Caroline's POV Payapang alon. Maputi at mapinong buhangin. Mala-crystal na tubig at magandang kulay ng langit. Ang lahat ng ito ang nakakapagpakalma sa akin sa tuwing marami akong iniisip. Takot akong magmahal. Takot akong maramdaman ito at ibigay ang buong pagmamahal ko kay Daxen. Pero isang araw ay nagising ako na para bang takot na akong mawala siya sa akin. Pero naisip ko rin na paano kong maisip niyang iwan ako dahil hindi naman niya ako deserve dahil sa ugali ko? "Kanina ka pa rito?" Bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Daxen mula sa likuran ko. Mag-isa lang kasi akong pumunta rito sa tabing dagat dahil pag-gising ko ay mahimbing na mahimbing ang tulog niya sa tabi ko. Akala ko nga ay ako lang ang inaantok kanina pero siya rin naman pala. "Oo." Tipid kong tugon.

