CERISE KINAKABAHAN akong tumingin sa indicator ng elevator. Nasa ikadalawampo't anim na palapag ang opisina ni Angelo pero parang gusto kong bagalan pa ng elevator ang pag-akyat nito. Ngayon kasi ang unang araw bilang pansamantalang personal assistant ni Angelo. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng pinasok kong ito pero umaasa ako na kahit sa ganitong paraan, mababayaran ko ang kabutihan niya sa akin. TING! Napatingin ako sa indicator saka napagtantyang isang palapag na lang at mararating ko na ang opisina ni Angelo. Huminga ako ng malalim saka taimtim na napadasal. Sana magiging okay ang lahat. "Good morning, Sir," para namang tumalon ang hininga ko nang marinig kong bumati ang mga kasama ko sa elevator sa taong nakaabang sa pagbukas nito. "G-good morning, Sir," nakayuko kong s

