CERISE NAGMADALI akong lumabas ng silid dahil kailangan ko pang ipahanda ang agahan ni Linta. Kailangan ko ring alamin kung ano ang schedule niya ngayon dahil baka may nakaligtaan akong tignan. "Good morning Miss Cerise," nagulat ako nang batiin ako ni Marjie pagkabuksan ko ng pinto. "Good morning," malimit kong saad saka nilagpasan siya. "Kakain na ba tayo ng breakfast?" magiliw niyang saad habang sinundan ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiirita sa kanya. Marahil ito ay dahil sa manipis niyang boses o baka dahil lagi siyang nakabuntot sa akin. "Uunahin muna nating ihanda ang almusal ng amo natin," matabang kong sagot na hindi siya nilingon. "Ay tapos na po," agad niyang sagot kaya napahinto ako para lingunin siya. "Ano?" "Maaga po kasi siyang bumangon kanina," paliwanag niya,

