ANGELO "IKAW?" bilog ang mga mata ni Cerise na napatingin sa akin. "C-cerise, I can explain," sinubukan kong lumapit pero nakita kong umiling siya. "Paano ang kasal? Si Vivienne –" "Hindi namin itinuloy ang kasal," sagot ko. "H-hindi ka nagpakasal?" "I can't," inilang hakbang ko ang pagitan namin saka ikinulong ang kanyang mukha sa aking mga palad, "ikaw ang gusto kong pakasalan." "P-pero –" Hindi ko na siya pinatapos dahil agad siyang hinalikan. I miss her so much that I want to savor the kiss we shared pero marami kaming dapat pag-usapan. "I love you," hinihingal kong saad habang pinagdampi ko ang aming mga noo. "Mahal din kita," saad niya pero napatitig siya sa aking dibdib. Agad kong naalala ang dahilan ng pagtatagpong ito. Alam kong muli niyang naramdaman ang takot dulot n

