Pinakilig!

1595 Words
----- ***Elara’s POV*** - Halos hindi ako makahinga dahil sa pagod na naramdaman ko. Tumatakbo kasi ako hanggang sa nakarating ako sa bahay namin. Natatakot ako na baka sinundan ako ni Senyorito Hayden at abutan pa niya ako. Aminado ako, natatakot ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag, pero palagi na lang bumibilis ang t*bok ng puso ko kapag malapit siya. Para akong sinusunog ng titig niya. At sa tuwing nagkakadikit ang balat naming dalawa, may kung anong kakaibang sensasyon na nabubuhay sa loob ko. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko, dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Medyo kumalma na ako at kahit papaano’y naging maayos na rin ang paghinga ko. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang may marinig akong kaluskos sa likod—sa dating kulungan ng baboy na inalagaan namin ni Inay. Naging mausisa ako kaya humakbang ako para sumilip. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nandoon si Daisy at si Jack, ang anak ng lider ng mga magsasaka na matagal nang crush ni Daisy. May ginagawa sila na hindi ko dapat makita. Nakatalikod at bahagyang nakatuwad si Daisy, nakalabas ang dibdib niya na pinisil- pisil ni Jack. Nasa likuran siya ni Daisy at mariin itong bumabayo. Pareho silang nakababa ang panloob, at kapwa umuungol na tila ba ninanamnam ang sarap ng ginagawa nila. Wala man akong karanasan, pero alam ko kung ano ang ginagawa nila. Nakakadismaya si Daisy. Papaaralin pa naman sana siya ni Inay, pero baka hindi siya makapagtapos dahil sa mga kalokohan niya. Ang akala ko, hanggang halikan lang sila ni Jack, hindi ko inisip na umabot na sila sa ganito. Hindi naman niya boyfriend si Jack—crush lang niya ito. Lagi pa niyang sinasabi na hindi bagay sa mahihirap ang kagandahan niya, dahil para lang daw iyon sa mga mayaman. Binawi ko ang tingin ko sa kanila. Gusto ko sanang tawagin si Inay at si Tiyo Gomer para ipakita ang ginagawa ni Daisy, pero pinigilan ko ang sarili ko. Galit ako kay Daisy, pero hindi ko pa rin kayang gawin iyon. Kaya sumandal na lang ako sa poste ng bahay namin, ipinikit ang mga mata ko para kumalma sa nakita ko. Pero agad ko rin itong nabuka at napailing-iling. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin, pero biglang naging malaswa ang iniisip ko. Na-imagine ko pa talaga na ako ang gumagawa ng ginagawa ni Daisy, at ang lalaking kasama ko ay si Senyorito Hayden. Napailing ako at kinilabutan sa biglaang imahinasyon kong iyon. Mas mabuti pang pumasok na lang ako sa bahay at matulog. Kakalimutan ko si Senyorito Hayden—pati na rin ang nasaksihan kong ginawa ni Daisy. ------ Hindi ako halos nakatulog kagabi dahil si Senyorito Hayden ang laman ng isip ko. Kahit anong pilit kong gawin, hindi ko talaga magawang alisin siya sa isipan ko. Ayaw ko naman siyang isipin, pero tila ba hindi nakikinig sa akin ang sariling utak ko. Kaya heto ako ngayon, pansamantalang nagpahinga sa ilalim ng puno. Nasa tubuhan ako, at pakiramdam ko ay mas lalo akong napapagod sa bawat galaw na ginagawa ko. Idagdag pa ang sobrang init ng panahon, saka ang kulang kong pahinga kagabi—kaya naman para bang dinadagan ng bigat ang buong katawan ko. Plano kong uminom ng tubig kaya aabot na sana ako sa bag ko upang kunin ang bottled water, nang bigla na lamang may humila sa akin. Mapapasigaw na sana ako, pero natigilan ako nang makita kong si Senyorito Hayden pala iyon. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya bago pa may makakita sa aming dalawa. Nagtago kami sa likod ng mga mayayabong na halaman, malayo sa mga mata ng ibang tao. “S-Senyorito, ano po ang kailangan niyo sa akin?” tanong ko nang binitiwan na niya ako. Pinilit kong magkaroon ng lakas ng loob upang harapin siya, ngunit siniguro ko muna na walang makakakita sa aming dalawa. “Bakit mo ako tinakasan kagabi? Natatakot ka ba sa akin?” tanong niya. Ramdam ko ang halatang inis at irritasyon sa tinig niya. Sinong hindi mapapatakbo sa mga pinagsasabi niya kagabi? “Kasi po, Senyorito… gabi na kasi at baka hinahanap na ako ni Inay, kaya nagmamadali akong umalis. Hindi ko po kayo tinakasan,” pagsisinungaling ko. “Really?” Umangat ang isang sulok ng kanyang labi, para bang nanunukso. Ramdam ko na hindi siya naniniwala sa dahilan ko. “You’re not good at lying, baby.” Baby? Tinawag ba niya akong baby? Parang mabibingi na ako sa sobrang lakas ng t*bok ng puso ko. Ramdam ko ang bawat pintig nito na tila ba umaalingawngaw sa buong katawan ko. “H-Hindi po ako nagsisinungaling, Senyorito. Talagang kailangan ko nang umuwi kagabi.” “Okay.” Isang hakbang ang inilapit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit kusa akong napaatras. At bago ko pa namalayan, pahilig na