ANGELO NAKAPASKIL na ata ang ngiti ko sa aking mukha dahil ang napakamaamong mukha ni Cerise habang natutulog sa tabi ko ang bumungad sa aking paggising. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nalagpasan namin ang lahat. Hindi naging madali ang mga naranasan namin pero ang mga ito ang magiging pundasyon namin. Ang nakaraan namin ang magiging dahilan upang patuloy naming ipaglalaban ang aming nararamdaman para sa isa't isa. Walang sino o anuman ang makakasira sa relasyong ito at sinisiguro kong walang hahadlang sa masayang pagsasama namin. "Good morning," agad kong bati nang gumising si Cerise, Napangiti ako nang makita kong agad namula ang kanyang pisngi saka nahihiyang nagtabon ng kumot. "Hey," tinanggal ko ang kumot sa mukha niya, "huwag mo namang ipagkait sa akin ang m

