bc

Kyra: The Female Ruler

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
dominant
badboy
kickass heroine
drama
mystery
lucky dog
mythology
like
intro-logo
Blurb

Mayroong isang propesiya:

" Si Kyra, ang babaeng anak ng enkantada at tao ang mamumuno sa kaharian ng Hiraya."

Upang maiwasan na maipakasal sa lalaking kapangyarihan lang ang habol, itinago ang katauhan ni Kyra sa pangalang Nixie - isang enkantada na nasa maharlikang estado ang palihim na pumupunta sa mundo ng mga tao upang hanapin ang mortal na ama.

Nang malaman ng anak ng datu ang ginagawang pagpunta ni Nixie sa mundo ng mga tao, inutusan niyang isama siya sa mundo ng mga tao kapalit ang isang kasunduan. Sa pagdating ng dalawang engkanto sa mundo ng mga tao, nasira ang daanan upang makabalik sila dahilan upang magtagal sila sa mundong ito at makakilala ng mga taong tutulong sa kanila upang mapagtanto nila ang tunay na nararamdaman para sa isa't isa.

chap-preview
Free preview
Kaharian ng Hiraya
Halos mapunit ang bibig ko sa lawak ng ngiti ko nang unti-unting maglapat ang mga labi nila. Last episode na ito, mabuti na lang at nararamdaman ko na mayroon silang happy ending. Sulit ang huling araw ko sa mundo ng mga tao bago ako umalis. Alam kong niloloko lang ako ng drama na ito at alam ko rin na panandaliang saya lang ang kilig na ibinibigay nito pero hindi rin naman masamang takasan ang sariling reyalidad nang panandalian. “ Nixie saan ka nanaman pupunta?” nginitian ko lang ang kaibigan kong si Seag. Alam niya kasing nagbibinge watch ako bago ako mawala nang matagal. “ Mga isang linggo akong mawawala.” sagot ko habang nakatingin pa rin sa screen. “ Sabi ko saan ang punta mo, hindi ko tinatanong kung ilang araw ka mawawala.” umupo sa tabi ko si Seag habang kinakausap ako. “ sa hiraya…teka bakit mo pinatay ?!” nakakunot ang noo kong humarap kay Seag. “ tapos naman na. Pasalubong ko ha” inirapan ko lang siya saka tumayo upang ipagpatuloy ang pag-aayos ko ng gamit. Kailangan malinis ko itong condo ko para malinis din pagbalik ko. “ Sabi ko sa Hiraya ako pupunta hindi sa kung saang business meeting. Ano ba kasing ginagawa mo dito? “ ngayon ko lang napansin na nakasando at pajama lang pala siya. Kagigising lang niya dito agad niya dumiretso “ Bili mo ko breakfast nagugutom na ako.” napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “ Hoy Seag, sino ka para utusan ako?” hindi siya agad sumagot, tinignan niya muna ako na parang nagpapa-awa. “ Sige na.. One week kang mawawala oh, hindi mo ba ako mamimiss?” napangiwi ako sa pagpapacute niya. “ Seag, alam kong pogi ka pero ughh! Wag mo nang gagawin yan. Nakakadiri.” sabay akto na para akong nasusuka. “ Ikaw lang talaga ang hindi nafafall sa akin. Alam mong maswerte ka at magkatabi lang tayo ng unit.” saka siya nag-iwas ng tingin na parang natatawa. “ Sa ating dalawa, alam nating pareho na ikaw ang swerte sa akin. Gusto mo pa bang ipaalala ko sayo kung paano ko inampon ang tagalupang katulad mo?” naalala ko tuloy kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin. “ Oo na, ikaw na ang taga-tubig. Ikaw na ang nagpatira sa akin sa condo at nagbigay ng trabaho na may malaking sahod. Ilibre mo na ako ng breakfast magandang diwata.” sabay pabiro siyang yumuko. “ Enkantada.” pagtatama ko sa sinabi niya. Inabot ko na sa kanya ang cellphone ko para maka-order siya ng gusto niyang pagkain, alam na rin naman niya kung anong mga paboritong kainin ko. “ Hindi ba parehas lang ang enkantada at diwata?” muli niyang pagtatanong habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. “ Mas makapangyarihan ang enkatanda. Saka ang mga diwata nakatadhana sila na mangalaga lang ng kalikasan.” lalo na sa panahon ngayon mas maraming diwata ang nahihirapan na ayusin ang trabaho nila dahil parami nang parami ang taong sumisira sa kalikasan. “ Eh sinong mas maganda?” “ yung mga diwata kaso dahil sa stress na binibigay niyong mga tao sa kanila, mas nagmumukhang mas maganda na tuloy kaming mga enkantada.” Habang naghihintay ng pina-deliver na pagkain, ibinalik ko ang atensyon ko sa mga papel na nakakalat sa mesa. Nagresign na rin kasi ako sa trabaho ko dahil alam kong matatagalan ang pagbabalik ko kaya inuumpisahan ko uling ayusin ang mga papeles na pineke ko upang magkaroon ng identidad sa mundong ito. “ Hayss, kung bakit naman kasi isip lang ng tao ang kaya kong kontrolin, mas okay sana kung pati itong