Rin Nava

1262 Words
Tirik na tirik ang araw nang makabalik ako dito sa Hiraya. Dahan-dahan kong sinisilip kung may diwata na nagbabantay bago ako lumabas mula dito sa yungib. Nang makita kong may tatlo sa kanila ang nakabantay agad akong gumawa ng ingay sa kinalalagyan ko upang mapasilip ko sila sa yungib. Sa ganitong paraan mas sigurado akong hindi sila makakakuha ng atensyon. Nakita ko ang maingat nilang pagpasok sa loob ng yungib, nang masigurado ko na lahat sila ay nakapasok na, pumalakpak ako ng dalawang beses para makuha ang atensyon nila. Bago pa man sila makapagsalita. “ Mapupuno ng usok ang lugar na ito na halos wala kayong makikita” ganito ko lang kadaling makokontrol ang lahat, tao man o enkanto. Kapag narinig nila ang palakpak ko at napakinggan ang boses ko, susundin ng utak nila ang lahat ng maririnig nila sa akin. Walang usok na lumabas pero iyon ang pinaniniwalaan ng tatlong diwata kaya naman agad akong dumaan sa harap nila upang tumakas. Nang makalayo na ako humanap ako ng sapa upang hugasan ang kamay ko sa pamamagitan nito, mapuputol ang sumpa na ibinigay ko sa mga diwata. Makakatulog sila at makakalimutan ang lahat ng nangyari. Pagkatapos kong punasan ang kamay ko , dumiretso na ako sa kaharian. Dumaan ako sa sikretong lagusan papunta sa aking silid at saka nagpalit ng damit na pang maharlika at saka lumabas upang puntahan ang aking ina. “ Higit isang buwan ka nanamang nagkulong sa iyong silid." agad na bati ni ina pagkakita niya sa akin. "Ina wala naman akong gagawin dito kaya mas gugustuhin ko na lang na magkulong sa aking silid" halos hindi pakilusin ang babae dito sa aming kaharian hindi tulad sa mundo ng mga tao. Sanay naman na ang aking ina ang ang mga nilalang dito na lagi akong nasa silid at hindi lumalabas. Iniisip nila na kinatawan ko ang pagiging binukot kahit na matagal nang tapos ang konsepto nito sa lahi namin. Kahit papano may kaunting karapatan na ang kababaihan ngunit hindi pa rin aabot sa punto kung saan tatanggapin nilang babae ang mamumuno sa kaharian. "Mabuti at naisipan mong lumabas lalo at dito maghahapunan ang datu at ang kanyang anak.” parang mali yata ang pagbabalik ko dito. Hindi ko nais na makita si Rin. “ Anong dahilan ina, bakit nila nais na maghapunan sa pamamahay natin?” may pagkalumang tagalog ang gamit naming wika sa kaharian, mabuti at hindi pa ako masyadong nahahawa sa wika ng mga tao sa Pilipinas. “ Nais lang namin ng iyong ama na makasalo silang kumain.” sabay iwas ng tingin sa akin ni Ina. Mukhang hindi ko gusto ang binabalak nila. “ Ina, maari bang sa loob na lamang ako ng silid kumain? Alam niyo namang hindi kami magkasundo ni Rin” “ Hindi maari, utos ng datu na makasalo tayong lahat. Baka ito na rin ang panahon upang magkasundo muli kayo” isang pilit na ngiti ang isinukli ko kay Ina. “ Kung wala na akong magagawa sa bagay na ito, nais ko munang lumabas upang makapaghanda at makapamasyal na rin.” hindi ko na hinintay ang tugon ni Ina bago ako lumabas. Pumunta ako sa hardin na matatagpuan sa labas ng kaharian upang makapagmuni-muni. Pagpasok ko ay agad akong binati ng mga diwata at engkanto na nangangalaga ng mga bulaklak. “ Tila lalong namumula ang mga rosas sa tuwing dumadaan ka dito Nixie.” ngumiti ako at pinagmasdan ang rosas na nasa harap ko. Tunay nga na maganda ang pagkapula nito. “ Nasa loobang bahagi ang mga upuan , nais niyo po bang samahan ko kayo papunta?” “ Hindi na, nais ko munang pagmasdan pa ang mga bulaklak na ito bago ako tumungo doon.” mataas ang respeto namin sa kalikasan kung kaya’t hindi namin