Caroline's POV "Anak, ready ka na ba?" Napatingin ako kay Yaya ng sumilip siya sa aking pintuan. "Yes, Yaya. I'm ready," nakangiting sagot ko. "Mabuti naman dahil nandyan na si Lucas. Hinihintay ka sa baba." Pabatid ni Yaya. Napangiti naman ako dahil hindi ako inindyan ni Lucas. "Okay, Yaya. Susunod na po ako." Nakasuot ako ng pulang dress. Backless ito kaya kita ang maputi at makinis kong likod. Bumaba na ako at nakita ko nga si Lucas na nakaupo sa sofa at naghihintay at mukhang ito ang magtatapos dahil sa sobrang pormal na suot. Kulang na lang ay mag tuxedo. Para itong isang businessman na a-attend ng meeting of the board. Nang makita ako nitong pababa ng hagdan ay agad itong tumayo. Sinalubong ako at inalalayan pa. "Thanks… Kuya." Asar ko rito. Bahagya pang kumunot ang noo n

