Chapter 14

1603 Words

NAKITA niyang sa isang iglap lang ay nagawa na nitong ihawin ang baboy na kani-kanina lang ay pasan ng binata. Dala ng inis ay ipinasya na lang niyang pumikit. Hanggang sa hindi niya namalayan ay tuluyan na siyang iginupo ng antok. Naalimpungatan siya dahil sa mahihinang ungol na nanunuot sa kanyang pandinig. Para bang nahihirapang huminga na humahinghing ang naririnig niya. "D-Dim!" Napabalikwas siya ng bangon at naghagilap ang mata niya sa paligid. Madilim na sa labas. Mukhang matagal siyang nakatulog. Maliit na ang gatong ng siga, ngunit sapat na ang liwanag niyon para makita niya ang isang taong nakahiga sa buhangin sa kabila ng siga. "D-Dim?" Napatayo siya pilit na sinipat ang taong biling-baligtad sa pagkakahiga. "Dim!" Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang buti-butil ang pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD