CERISE "TANGGAPIN mo ako," tahimik akong nakikinig kay Semira habang binasa niya ang tulang ginawa niya. Sinabi ko kasi sa kanya na isulat niya ang kanyang nararamdaman ngayon. Alam mo bang hindi ako siya? Hindi ako si Cinderella, Na hindi umiimik at nagpapaapi. Hindi rin naman ako si Snow White, Na mahinahon at maalam sa gawaing bahay. Lalong hindi ako si Sleeping Beauty, Na may maamong ngiti at mahumaling na boses. Dahil ako ang babaeng sinasabi ng mga diwata na iwasan mo, Ako si Ursula, ang bruhilda ng karagatan, Sinasamantala ang bawat pagkakataon, Makuha lang ang inaasam. Ako si Valentina, ang babaeng ahas ang buhok, Mabagsik, matapang at hindi nagpapatalo. Ako ang wicked witch ng mga fairytales, Ako ang maramot na kerida ng mga kwentong romansa, Ako ang kontrabida sa