mga gamit para hindi na ako nahihirapang maglinis dito.” o kaya naman nagdala sana ako ng alipin para mag-ayos ng gamit ko dito. “ Wala ka nang gagawin kung pati iyon magagawa mo. Maswerte ka nga at may ganyan kang kapangyarihan. Maswerte ka nga nakatira ka sa kaharian eh, samantalang kaming mga tao maraming problema.” “ Seag, pare-pareho tayong may problema. Kung alam mo lang, halos ayoko na bumalik sa kaharian namin dahil sa kalayaan na mayroon ako sa mundo niyo.” “ Bakit naman? Kasi dito ikaw lang yung makapangyarihan?” “ Makapangyarihan din naman ako doon, hindi ko nga lang pwedeng ipaalam. Ayon sa propesiya, kapag ang tao at enkanto ay nagka-anak iyon ang dapat mamuno sa buong kaharian.” nahuhuli ang kaharian namin sa pagbabago ng paniniwala, kung kaya't nang magkaroon ng ganitong propesiya, pinagbawalan na makapunta ang mga enkantong katulad namin sa mundo ng mga tao. “ Naikwento mo nga iyan, pero bakit kailangan mo pang itago?” pagtataka ni Seag. “ Eh kasi babae ako. Kapag nalaman nila, mamadaliin nila akong mag-asawa para sa trono. Mamaya patayin pa ako ng mapapangasawa ko eh. Lalo na sa kaharian ng hiraya mahigpit ang paniniwala nila sa tadhana.” “ Yun naman pala eh, anong ikinakatakot mo sa tadhana?” Napahinto ako sa ginagawa ko. Hinarap ko si Seag. “ Hindi naman nagsasalita ang tadhana eh. Kung minsan, ipinipilit nila ang isang bagay kahit hindi naman dapat saka gagawing excuse ang tadhana. Katulad na lang sa mga pangalan at angkan namin. Lahat iyon nakabase sa magiging tadhana mo.” natatakot ako na ipili nila ako ng mapapangasawa na hindi ko naman kayang pakisamahan. “ Teka kaya ba nagtatago ka sa pangalang Nixie?” tumango ako sa kanya bilang sagot. Kyra ang totoo kong pangalan. Galing ako sa angkan ng mga Rufus na ang ibig sabihin ay pula ang mga buhok. Ngunit dahil sa hindi ako ang tunay na anak ng aking ama kung kaya't nananatiling itim ang buhok ko. May itinuro lang sa akin si Ina na mahiwagang halaman na kailangan kong ilagay sa gugo sa tuwing naliligo ako upang mamula ito. Tumatagal lang ito ng isang buwan at dahil malapit na itong mawala, kailangan kong umuwi sa Hiraya upang makakuha ng mahiwagang halaman na ito. Sa Hiraya, nasa maharlika ang estado ng buhay namin. Pangalawa sa kasalukuyang angkan na naghahari ang mga Nava na ang ibig sabihin ay lahi ng mga magaganda. Naniniwala ang mga mamamayan sa Hiraya na ang kagandahan ng mukha ay sumasalamin sa pag-uugali. Ilang dekada na silang namumuno kung kaya't ninanais din nila na sa mga Nava mamimili ng ipapakasal sa babaeng mamumuno. Sa kasalukuyang henerasyon ng mga tao sa mundong ito alam kong luma na ang ganitong paniniwala at hindi na sinasang-ayunan ngunit burado sa mapa ng Pilipinas ang Kaharian ng Hiraya kung kaya’t pareho man ng wika at ng ilang kultura nahuhuli pa rin sa pagbabago ng paniniwala ang aming kaharian. Maya-maya dumating na ang pagkain na inorder ni Seag. Kinuha at naghain naman si Seag habang tuloy pa rin ang aming pag-uusap. “ Bakit hindi ka nalang mag stay dito Nixie?” seryosong tanong ni Seag. “ Hindi nga alam ng aking ina at ng buong angkan namin ang pinaggagawa ko dito. Saka kaya lang naman ako nandito upang hanapin ang tunay kong ama. Sa katunayan, hindi pa alam ni Ina na alam ko na ang katotohanan. Kung hindi ko pa nakita sa mga gamit niya ang mga sulat ni ama malamang mamamatay na lang ako na hindi nalalaman ang totoo. ” mukhang sa angkan din namin ay wala pang nakakaalam ng katotohanan maliban kay Ina. “ Sabagay, mukhang pareho kayo ng nanay mo Nixie na walang balak magsabi ng katotohan. Naalala ko tuloy, kung hindi pa kita nahuli na ginagamitan mo ng kapangyarihan ang boss natin, malamang wala ka ring sasabihin sa akin.” hindi ko mapigilang matawa sa pakunwaring pagtatampo ni Seag. “ Pero Seag, bilang tanda ng pagkakaibigan. Hindi kita sinubukang kontrolin.” makahulugan ang sinabi ko na iyon sa kanya ngumiti naman siya biglang tugon dito. “ Bilisan mo nang kumain para makauwi ka na rin sa kaharian mo.” sinunod ko naman si Seag. Pagkatapos ko kumain at mag-ayos ay nagpahatid ako kay Seag sa tagong portal malapit sa bakanteng lote. Sa pabalik-balik kong pagpunta sa mundo ng mga tao, alam na ni Seag kung saan ako ihahatid at susunduin sa tuwing kailangan ko siya. Ano na kayang balita sa kaharian? Nawa ay walang magtaka sa isang buwan na pagkawala ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook