CERISE PANSAMANTALANG bumalik sa trabaho si Ate Sky upang ma-turn over niya sa akin ang mga kailangan ko bilang personal assistant ni Angelo. "Sandali lang ako dito," saad niya, "sabi kasi ni Sir Angelo kailangang bigyan daw kita ng tips tungkol sa dapat at hindi mo dapat gawin bilang PA niya." "Mabuti naman," I heaved a sigh, "hindi ko alam na sobra pala siyang bossy." "Nasanay ka kasi na mabait siya sa’yo. Bakit mo naman kasi pinapahirapan ang sarili mo? Hindi mo kailangang maranasan ito dahil ikaw nga dapat ang pagsisilbihan namin eh," sagot ni ate Sky. "Namin?" kunot-noo kong tanong. "Ay, oo nga pala," lumingon siya sa likod niya, "meet Marjie Ann. Siya ang apprentice ko." "Hi," ngumiti si Marjie sa akin. "Apprentice? Hindi ko alam na may apprentice ka pala." "She is on her on