maaring pitasin ang mga bulaklak kung hindi mahalaga ang pag-aalayan o pag gagamitan. “ Lalabas na p-po ako.” nagmamadaling pagpapaalam sa akin ng diwata at maya-maya pa ay halos nag-alisan ang mga nangangalaga sa hardin na ito. Pagtingin ko sa paligid… kaya naman pala may isang Nava na dumating. “ Kaya pala halos mawalan ng kulay ang kaninang nagniningning na hardin.” bulong ko sa sarili ko bago ko iwan ang mga rosas sa harap ko. Dumiretso ako sa loobang bahagi na tinutukoy ng diwata kanina at saka ako umupo sa dulong bahagi habang dinadampot ang isang libro sa mesa. Pagkaupo ko ay sakto namang pumasok din ang nag-iisang anak ng datu – si Rin Nava. Dalawa lang kami sa loob kaya hindi ko maiwasang mapansin siya. Halos isang buwan ko rin siyang hindi nakita. Andami kong kasing inasikaso sa mundo ng mga tao kaya natagalan akong bumalik dito. Kung tutuusin, mas tumangkad at gumwapo siya. Ganun pa rin ang mga mata niya palaging seryoso. Nakalugay ang itim at hanggang balikat niyang buhok. Matangos ang ilong at kitang-kita ang panga na lalong nagpapaganda sa itsura niya. Kung sabagay, isa siyang Nava malamang at galing siya sa magagandang lahi. “ Tapos ka na bang tignan ako?” nakangisi niyang tanong sa akin. Inirapan ko lang siya at itinaas ang librong binabasa ko. “ Isang buwan kang nawala, buti at naisipan mo pang lumabas.” “ sana nga hindi na lang ako lumabas kung ikaw makikita kita.” pagtataray ko sa kanya. “ Pagkatapos mo akong titigan kanina? Tila yata hindi nagtutugma ang sinasabi at ikinikilos mo.” humigpit ang hawak ko sa libro. “ Rin maari ba? Huwag mong sirain ang araw ko.” pagtataray ko sa kanya, palibhasa ako lang ang umaway sa kanya dahil masyado silang nalilinlang ng magandang itsura nito “ Maari naman. Mamayang gabi ko na lang sisirain.” nakatingin siya sa binabasa niya habang nagsasalita. “ Ano bang binabalak niyo at nais niyo raw kaming makasalo sa hapunan?” isang buwan lang naman kasi ako nawala tapos may paganito na. “ kasal.” simpleng sagot niya “ HA? Nino?!” halos pasigaw kong tanong sa kanya. “ hinaan mo ang boses mo babae saka mo gamitin ang iyong utak.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Saglit akong napatahimik saka inayos ang upo ko. “ Ayoko. Hindi ako papayag.” saka ako tumayo upang iwanan siya. “ Sa palagay mo ba nasa iyo ang desisyon?” nakatingin pa rin siya sa librong binabasa niya. Hindi ko na natiis at nilapitan ko siya. “ at papayag ka naman na ikasal ako sayo?” “ hindi kita gusto.” gustong gusto ko talagang patayin ang lalaki na ito akala mo kung sinong hay naku ! nakakainis “ mabuti naman at pareho tayong tutol sa kasal na ito.” pagkasabi ko ng salitang iyon agad niyang ibinaba ang libro niya at tumingin sa akin. “ hindi ko sinabing tutol ako, papakasal pa rin ako sayo.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya at gustong gustong lumabas sa bibig ko ang tanong na kung gago ba siya. Ngunit alam kong hindi niya ako maiintindihan. “ Rin, nababaliw ka na ba ?” seryoso kong tanong sa kanya. “ oo sayo.” saka siya tumayo at inilapit ang mukha sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na umatras sa kanya at dahil sa reaksyon ko ay napangisi siya na nakapagpataas ng nararamdaman kong inis ngayon sa kanya. “ huwag kang umasa Nixie, ang totoo niyan papayag akong tumutol sa kasal sa isang kondisyon.” “ anong kondisyon?” seryoso ang tono ng boses ko dahil alam kong hindi basta-basta ang kondisyon na hihingin niya. . . . . . . . . . “ isama mo ako sa mundo ng mga tao.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD