Daxen POV "How is my cooking? Is it delicious?" She ask me a simple word but it give me a goosebump. Napahinto ako sa pagnguya at agad na napatitig sa kanya dahil hindi ako sanay na ganyan siya kalambing magtanong. Kung noon ay siya ang gusto kong pasunurin pero ngayon ay iba na. Para bang kada salita niya ay agad ko siyang susundin. "What's with that look?" Natatawang wika niya. "Hindi ba masarap ang luto ko? Hindi ka ba nasarapan?" Paulit-ulit na tanong niya na tila ba nalungkot dahil wala siyang nakukuhang sagot sa akin. "Ayaw ko na nga. Hindi na ako magluluto ulit--" Tatayo na sana siya ngunit agad ko siyang pinigilan. "Hey... it's not like that, okay? Masarap. Sobrang sarap ng luto mo, misis ko." Huminto siya sa pagtayo at napatitig sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. N

