“I’M SO SORRY! I’m so sorry!” paulit-ulit na sambit ni Malicia habang umiiyak at nakaluhod sa paanan ni Marilyn. Tila lahat ng emosyon niya na nakatago sa loob ng maraming taon ay bigla na lamang kumawala ng sandaling iyon. She had already forgotten how to cry. Kahit pa sa loob ng mga buwan na mag-isa na lamang siya sa mundo at halos hindi na alam kung papaano maka-survive, hindi tumulo ang luha niya. Pero ngayon, tila may kung ano ang nabuksan sa kaloob-looban ng kanyang emosyon. Maybe it was her conscience. For the first time, na-meet niya ang pamilya ng taong pinatay niya. When she was still in Isla de Almino, everyone was just a face. No background, no name. Pero ngayon, alam niyang may pamilya si Jackie. Alam niyang may mga nagmamahal dito. Alam niyang nagluluksa ang mga tao n