pala sa likod ko at muntikan na akong madulas. Mabuti na lamang at mabilis niya akong nahila palapit sa kanya. Sa isang iglap, hawak na niya ang baywang ko at muntikan pang tumama ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. Ang bango niya—mas lalo tuloy akong nahiya dahil pakiramdam ko, amoy araw ako at pawis na pawis. Gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya, ngunit hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. “S-Senyorito, maraming salamat po. Pero okay na po. Maaari niyo na po akong bitawan,” wika ko, habang lalo pang bumibilis at lumalakas ang t*bok ng puso ko. “Po?” kunot-noo niyang tugon. “Po. Kasi diba, matanda na kayo." Hala! Iyon pa talaga ang nasabi ko, imbes na sabihing nirespeto ko siya bilang amo ko. “Matanda? I am just twenty-eight.” “Labing-siyam lang po ako. Kaya matanda pa rin kayo sa akin,” dagdag ko pa, imbes na itama ang sarili kong pagkakamali. “Labing-siyam? At least, you’re legal.” Nakakainis talaga itong si Senyorito. Kapag palagi siyang ganito sa akin, baka tuluyan na akong mahulog sa kanya. “B-Bitawan niyo na po ako,” mahina kong wika, halos hindi ko na mapigil ang kaba at pagkalito sa dibdib ko. Mas lalo pa niya akong hinila palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang halos isang dangkal na lamang ang agwat ng mukha ko sa kanya. Nakayuko siya sa akin, habang ako naman ay napapatingala, halos nakalapit na ang mga labi ko sa kanya. “You’re the only woman who looks beautiful to me, even without makeup and even when you’re messy,” aniya, habang nakatitig nang diretso sa akin. Hindi siya kumukurap, para bang sinisiyasat ang buong pagkatao ko. Napalunok ako, hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Pinapakilig ni Senyorito Hayden ang puso ko. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam—yung tipong kinikilig at sabay kinakabahan ako. Ngayon lang kasi ako naging ganito kalapit sa isang lalaki, at hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagdagsa ng emosyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ang alam ko lang, sa bawat salitang binibitawan niya at sa bawat titig na ibinibigay niya, pakiramdam ko ay unti-unti na talaga akong nahuhulog sa kanya. Baka nga… mainlove na talaga ako sa kanya. At ang hirap-hirap niyang i-ignore, masyadong malakas ang charm niya. Naninigas ako, tila ba natulala sa dami ng iniisip, nang bigla kong marinig ang malakas na boses. “Elara! Elara!” sigaw ni Daisy habang hinahanap ako. “Ang tamad mo talaga! Lagi ka na lang nagtatago para hindi ka mautusan.” Mabilis akong bumitaw mula sa pagkakahawak ni Senyorito Hayden, baka kasi makita pa kami ni Daisy sa ganoong ayos at kung ano-ano na naman ang iisipin nito. “Aalis na ako, Senyorito,” mahina kong sabi, halos hindi makatingin nang diretso sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang magiging tugon niya. Agad kong binilisan ang mga hakbang ko palayo, ngunit sinadya kong hindi dumaan sa direksyong kinaroroonan ni Daisy. Sa halip, sa kabilang daan ako dumiretso, papunta sa tubuhan. Bahala na si Daisy kung paano niya ako hahanapin. Samantala, nakita ko na si Senyorito Hayden naman ay dumaan sa kabilang daan, at siya ang siyang sumalubong kay Daisy. Narinig ko ang boses nila nang magkasalubong sila, kaya napahinto ako at agad nagtago sa gilid. Hindi ko napigilang makinig kung ano ang pag-uusapan nila. “Hi, Senyorito Hayden. Nandito ka pala,” malambing na wika ni Daisy, halata ang pagpapa-cute sa boses niya. “Hindi ba ako puwedeng pumunta rito?” malamig at may bahid sarkasmo ang tugon ni Senyorito Hayden. “Pwede naman po. Ah… Senyorito Hayden, ano nga pala ang type niyo sa babae? Yung bang v*rgin na tulad ko?” V*rgin? Hindi ba siya kinilabutan sa sinabi niya? At paano naman siya magiging v*rgin kung ang lakas-lakas pa nga ng ungol niya kagabi? “’Yung hindi malalapagan ng eroplano ang noo,” diretsong sagot ni Senyorito Hayden, dahilan para mapailing ako at mapahagikhik nang mahina. Mabuti na lang at hindi nila ako naririnig. Totoo naman kasi—malapad ang noo ni Daisy. Nakita ko kung paanong napatigil at napanganga si Daisy, tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Senyorito Hayden. Nilampasan naman siya agad nito, hindi na pinatulan pa. Halos hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa habang naglalakad palayo. Siguro naman, nagising na sa katotohanan si Daisy na hindi siya type ni Senyorito Hayden. Ang kapal naman kasi ng mukha niya! Pero… pakiramdam ko, baka sa akin may gusto si Senyorito Hayden. May ganun? Ngunit agad din akong natigilan. May gusto nga ba talaga siya sa akin? O nilalandi niya lang ako dahil baka may iba siyang pakay sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD