. 'Di kita mapupuntahan.” Nalaglag ang panga niya sa narinig. Nasa Tuguegarao pa raw ito. “I hope you’ll understand.” “Of course, I do. Work naman 'yan, eh.” Natapos ang pag-uusap na masama ang loob niya. Lagi na lang walang oras si Vince sa kanya. Ang simpleng mga dates nila ay hindi nito magawang siputin. “So, time.” Makalipas ang ilang sandaling pananahimik ay untag ni Jacob. Nakakahiyang marinig nito ang pinag-usapan nila ni Vince at ang makita nito ang disappointment niya. “Busy lang siya." "Busier than I am?” Napipilan siya sa sinabi nito. Ito nga ay kayang isantabi ang mga gawain sa opisina mapagbigyan lang ang ina nito at si Tita Jocelle. And Jacob is kind enough to find time for Sabrina. Naroroon na naman ang inggit sa puso niya. How she wished na gaya ni Jacob, tapunan din siya ng mas higit na atensyon ni Vince. Habang tumatagal kasi ay palayo nang palayo ang mga priorities nila sa buhay. Nagulat na lang siya nang biglang kabigin ni Jacob ang manibela at ihimpil sa tapat ng Seven-Eleven. “Softee ice cream may help.” Saka ito umibis at pinagbuksan siya. “We both are gloomy. Ikaw, hindi sinipot ng boyfriend mo. Ako naman laging binabalewala ng mapapangasawa ko. So, instead of going to a bar, we better have ice cream. Hindi ka rin naman kasi umiinom, sa tingin ko.” Naupo siya sa bakanteng upuan sa labas ng Seven-Eleven at tahimik na inoobserbahan ang bawat kilos ni Jacob sa loob. Habang malaya itong tinititigan ay may kung anong mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso. She is touched by the sincerity and kindness of this man. Ang tagal na nilang magkakilala pero ni minsan ay hindi niya nakikita ang mga magagandang katangian ng mayaman at gwapong lalaking ito. Napahawak siya sa gawing dibdib. Bakit bigla na lang ang tila pagtahip ng kanyang dibdib? Tila may sumisipa sa kaloob-looban niya. Naramdaman na niya ang ganito kasidhing damdamin ngunit pinilit niya lang sa isantabi at ibaon sa limot dahil yon ang nararapat. Napahawak siya sa kanyang dibdib. There is a rapid thud in her heart, a feeling she never felt for Vince. Kalokohan ito. Kalokohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD